Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » Sanya Lopez: Dahil NBSB, certified virgin pa rin

Sanya Lopez



 Dream come true kay Sanya Lopez ang makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor. Nang mainterbyu namin sa pictorial ng pelikulang "Isa Pang Bahaghari" kamakailan ay kinuwento niya ang naging working relationship niya sa magaling na aktres.

"Sobrang  saya. Sobrang  professional. 'Pag acting, prepared talaga siya. Kaba at na-intimadate ako," tsika niya.

Working with Nora is a dream come true for Sanya
"Hindi ko man mapantayan , mapalapit  man lang sa akting ni Ate Guy. Bilib ako sa kanya. Walang kaarte-arte. Sana balang araw maging katulad din niya ako,"
sey  pa niya.

Bukod kay Nora, hinangaan din niya ang beteranong aktor na si Philip Salvador sa maganda nitong pakikisama.  Napaka-sweet daw ni Kuya Ipe sa lahat. Pakiramdam ni Sanya ay anak siya ng aktor sa totoong buhay.

Nanghihinayang naman siya sa hindi pagkakatuloy ng Summer Metro Manila Film Festival dahil sa Covid 19.

"Sa umpisa medyo nalungkot po kasi at last maipapalabas na sana ang Bahaghari pero since para sa kabutihan po natin ang pagkakaroon ng ECQ kaya naiintindihan ko naman po.
No boyfriend since birth, kumpirmado that she's a virgin
"May pinagdadaanan kasi na krisis ang bansa natin. Pag maayos na ang lahat ay tiyak na matutuloy na ang pagpapalabas po ng pelikula namin."

Sa kanya namang personal na buhay, sinabi ng young actress na zero pa rin ang lovelife niya.

"Siguro dahil baka hindi pa po talaga dumadating yung taong ma-iin love po ako. Gusto ko po kasi i-take  advantage ang mga panahong ito na nabibigyan ako ng magandang opportunity dito po sa showbiz.

"Alam ko po na darating din po yon in God’s time. Ibibigay din ni God ang mamahalin ko at mamahalin din ako ng lubos."

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply