Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Angel Locsin: Deadma sa nega basta tuloy ang ayuda

Angel Locsin


  Kapamilya actress Angel Locsin continues to win the hearts of the public as she shows full support and gives donations for those in need during this time of pandemic. Since the rise of Covid-19 in the Philippines, Angel has been reaching out to people in need of food, PPE’s (personal protective equipment), hospital tents and other stuff.


Angel, ang tunay na Darna
Minsan nang ginampanan ni Angel ang Darna sa telebisyon. Today, she is living her role as the country’s real life super hero dahil sa maagap na pagtulong sa kapwa. More than that, people feel she has great compassion for those in need kaya kitang-kita ang dedikasyon niya sa lahat ng kanyang mga charity works. Kilala si Angel sa bigay todong pagtulong kaya naman kesehodang ibenta ng aktres ang kanyang luxury car alang-alang sa kawang-gawa. 


Sabi nga, if it’s for charity and for the love of others- it won’t hurt. Ganyan siguro ang naramdaman ni Angel nu’ng mag-desisyon siyang I-donate ang kanyang Dodge Durango para makabili ng mass testing kits para mas marami pa ang maka-avail ng testing for Covid-19. Kung ating matatandaan, nu’ng nag- super typhoon Yolanda sa Tacloban City, Leyte isa rin si Angel sa namahagi ng tulong. Hindi lang ‘yan, she even sold her luxury car which she bought pa in the States para makadagdag sa pantulong sa mga biktima ng Yolanda at ayuda sa mga biktima ng giyera. May mga nagtatanong, bakit daw ito ginagawa ni Angel? 

Hands-on si Angel sa kanyang pagtulong
Hindi hindi naman daw siya tumatakbo for public office o wala naman siyang katungkulan sa gobyerno. 

Hindi kailangan ng kahit na sino na magkaroon ng puwesto o katungkulan para tumulong sa kapwa. Kaya siguro with this in mind, Angel and her fiance, Neil Arce, have never ceased helping and reaching out to those in need. 

Patuloy pa rin ang Unitent project ni Angel na itinatayo sa mga ospital at pag-donate niya ng ibang kailangan ng mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemic na ito. 

Hindi lang si Angel, pati sina Bea Alonzo, Ara Mina Kim Chiu, Anne Curtis are also doing their share sa pagtulong sa mga frontliners, mga ospital at mga biktima ng Covid-19. In fact, the I Am Foundation organized by Bea already reached a whopping 9- million pesos in donation. Anne on her part, is giving her designer Chanel sling bag for auction. 

See, hindi kailangang magka-posisyon sa gobyerno para makatulong. Patuloy nating labanan ang Covid-19 at sa abot ng ating makakaya let us reach out and help others in this time of great need.


Heart Evangelista vs. Jinkee Pacquio: Wars of the Pambahay Fashionista

Heart Evangelista and Jinkee Paquiao



 In the midst of this pandemic crisis people are so bored that they would do anything in their respective houses just to get them preoccupied. For the members of the elite society, they got plenty of things to do and just like what I have found in the internet. Yes, dahil ang lahat ay walang marampahan na event or venue, ang ilan sa mga kilala nating celebrity na talaga naman fashionista ay nagkaroon ng sari-sarili nilang way ng pagrampa ng kanilang mga pinagmamalaking fashion wardrobes. At ito ay sa loob ng kanilang sariling mga bahay. Pero take note ang kanilang inirarampa ay hindi yong typical na nakikita natin tuwing may event okasyon kundi tinuturing lamang nila itong pambahay at ito ay dahil nga nasa bahay lamang sila.
Heart's fashion sense is excellent
Yes, true pambahay nga ang kanilang napiling irampa sa kani-kanilang social media pero ito ang catch ng mga inirarampa nilang wardrobe, hindi siya basta basta na pambahay at ang brand ay hindi pucho pucho. Alam nyo ba kung ano ang mga ito? Well ito lang naman ay mga designs ng mga well known designers sa mundo ng fashion. And you can also drop your jaw now because ang cost lang naman ng mga pambahay na ito ay tumatagingting na limang digit ang isang piraso at ito ang pinakamababa. Kahit pa sabihin Php10,000.00 ang isa ay jusmio marimar baka isang buwang tuyo ang magiging ulam ko nyan. Pero ganun talaga dahil carry naman nila ang ganitong statement sa kanilang buhay. Kaya kung di kaya wag mangarap at baka lumagapak ka sa semento at hindi sa lupa.


Jinkee has her own style
Ang nakaka-aliw dito ay hindi lamang po isang celebrity ang nagpost ng kanilang precious na pambahay fashion. Yes, dalawa sa kilalang celebrity ang nakitaan natin ng posting sa kanilang social media account, sina Heart Evangelista at Jinkee Pacquiao. Para tuloy nagkaroon ng patalbugan ng pambahay outfit. Kaya bahala na kayong humusga kung sino ang magandang umawra ng Pambahay Fashion. (Showbiz Blahbers, sino ang mas may K?Sino ang mas syala? -Ed)



Mga Punong Bayan na tunay naglilingkod sa panahon ng epidemya

The real working mayors sa panahon ng COVID-19





 Veteran or newbie public servants were considered inexperience, no one has been prepared to face the pandemic crisis of the COVID-19. Lahat tayo ay nabulaga ng crisis na ito. Kahit saang anggulo mo tingnan at kahit ang mga rich at big countries ay nagulat din sa problemang ito ng mundo. Pero kahit na ganito ang nangyari marami pa ring mga public servants ang marunong mag-adapt sa sitwasyon at masasabi mong mga leader talaga. Ito yong mga tao na read to do everything that they can do just to serve their constituents and make them safe as much as possible. 


Mayor Goma of Ormoc City is an Idol Mayor
Kaya nga meron tayong mga napansin at nakita na true public servants. Not only because of their positions in the government but because of their concern for their constituents. Ilan sa mga kapansin-pansin na mga mayor ay sina Richard Gomez ng Ormoc City, Vico Sotto ng Pasig City, Emerson Pascual ng Gapan City, at Arthur Robes ng San Jose Del Monte City.  

Si Mayor Gomez o mas kilalang Goma ay continuous sa pangangalaga sa kanyang nasasakupan at marahil ang Ormoc City ay isa sa mga lugar na COVID-free at ito ay dahil sa DISIPLINA. Yes, discipline ang ini-impose ni Mayor Gomez sa kanyang nasasakupan.

Si Mayor Vico, na sa una ay inaakalang walang magagawa dahil newbie sa larangan ng politika. Pero tingnan nyo naman, halos karamihan sa innovations na ginawa ng ibang mga mayors ay sa kanya nanggaling. Tulad na lang ng “Market on Wheels” na pinagawa ni Mayor Vico para sa kapakanan ng kanyang mga constituents.

Mayors Emeng, Vico and Arthur na tapat na naglilingkod
Ang Superman Mayor ng Gapan City, Nueva Ecija, Mayor Emeng , na talaga naman siya pa mismo ang nagbuhat at namahagi ng mga saku-sakong bigas para sa kanyang mga kababayan. 

Ang mayor ng Rising City na si Mayor Robes ay siniguro na makakaabot sa mga poorest of the poor na mga constituents nya ang tulong na ayuda ng gobyerno na Social Amelioration Program. 

Ito ang mga ilan lamang sa mga working mayors na talaga namang they stand to what they are mandated to do, PUBLIC SERVICE!






Liza, Mystica, McCoy, rumesbak sa mga pasaway


Liza Soberano, Mystica and McCoy de Leon



 Let us start this column with a heart-tugging quote from Lori Deschene: “Maybe when social distancing is a thing of the past, we’ll hug a little harder, hold on a little longer, and remember that nothing matters more than the time we spend with the people we love.”

What a beautiful way to start today’s Divalicious, right? Now that it is about two days before we are in general community quarantine, if we want to experience once more the hugging and make it tighter than tight, holding another person’s hand and not minding that is sweaty and remembering the special scent of someone dear as your body is pressed against him or her, let us be a more disciplined and mindful of our actions so that the number of people being afflicted of the pisting veerus will no longer escalate knowing the fact that a possible vaccine for it remains to be an elusive dream. Kaya, bawal maging pasaway at ang walang kadahilanang pagrampa here, there and everywhere, huwag gawin. Hindi masama ang tumigil sa bahay kung hindi naman kinakailangang lumabas. Mas mainam magpaka-ermitanyo o mongha ang drama hanggat ang ang panganib ay pangmalakasan pa.

Kaya, pagtuunan na lang natin ang mga pinagkaka-abalahan ng mga artistang na somehow, they moved me to make them pansin.


Liza
Ang panawagan ni Liza Soberano na magkaisa ang lahat ngayong patuloy pa rin silang nakikipaglaban para sa network renewal nila. Siguro, kung ni-revive ni Soberano ang “Magkaisa” ni Virna Lisa, baka mas matuwa pa ako sa panawagan niya. Wala naman kasing gravitas ang basta panawagan na lamang dahil ang dami na namang hindi lang ganiyan ang ginagawa, pagsusumamo pa at may kasamang matinding panalangin. Hindi ko alam kung hanggang saan aabutin at kung paano matatapos ang moro-moro na silang mga taga-Mother Ignacia ang siyang major, major players.

May naka-ambang 8 counts of counter demanda si Mystica laban kay Arnell Ignacio na siyang unang nag-demanda sa kanya. Ay! Exciting ito! Magkaka-alaman kung sino ang tunay na kabogera at kung sino ang dakila at tunay na baliw sa giyera-giyerahan ang mga mga nag-aaktingan ay isang bakla at babaing ang pag-uugali ay pambakla.

Sige, pahabaan kayo ng mga pisi at magpagalingan ng mga abogado para magkaalaman na kung may merito at saysay nga ba ang inyong mga ikinakaso sa isa’t-isa. Ang hindi ko talaga maunawaan sa tunggaliang ito, pareho namang la ocean deep at super trying hard na magpaka-relevant ang matatandang ire, bakit pa natin papatulan ang tripping nila? Ay! Nasa demokrasya nga pala tayo kaya may karapatan silang gawin ang gusto nila.



Eh ano naman ang maikukuda ko ba fake news na attributed sa super cutey na si McCoy de Leon? Kung ako sa binate, inangkin ko na ang alegasyon lalo na nga’t talaga namang the way the gobiyerno nacional is handling this pandemya, hindi mo talaga maunawaan kung the best and the brightest nga ba silang lahat o sadyang ginagawa nilang laro ang pagpapatakbo sa bayan?

Hindi ba naman kung kailan mas spaghetting pataas ang may pisting veerus affliction saka tayo ilalagay lahat under the GCQ? Parang ginigisa tayong lahat sa sarili nating mantika. Kaya sayang talaga na hindi inangkin at inari ni Mc Coy ang Law of CR na paandar.

Kung sabagay, ang bantot nga naman kung sa walang kwenta at gawa-gawa lang na balita niya ikakabit ang kanyang pangalan lalo na nga’t kahit paano, kilala na siya, may kakarampot na following at marunong naman umarte from time to time. Ang savage! Hahahaha!

Ngayong under GCQ na tayo, ano pa nga ba blooming ang dapat sabihin kundi good luck, good health and God bless us all!

Janine, Ruru, Mikael at Megan: Mga ganap para iwas pagkaburyong

Janine, Ruru, Mikael and Megan




 Sa bigat ng problemang dinadala ngayon ng buong mundo dahil sa patuloy na lumalaganap na COVID-19 pandemic, marami ang nakakalimot na bigyang halaga ang maliliit na tagumpay na ating nakakamit sa p  ang-araw-araw gaya na lamang ng mga simpleng gawaing-bahay. 

Ito ang natutunan ni Miss World 2013 Megan Young habang naka-quarantine kasama ang asawang si Mikael Daez sa kanilang tinitirahang condo.

Megan-Mikhael nag-enjoy sa Cambodia
Sey ng Kapuso actress, upang manatiling positibo sa kabila ng lahat, iniisip niya ang kanyang na-accomplish na goals - maliit man o malaki. 

“When I need a boost of happy thoughts, I think of all the "wins" that I've had throughout the week - random things that made me happy during the week.” 

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Megan ang maliliit niyang tagumpay sa linggong ito gaya ng pagkukumpuni ng PC nila ni Mikael na gamit ng dalawa upang maglaro ng online games, ang cute na espresso shots na in-order ng asawa, at maging ang paboritong santol na dala ng kanyang kapatid. 

Samantala ay isang throwback video ang in-upload ng Kapuso actor na si Mikael Daez recently sa kanyang YouTube account. 

Ito ang una nilang international trip ng asawang si Megan kunsaan nagbakasyon sila sa Cambodia. Isang beach sa Sihanoukville ang binisita nila. 

Sey ng actor sa kanyang caption: “Another throwback vlog!! As usual, I missed my Throwback Thursday opportunity but why can't we do throwbacks on Sundays, right?! This is apparently my first international vlog with Bonez. I'm pretty sure we never announced we were official. I wonder what people thought back then hmmmmm..."

Sa naturang video, manghang-mangha si Mikael sa ganda ng white beach ng lugar.

“We have only been in the beach for ten minutes and I'm in love. I don't know about her, it is beautiful here. Beautiful!"

*****

May realizations daw ang Kapuso actor na si Ruru Madrid habang naka-quarantine sa bahay. Kuwento ng aktor, mas nalaman niya ang importansya ng pamilya sa mga ganitong sitwasyon. 


Ruru may na discoverbduring the lockdown
“Because of COVID-19, na-realize ko na dapat every single moment, ini-enjoy na natin. I mean, 'yung mga panahon na puwede pa nating sabihin sa mga taong mahal natin na mahal natin sila, sabihin na natin hangga't kaya nating sabihin. Kasi, hindi natin alam kung ano 'yung mangyayari."

Dagdag pa ni Ruru, sinasamantala rin daw niya ang panahon na ito para tumuklas ng mga bagong pagkakaabalahan o hobbies.

Napapanood ngayon ang rerun ng kinabibilangan niyang telefantasya na Encantadia sa GMA Telebabad.

*****

Sa latest vlog ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez, ipinasilip niya sa kanyang fans at followers ang mga pagbabago sa kanyang pamumuhay habang naka-quarantine na mag-isa sa kanyang condo. 

Janine, busy sa gawaing bahay

Ayon nga kay Janine, marami siyang bagong natutunan na gawin katulad ng pagluluto, paglalaba at paglilinis ng kanyang bahay. 

Nagkaroon din siya ng house tour sa kanyang condo at ibinahagi niyang nahihilig siya ngayon sa pag-aalaga ng mga halaman. 

Kelan lang ay nakuha ni Janine ang Silver Play Button mula sa YouTube matapos makakuha ng 100,000 subscribers sa kanyang account. 


Chynna at Barbie: Ang kanilang kanta at pampaganda

Chynna Ortalea and Barbie Forteza




 Nagkuwento si Chynna Ortaleza tungkol sa kanilang original song na sinulat nila ng kanyang mister na si Kean Cipriano titled "Sulyap."

Ayon sa Instagram post ni Chynna, unang binanggit ni Kean sa kanya ang opening line ng "Sulyap” habang nasa labas sila.

Chynna and husband Kean
“Isang gabi nag-dinner kami ni @markcarpio at @kean Nakapagkwentuhan at habang naglalakad kami binanggit niya sakin ang opening line ng kanta na ito.

“Nabuo namin ni Kean ang kanta sa sala ng dati naming bahay. Kagabi naman habang nasa sala, sinubukan namin kantahin ulit."

Dagdag pa ni Chynna, dati ay napatanong siya kung si Kean na ba ang sagot sa dalangin niya.

“Napatanong kasi talaga ako dati nung nagsisimula nang lumalim ang damdamin ko kay Kean.. Ikaw na kaya sagot sa dalangin ko? Siya nga. AMEN! Thank you Lord!"

Maaaring mapanood ang kanilang performance ng "Sulyap" sa IGTV ni Chynna sa kanyang Instagram account. 

*****

Hindi man makalabas dahil sa banta ng COVID-19, mahalaga pa rin daw ang pagpapahalaga at pag-aayos ng ating mga sarili ayon kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza. 

Sa kanyang YouTube vlog, nag-share si Barbie ng tips kung paano magkaroon ng makinis na kutis lalo na ngayong summer at matindi ang sikat ng araw. 

Sa vlog ay ipinasilip ni Barbie kung paano siya naghahanda upang ma-achieve ang kanyang ‘natural look’ kahit pa indoor picnic lamang ang pupuntahan. 

Barbie
Sey ni Barbie, ang tatlong pinakamahalagang skincare products na dapat gamitin ngayong tag-araw ay ang toner para ma-seal ang pores, moisturizer panangga sa dry skin, at sunscreen bilang proteksyon sa araw. 

Dagdag pa niya, depende pa rin daw sa skin type, daily routine, at lifestyle ng tao ang dapat na gamiting skincare products. 

Gaya na lamang niya na hindi raw hiyang sa Korean skincare routine kung saan umaabot sa sampung produkto ang iyong gagamitin sa mukha.

“Well sa experience ko after trying a lot of products and after ko mag-try ng iba't ibang routine, I even tried the Korean skincare routine and hindi siya nag-work sa'kin. Para sa'kin, mas nag-work ang less products.”

Samantala, kahit di muna napapanood ang pinagbibidahang serye kasama si Kate Valdez na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, napapanood pa rin si Barbie sa rerun ng Meant To Be tuwing gabi sa GMA Telebabad.

*****

Marami ang bumilib sa ipinakitang professionalism ng GMA News anchor na si Connie Sison sa naging live interview niya with a high ranking government official na napanood last Tuesday sa Unang Hirit.

Connie Sison
Kahit kasi tila tumataas na ang boses ng nasabing opisyal, magalang pa rin si Connie at poised sa pag-handle ng nasabing sitwasyon. 

Marami sa mga manunuod ang nagpahayag sa social media ng kanilang pagsaludo kay Connie dahil pinatunayan niya lang kung ano ang dapat ginagawa ng mga mamamahayag—ang manatiling objective at tanungin ang mga nais ding itanong ng publiko kahit minsan ay tila nababalingan sila ng init ng ulo ng kausap nila. 

Hindi raw ito madali lalo na sa mga panahon ngayon. Kaya, saludo ang marami kay Connie!


Zsa-Zsa, Ai Ai, Enchong at James: Ang kanilang mga kabaliwang ganap

Zsa-Zsa, Ai Ai, Enchong at James





We survived the enhanced community quarantine (ECQ). When the modified ECQ was declared, most of us did not feel the difference and continued with our daily routines, followed our quarantine schedules and we all lived to see another day. And now, the general CQ is just four days before us, are we ready to embrace this new phase?

Whatever good we have earned and learned during the longest quarantine season in this side of the planet, let us take it to heart and continue to do it since all our very lives depend on being disciplined and mindful of our actions and reactions. Huwag naman agad-agad magpakasasa sa kaligayahan at kalandian lalo na ngat wala pa ring vaccine para sa pisting veerus.

Ai Ai at Zsa Zsa may word war? 

Ai Ai at Zsa Zsa may word war?

At dahil mindful tayo sa mga kaganapan sa showbizlandia, amused na amused ako sa palitan ng kuro-kuro nina Comedy Queen AiAi delas Alas at Divine Diva Zsa-Zsa Padilla tungkol sa isang Korean drama na marami ang watchers. Huwag na nating banggitin pa kung ano ang title nito dahil nakakakuha lang ng libreng publicity sa Pilipinas nating mahal ang show na ang bida ang universal oppa, si Lee Min Ho. Deadma na ako sa leading lady niya dahil sa true lang, hindi naman ito kagandahan. Commoner na commoner ang look of this Koreana na walang facial pores, huh! Hindi nagustuhan ni AiAi ang show. Inisa-isa niya ang kanyang valid points. Ang nanay naman ni Karylle, bet na bet ang show at may pasintabi na nga ito na ang pagkaka-gust niya sa K-drama does not mean na nakikipag-tarayan siya sa Kapuso comedienne. Papatol pa ba tayo sa giyera pataning ito? Huwag na. Pareho namang hindi experts in South Korean culture sina Martina at ZsaZhing at second hand information lang naman ang alam nila talaga, just like the most of us, on what makes a compelling drama na pasa sa Korean at international viewers standards lalo na nga’t isang pangmalakasang worldwide channel rin ineere ang palabas ni Min Ho.

Kesa magbangayan pa sina AiAi at ZsaZsa, maglambing na lang sila sa mga pinagtratrabahuhan nila na baka naman gusto na nilang baliin at ibaon sa limot ang kanilang formulaic at melodramatic dramas para naman ang international viewing audiences eh maging mausisa kung ano ba talaga ang ispesyal at katangi-tangi sa Filipino movies at television shows.

Hindi ko rin kinaya ang drama na si James Reid, may bagong official title, Ambassador ng Food Security para sa Department of Agriculture (feeling pro-magsasaka si Pogi ?-Ed)

Ang plastic container ni James. Bow!

Hindi ko ma-konek kung ano ang magagawa at kayang gawin ni Reid para maiparating sa lahat na may sapat na pagkain at kakainin ang more than a hundred million Filipinos. Ni baka hindi nga alam ni James kantahin ang Bahay Kubo at baka ni hindi niya kilala ang mga gulay sa folk song? Sure ako na ang baboy, manok at baka, tiger prawns, lobsters at squid alam niya. Pero ang bisugo, sapsap, hiwas at talakitok, has he even tasted din? Will we see him planting palay with the farmers or making the tubo into asukal?

Enchong, may planong tablahin ang BIR?

And ang emote ni Enchong Dee, na bilang berdaderong middle class who pays the gobiyerno nacional a stupendous amount of taxes, na super nagdadalawang isip if he wants to settle his tax obligations on time lalo na nga’t tila wala namang malasakit at simpatiya ang mga nasa kinauukulan na just like the rest of us, ang middle class, also need gabay, pagkalinga at pagmamahal.

Happy GCQ sa ating lahat at dapat na mas lalong maging disiplinado at maingat, my dear beloved Blahbers, okay?

Ronnie Liang : Happy to be of service as frontliner

Ronnie Liang



 Our government has yet to find a solution to the Covid 19 virus even if we are more than 70s days now in lockdown. The Department of Health has yet to conduct as wide-scale testing to find out who are asymptomatic and also those who are already infected hence the need to have them segregated or treated to prevent them from infecting others. Among the nations in Asia, the Philippines is at the bottom in terms of addressing the pandemic.


Ronnie is an Army reservist and he is a frontliner
But there are celebrities who are doing their own share of helping the people affected by pandemic either by donating food, PPEs, even tents (like what Angel Locsin did). For his part, singer Ronnie Liang is doing his Army duty as a reservist. He is a frontliner.

Tulad ng majority ng mga Pilipino, apektado ng lockdown ang trabaho at buhay ni Ronnie. Pero dahil mas marami siyang oras,nagkaroon siya ng chance na mag-review ng kanyang script for a future film project, gayundin para sa kanyang exam for his pilot course.

“But most of the time i am outside due to army duty Like manning the check point, servicing our health/essential workers by driving them to the hospitals or dropping point where they will work,” pahayag ni Ronnie via Facebook messenger interview.



Nakatakda siyang mag-shoot ng dalawang pelikula – Harang (na inspired ng Thai series na CLOY) at may supporting role siyang gagawin sa isang Viva movie. He is also set to record a new album and do a concert series for PAGCOR.

“Well, since I have no control with what is happening, the best thing I could do is accept it, adapt and move on.”

Kaya kung sakaling may go signal na that everybody can go back to work, ang plano ni Ronnie ay mag-shot agad ng pelikula (kung pwede na talaga) at mag-record ng songs for his new album.


After the pandemic Ronnie is set to do a film for Viva Films
Since nagsimula ang lockdown ay hindi na nakita ng singer ang kanyang pamilya na nasa Pampanga kaya ang mga ito ang unang gusto niyang makita kapag pwede na.

Ronnie also said he missed watching movies in the cinema and his family that he can’t visit because of lockdown and his exposure to different people due to his army duty. Besides, he was advised to undergo a 14-day quarantine before he can visit his family in Pampanga.

“Being an army reservist who is serving the country, I want to ask everyone to stay at home. We shall overcome. Lalabanan natin ang common invisible enemy na ito,” he said in parting.


Last April 23, all army reservists underwent testing and Ronnie was negative for Covid.




Sam and Catriona: Mr.Torpe found his Miss Universe

Sam Milby and Catriona Gray




 There are a lot of rumors and speculations running around saying that Sam Milby and Catriona Gray were in a relationship for a long time already. If you could still recall, January of 2019, there were photos of Sam, Cat and her father in a farm that had propagated the social media and was later on cleared by their Cornerstone Entertainment, Inc. President and Manager, Erickson Raymundo. He explained that he just invited Cat and her dad, and also invited Sam and other friends to his farm on that special day.


Sam and Catriona are lucky to find love in each other
As for me, everything happens for a reason. And it should come at the right time, right place with the right reason and person. It doesn't matter if their relationship had been kept a secret from the public as long as they really love each other, they deserve each other and that they have every right naman when to make their love story be known to everyone.

Sam Milby is half-Filipino, half-American, single, he just turned 36, last May 23, while our Ms. Universe 2018 Catriona Gray is 26 years old, single, half-Filipino, half-Australian. Parehong galing sa break-up, si Cat nag-announce na break na sila ng long-time model/boyfriend n'ya for 6 years na si Clint Bondad last February, 2019 habang si Sam naman ang huli pa n'yang relationship was with Aussie model, tv host, blogger Mari Jasmine at 4 years naman ang tinagal ng relasyon nila.

Nakakatuwa lang na sa ginawang "CSTV Lunch with the Stars" na FB live last May 22, bumati ang mga close friends ni Sam sa kanya dahil birthday na n'ya the next day. Ang mga close showbiz friends n'ya na naki-FB live at nagbigay ng mga wish nila kay Sam, bukod kina Pooh at bestfriend John Pratts n'ya, ay sina Yam Concepcion, Moira dela Torre, Say Alonzo  mga minamahal na pamangkin ni Sam at ang last but not the least, na ikina-surprise talaga ni Sam, ay ang recorded video greeting ni Catriona.


Friends of Sam and Cat are happy for  the new couple
Cat's birthday message for Sam: "Hey Sam! Happy Happy Birthday! I hope that you have an amazing year ahead. I wish you more birthdays, more happiness. You are loved by so so many.” Kitang-kita sa reaction ng birthday boy na kinikilig s'ya at sobrang nagbblush kaya naman lalo s'yang tinukso nila John at Pooh. Ang mga ilan lang sa nasabi ni Sam na paputol-putol pa is, I'm happy sa message, 'di ko ineexpect talaga na may message... thank you and yes, you're very special. I am mahiyain, I can be torpe minsan..." Sinabi ni Sam 'yun habang kinikilig pa rin s'ya at patuloy ang panunukso sa kanya nila John at Pooh.

Nang dahil dun, na-windang ang mga fans, netizens and supporters! Iba't-ibang reaksyon at comments ang lumabas lalo na nang nag-post pa si Sam sa Instagram account n'ya nitong photo na to: (insert black and white pic of Sam and Cat) with caption: "Worth every second of the wait. Most special birthday yet 💗." Ang post na 'to ni Sam ay ikinatuwa ng mga close friends b'ya na mostly nagsasabi na "finally," and "happy for both of you."

Ikaw ba di kinilig? Well, as for me wala rin ako maisip na pwedeng i-pair kay Cat as her boyfriend, aside kay Pasig Mayor Vico, na eligible bachelor din at may mga nagppair din sa kanila noon. According kay Cat di naman daw iba sa kanya si Sam since they both go sa iisang church. As of now, we are all waiting for Catriona's reaction or declaration... basta ang masasabi ko lang kasama ako sa natutuwa para sa kanilang dalawa, at tama nga, two good souls brought together... sana nga sila na forever.


Clint Bondad: Nanghihinayang kay Catriona

Clint Bondad and Catriona Gray



 Clint Bondad, the former boyfriend of Catriona Gray for six years, has allegedly been posting phrases in his social media with signs of regrets? Apparently, the said posts were uploaded to a twitter account with the handle named @ClintBondad. Here are some of the posts addressed to no one, but we all know that it pertains to that someone who has been part of his life once:


“Sometimes, it’s better to remain silent.”
“its starting to feel heavy again”
“we can’t force them to choose us.”
“I’m happy for you don’t worry. I won’t hold you any longer so be happy.”


Clint, naging instant ampalaya?
Unfortunately, walang patunay na personal account ito ni Clint at wala rin patunay na hindi ito kay Clint. But then again medyo interesting lang yong mga post dahil parang may bahid pa rin ng panghihinayang ang bawat phrases na naipost sa twitter. Kung titingnan mo lang siya without looking kung sino ang may-ari ng account you’ll definitely notice that it is with a sign of regrets but at the same time a sign of release and happiness. Ang nakakaintriga dito ay lumabas ang mga posts na ito sa panahon na ipinost ni Sam Milby ang “Worth every second of the wait. Most special birthday yet” at may picture nilang dalawa ni Catriona Gray.

Si Clint nga kaya ang nage-emote?

So, sino nga ba ang nagpost ng mga phrases na ito sa twitter? Alam naman natin na maraming mga poser ngayon sa online, at ang nakakapagtaka lang ay hindi verified ang account. Kaya medyo mataas ang possibility na ito ay ginawa ng poser. Kung sakaling kay Clint ang account well, sa tingin ko naman the guy has already moved on with his life. So, having regret is perhaps something that he keeps with in him that shouldn’t be taken to social media and besides both parties are amenable with the break-up.

FRESH: Miko Gallardo is your Bidaman

Miko Gallardo



 Almost one year na since naging grand finalist ng Bidaman ang 21-year-old na si Miko Gallardo, but he still managed to stay in the limelight via the upcoming BL series "My Day", a joint venture ng PEPPS ni Carlo Morris Galang at ng Oxin Films ni Xion Lim.

Born in May 30, 1998 at isang Gemini, this Palaweno moved to Dubai when he was 11 years old and stayed there for 7 to 8 years.


Miko will star in a 'gay themed' series soon
"I joined showbiz because I’ve always wanted to experience the feeling being on set as a kid and the thrill of doing different characters in projects and being able to give people entertainment because it’s what I like to do," sey niya. Idol niya as actors sina Lee Min Ho at Jericho Rosales.

He plays a young determined culinary intern named Sky na sakto sa kanya because he loves to cook and his signature dishes are beef caldereta, chicken pesto, buttered shrimp, and garlic shrimp.

Umamin siya na may few confessions mula sa kapwa niya lalaki na may crush sa kanya but despite this ay di niya sila jinudge at friends pa rin sila.


Miko plays Sky in his first lead role
Para sa upkeep ng kanyang kamachohan he does exercises like bench presses, weights, push-ups, and sit-ups.

I"play the guitar, sing a bit and I love dancing. I’ve been learning how to dance since last year," kwento niya about sa mga kaya pa niyang gawin besides acting.

So paano ba ini-ispend ng isang Miko Gallardo ang kanyang 'My Day'? "Workout, eat a lot. In some days I like to be extroverted so I talk to a lot of friends and family and times when I feel like being alone I just play video games."

Sa BL series ay he will set out to win the heart of his wicked boss which will be played by Inaki Torres. July to August 2020 ang target release date nito and it can be viewed via www.youtube.com/oxinfilms.