|
"Positive na sukang-suka na sa gobyerno. Good people are outnumbered," sey ng no holds barred tweet ni Maris Racal. Pumasok ang ka-loveteam ni Inigo Pascual sa top Philippine Twitter trends last April 2.
Samantala, walang exact criticism sa goverment si Inigo ay positive na hinahanap rin niya kung saan napunta ang P275 Billion state calamity fund ng gobyerno dahil niretweet niya ang post ni Khalil Ramos demanding na malaman kung paano ito nagastos.
Inigo, Janella at Maja |
Ang wanted sa Twitter na "President of the Philippines" Nadine Lustre ay lumutang na rin with a statement sa kanyang IG story: "Yung 275 Billion hanapin n'yo. Wag ako. Kaloka. Makapaghalaman na nga." Sa isang slide ay pinatutsadahan niya si Koko.
Kung may positive na dala ang pandemic na COVID-19, yun ay ang mas gawing aware ang successful people tulad ng ating mga artista na mahalaga ang voice nila at part sila ng nation.
April 1 ang nagsilbing trigger dahil sa 3 major events. April Fools' Day ito kaya fitting kasi parang lokohan talaga ang nangyari ng araw na yun. First ay ang arrest sa 20-plus na mga taga-Sitio San Roque sa EDSA, Quezon City) dahil walang food aid. Second ay isang major trigger which is paglabas ng statement ng NBI regarding Vico Sotto. At third ay ang speech ng ating mahal na Pangulo warning people na 'wag kalabanin ang gobyerno.
Yeng, Jodi, Toni at Julie Anne |
Sina Donnie Pangilinan, Angelica Panganiban, Julie Anne San Jose, Janine Gutierrez, Angel Locsin, Yeng Constantino, Janella Salvador, Gretchen Ho, Jodi Sta. Maria, Alex at Gonzaga, Bela Padilla, Lauren Young, ilan lang sila sa maraming influential figure na nakikiisa na sa bayan para mag-demand sa gobyerno ng transparency.
Sabi nga sa isang revolutionary film na V for Vendetta: "People shouldn't be afraid of their governments. Governments should be afraid of their people."
No comments: