Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » EAT: Dalgona Coffee, something sweet and refreshing for summer
Jing Javier

Dalgona Coffee




What is trending today, might be forgotten tomorrow. But in the case of the "Dalgona Coffee" and "Dalgona Milo," since these two are so easy-peasy to do, readily available and very satisfying, I guess this will stick with us through the years.

Since marami na tayong nakikitang recipe ng "Dalgona Coffee," bigyan ko muna kayo ng brief background nito:


A combination of instant coffee and powered chocolate
Nag-originate ito sa India, Pakistan at Macau at tinawag nila itong "whipped coffee" or "beaten coffee." Para itong reverse cappucino na binubuo ng milk, coffee at sugar. Mas nakakuha ng attention ito nang ang isang Korean actor named Jung II-Woo ay bumiyahe sa Macau at natikman ito at pinangalanan n'yang "Dalgona," derived from their traditional Korean Sponge candy of the same name and color. Nagsimula lang last January ang recall nito sa mga netizens worldwide and they continue to post and upload their different attempts sa TikTok, YouTube, Facebook & Instagram.

Today, ishe-share ko naman sa inyo ang isa ring trending na inumin ngayon lalo na for the bagets na swak na swak sa panahon ngayong summer! Ang "Dalgona Milo."

Simple concoction:
4 tbsp All Purpose Cream (chilled) or Cake Emulsifier
4-5 tbsp of Milo
2 tbsp white sugar
Ice
Fresh Milk


Here's the very easy procedure:


A refreshing concoction for summer
1. Just put the all purpose cream sa isang mixing bowl then i-whip mo 'yun either using an electric hand mixer or kung wala pwede rin ang wire whisk or fork lang.

2. Kapag na-mix mo na ang all purpose cream, ilagay mo na ang Milo at sugar. Just continue mixing until maging "foamy" ito (tiyaga lang talaga lalo kapag manual).

3. I-prepare mo na ang cube ice sa isang baso then lagyan mo na rin ng fresh milk ( about 2/3 lang ng glass).

4. Lastly, pour the "Milo Mixture" on top. At dahil flexible din itong drink na 'to, pwede kayong maglagay ng gusto n'yo pang toppings like oreo, crushed biscuits, whipped cream, choco chips, marshmallows or anything na gusto n'yo at babagay sa "Dalgona Milo."


Enjoy!

«
Next
Mga Kapamilya at Kapuso Stars, umaalma na
»
Previous
Prenuptial Agreement: Pera at yaman ba ang dahilan?
Pages 22123456 »

No comments:

Leave a Reply