Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » » Princess Punzalan: Hindi lang nurse, Hollywood actress pa





 May Hollywood agent at manager na ang aktres na si Princess Punzalan.

Binalita ni Princess na may sisimulan na siyang bagong pelikula na may titulong The Interview kunsaan gaganap siya bilang immigration officer.

Inamin ni Princess na mahirap daw ang mag-pursue ng trabaho sa Hollywood kung wala kang magaling na agent at manager.

Huling napanood si Princess sa 2019 independent film na Yellow Rose kunsaan nakasama niya ang dalawang naging Kim sa Miss Saigon na sina Lea Salonga at Eva Noblezada.

Trying her luck in Hollywood
Bukod sa pag-aartista, isa ring registered nurse si Princess sa California. Kabilang siya sa frontliners sa nagaganap na COVID-19 pandemic.

Nag-iingat daw si Princess sa kanyang trabaho at dasal niya ang kaligtasan ng marami niyang kababayan sa Amerika.

Nag-settle sa California si Princess since 2005 pagkatapos siyang magpakasal sa American na si Jason Field. Meron silang isang anak na babae named Ellie.

*****

Ang pag-brew ng kape ang parehong hilig at madalas na bonding session ng Kapuso couple na sina Mikael Daez at Miss World 2013 Megan Young. 

Sa latest vlog ng mag-asawa, nag-share sila ng “coffee secrets” nila. 

Ayon kay Mikael: “Coffee is something that we both absolutely love and it’s something we can talk about for years on end.”

Mikael and Megan loves coffee

Dagdag pa ng ‘Love of my Life’ actor: “It’s been really nice to see that our enthusiasm for coffee has kind of extended and influenced our viewers that some of them have become quite interested.”

Sey ni Megan na natutuwa sila tuwing may nagpupunta sa coffee shops na nirerekumenda nila.

“It’s cool when you  guys mention that you’ve been to the coffee shops that we’ve been to or that we’ve recommended to you because…nakakakilig.”

Sa kanilang video ay may giveaway din sina Megan at Mikael na coffee brewing set para sa isang lucky subscriber.

*****

Dahil sa banta ng COVID-19, hindi na live at personal ang auditions, ginawa via online auditions ang The Clash Season 3 para sa mga nais ipakita ang kanilang talento sa pagkanta. 

Dahil hindi personal ang screening ng auditionees, may importanteng mensahe naman si The Clash judge at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista sa mga magpapadala ng kanilang audition piece. 
Christian, biktima rin ng COVID-19

“Make sure kung ano 'yung isa-submit n'yo is the best,” diin ni Christian. 

Malaki raw kasi ang opportunity at tsansa kapag online auditions dahil kahit makailang take ang auditionee ay ayos lang sapagkat hindi ito live. 

Siguraduhin daw na na-review ang isusumite na audition piece at dapat ay may impact ito agad kapag pinanood. 

Sagot naman ni Christian kung itutuloy ba nito ang pagiging istriktong judge sa The Clash...

“If you do it from a place of concern and not a place of attack then later on, they will realize na kaya pala n'ya ko pinush nang hard para 'pag tumalon at bumagsak ako sa tubig at natuto akong lumangoy, maliligtas pala ko.” 

Samantala, tumatanggap pa rin ang The Clash ng audition entries hanggang June 28, 2020 sa GMANetwork.com at sa official Facebook page ng The Clash.


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply