Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Sarah-Matteo: Vacay ng mag-asawa, wish na magkababy na




 Once you witness two beautiful couple together and freely expressing their love for each other, you'll ,be inspired and would wish to be in their shoes. Like the case of AshMatt or better known as Mrs. Sarah Geronimo-Guidicelli and hubby Matteo Guidicelli. Their love story was not easy one, most especially when they decided to level it up by tying the knot.

But now, it's a different story to tell. It was very evident sa mga photos ng dalawa kung gaano sila kasaya at in-love! Just recently, naglabasan ang mga sweet photos ng newly-weds sa social media habang nasa honeymoon sila at pre-birthday celeb na rin ng Popstar Royalty, Sarah G. na nangyari sa very exclusive at posh na Amanpulo Island na according sa ilang sources, this was taken care of by their Ninang, Dra. Vicki Belo and family.


Kaya makikita rin sa mga photos na kasama ng AshMatt ang very cute na anak nila Doc Vicki at Hayden na si Scarlet Snow.

Marami rin ang nag-aassume na dahil inabot ng pandemic ang supposedly honeymoon ng dalawang love birds, baka naman daw meron nang "little angel" na nabuo lalo na't madalas ang attire ni Sarah ay mga loose clothes.

Hindi pa kumpirmado pero may nakapagsabi rin na natunton na daw ng mader ni Sarah G. na si Mommy Divine ang tahanan ng dalawa at nagpunta daw ito para batiin ang anak for her birthday pero nag-fail ang kanyang attempt dahil nasa honeymoon nga ang couple. Sayang nga lang, kung nagkataon sana na nagkatagpo ang tatlo eh di sana nagkaron na sila ng maayos na pag-uusap at malamang eh magkakasundo na sila.

If ever man na positive at nagbubuntis si Sarah, eh for sure naman walang problema dun lalo na't thirty two years old na s'ya and pwedeng-pwede na talagang maging full-blown mommy.

Mukhang busy na naman ang Viva gold mine na si Sarah, kaya di rin maiwasan na ma-mention ang name n'ya when it comes sa usaping lipatan ng network. Based sa isang tweet ni GMA Network head writer, Suzette Doctolero, "Inuulit ko po hindi na imteresado ang GMA7 sa mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Mas interesado pa kami kung si Sarah Geronimo ang lilipat." Ouch! Medyo masakit din ang binitawang linya ni Madam Suzi, kung kayo sina Regine at Ogie, how would you feel? Anyway, back to Sarah... base sa nabasa natin na tweet ni Madam Suzi, it seems na pwedeng-pwede at open arms nilang tatanggapin si Sarah just in case na lumipat ito sa Kapuso Channel.

Honeymoon. Birthday Celebration. Possible coming of the baby. Lipatan ng channel at pumapasok na uling mga endorsements at projects, 'yan ay parte lang ng pagiging makulay ng mundo ng AshMatt.

Michael V: Infected ng COVID-19

Michael V.


  The whole Bitoy fandom, entertainment and Filipino industry had another shock of a lifetime, when Michael V. aka Bitoy, had announced last Monday, through his vlog, "Bitoy Story," on YouTube that he was diagnosed Covid-19 positive.

Kinumpirma ng batikang actor/ comedian at naikwento n'ya ang dinaranas n'yang symptoms ng pagkakaron ng nasabing virus. Talagang dinocument n'ya simula sa pagkaron n'ya ng "weird" feeling sa nasal area, na eventually ay nawalan na s'ya ng pang-amoy at panlasa. He's even experiencing flu-like symptoms pero with a 37.1 °C temp.



Bitoy is COVID-19 infected
We all know na isa sa mga primary symptoms kapag inflicted ka ng Covid-19 virus ay ang loss of sense of smell and taste kaya naman naging very suspicious si Bitoy sa nararamdaman n'ya, not only for his own sake, but most especially for his family's safety and protection.

Pinahanga ako ni Bitoy when he went out of his way at nag-undergo sa mahabang proseso (umabot ng 5 hours) para lang magpa-swab test s'ya sa St. Luke's Hospital, dala-dala n'ya ang camera n'ya, kinunan din n'ya ang sarili habang sinu-swab test s'ya sa ilong at bibig. Very humbling din ang gesture n'ya na hindi s'ya gumamit ng koneksyon n'ya para di na s'ya pumila nang matagal considering sa labas ng hospital isinasagawa ang testing.

After few days, naka-receive s'ya ng email from the hospital, he said: "SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA detected, so it's positive right now. Fever na lang, yung loss of smell nare-regain ko na siya." Since Day 1 pa lang na nakaramdam s'ya ng flu-like symptoms, nag-isolate na s'ya just to be sure, he stayed and quarantined himself sa studio n'ya while nasa kabilang unit ng house ang family n'ya. 

Kahit may COVID na, komedyante pa rin si Bitoy
Nakakatuwa pa rin si Bitoy at lumalabas pa rin ang pagiging comedian n'ya dahil nakukuha n'ya pa ring mag-joke habang kumakain s'ya at di n'ya nalalasahan ang mga food habang nanghihinayang s'ya na sayang wala s'yang panlasa, mukha pa naman daw masarap. Towards the ending of his vlog, naging emotional si Bitoy dahil na-mimiss n'ya ang kanyang family na di n'ya man lang makasama o mayakap kahit na nasa kabilang side lang, buti na lang daw at may Facetime. Sa kabila ng sad news at situation nila ngayon, very positive pa rin ang outlook ni Bitoy sa buhay at very firm ang pagpapa-alala n'ya sa lahat na huwag bale-walain ang Coronavirus at palagi pa rin mag-practice ng social distancing and wear PPEs. Wala pa ring idea si Bitoy kung saan n'ya na-acquire ang nasabing virus dahil lahat ng protocols eh sinusunod naman nila. 

Nakaka-overwhelm ang mga nagpapakita ng love and concern kay Bitoy online katulad ng mga kapwa Kapuso stars n'ya na sina Bea Binene, Yasmien Kurdi, Ben Alves, Gabbi Garcia, at mga co-actors n'ya sa "Pepito Manaloto," like si Manilyn Reynes at iba pa. Nagpost din ang kanyang bff Ogie Alcasid sa Instagram account n'ya ng photo nilang dalawa with a caption: "Always in my prayers my brother. Be healed in Jesus name. Love you bro." 

To you Bitoy, thank you for being so brave and cool sa pagharap mo sa krisis ng buhay mo ngayon at ng iyong pamilya. We are all hoping na malampasan mo na agad ito at sana'y gumaling at magpalakas ka pa. We believe na kayang-kaya mo 'yan! 


Markki Stroem: Viral ang 'Bed Scene' with Marvin Agustin

Markki Stroem



 Two years ago, Marvin Agustin and Markki Stroem were placed in a "buzz" that people started question their personal relationship. A lot of people had been asking them if they were "together" since they'd been seeing together in some posts in social media and the rest, in separate but similar posts like 'yung pag-tour nila sa Hongkong, United States at Batangas.

This issue was vehemently denied by both parties, said that they were just good friends and that they were just business partners. And now after two years, nabuhay na naman ang issue na may relasyon diumano silang dalawa na more than friends pa ang relasyon nila.
The controversial 'bed scene" of Markki and Marvin.
Is this real or edited sa photo shop?

Kung bakit? Dahil kasi sa kumakalat na photo ng dalawa habang nasa kama at nakakumot, while si Marvin ay natutulog sa balikat ni Markki, at naka-smile naman 'yung huli. I suppose si Markki ang kumuha ng "selfie" nila and s'ya rin ang makakasagot kung bakit lumabas ito, right? Unless sabihin n'ya na nanakaw 'yung phone n'ya or files n'ya, it would be a different story di'ba mga ka-OnPointers?


But the,question is, legit or edited ba 'yung viral photo nila? If legit, it will only mean na "confirmed" na sila na nga at nag-decide na sila na mag-out. May iba rin naman na nagsasabi na baka daw part of promotion or publicity gimmick ito dahil kasalukuyang may BL series si Markki opposite Mike Liwag entitled "Andrew & Brix," ito ang first of the six BL stories ng "Unlocked" drama anthology series based sa gay relationships under "lockdown" situation natin ngayon.

Markki and Marvin with Lea Salonga

Whether they are "on," or not,(Oks langkung gusto nila ng isa't isa. Nothing wrong.-Ed) I guess it's always up to them, anyway, malalaki na sila at they have also established their own names and earned respect sa showbiz world. Sana lang kung kung aamin sila eh idirekta na lang nila, alam mo naman tayong media peeps di'ba, lalong nanggigil hangga't di natin naririnig na nanggagaling mismo sa mga taong concerned.


Kris: Balik telebisyon, napurnada, daming problema

Kris Aquino


 The "Queen of All Media," Kris Aquino, is once again the focus of attention of the netizens, most especially for those who are hard-core supporters of Krissy.

Why? It has been known that her "supposedly" new tv show, entitled "Love Life With Kris" scheduled for airing on July 25, Saturday on TV5 was put on halt, in Tagalog, "naudlot," "nausog," o "naunsyami." And if worse comes to worst, baka sakaling di na umere ng tuluyan.

Balik telebisyon ni Tetay mauudlot pa

Maraming nagsasabi na kung kelan pa naman nagpost ng video teaser si Kris sa Instagram account n'ya, tungkol sa comeback sa as host ng isang tv show, eh bigla namang binalita na di na muna ito matutuloy.

According sa mga sources, the show is produced by Positive Exposure Productions in cooperation with Cornerstone Entertainment, Inc. handlingher career. The concept of the show, according sa mga ka-close ni Krissy is to make life easier for everyone, marami na nga daw problema ang mundo, kaya ayaw na n'yang makadagdag kaya ang aim n'ya is makapag-bigay ng tulong pa sa mas maraming tao. Hmmmm.. quite interesting 

kasi at least matutuloy ni Kris ang magandang nasimulan n'ya sa kanyang mga online shows sa Youtube channel n'ya at Facebook account.

As of this writing, kaka-deactivate pa lang ng Instagram account ni Ms. Kris, siguro kailangan n'ya lang talagang gawin n'ya to para di na makadagdag pa sa effect ng "sad news" na dumating sa kanya lalo na ang mga speculations ng madlang people kung ano ba talaga ang naging tunay na dahilan ng pagkaka-udlot ng "blocktimer" at weekly show sana n'ya.

Ang daming issue sa pagbabalik showbiz ni Kris

Na-open tuloy uli ang conflict ni Kris against sa dati n'yang producer ng "Trip ni Kris," na nag-one time showing lang sa GMA Network last 2017, na si Ms. Rhodora Morales na baka daw may kinalaman ito sa di pag-ere ng new show n'ya dapat. Another issue is that, na-pulitika daw si Ms. Krissy dahil may usapan na may isa daw na taga TV5 na malakas at maka-DDS kaya daw di pinayagan na matuloy ang show.

Oh well, anuman ang reason or maging outcome ng pag-aayos ng nila sa panibago na namang "issue" kay Kris, sana naman eh di masyado magpa-apekto ang tv host/ celebrity influencer, kasi baka makasama lang din sa present condition n'ya na auto-immune disease na Chronic Spontaneous Urticaria. To Ms. Kris, kapit lang at maraming nagtitiwala sa iyo, marami rin ang naghihintay sa pagbabalik mo sa regular tv program.

Mayor Goma: At Home with his Pork Binagoongan

Goma at Home




 Before he became Ormoc City's beloved Mayor, we've known him as simply Richard "Goma" Gomez, the actor/model/professional rower and fencer. Little did we know about his passion for cooking. Not until he started to showcase this lighter side of him on his YouTube channel, "GOMA AT HOME."

Goma at Home

The 54-year old Mayor Richard Gomez, now still looking good as ever has a very refreshing ambiance for a cooking show online. I, myself, was very amused and inspired by his styles of cooking. Actually, I am an avid subscriber of his channel and I find every episode unique, informative and very amusing.


At dahil nga sa Ormoc City, Leyte naninirahan ang pamilyang Gomez, napaka-light at very simple ang atake ng butihing Mayor ng Ormoc, like what they say, "rural living," and it really shows kung gaano rin s'ya kasaya sa ginagawa n'yang pagluluto lalo na para sa kanyang anak at napakagandang asawa na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez ng 4th District ng Leyte.

Three months ago lang sinimulan ni Mayor Goma ang pagluluto para sa kanyang beautiful na anak na si Juliana ng pasta, after that, nagkasunod-sunod na ang kanyang pagluluto at nawili naman ang mga netizens sa panonood at pagbibigay n'ya ng mga cooking tips. Nakakatuwa na bukod duon, 'yung episode n'ya na naf-harvest ng Pechay mula sa kanila mismong garden ay nag-gain ng 1.3M views (most viewed vid n'ya so far) as of this writing. It only shows na interested ang mga tao ngayon sa "buhay-probinsya" bilang nag-aadapt na tayo ngayon sa "new normal" era caused by the COVID-19 pandemic.

Goma's special binagoongan recipe


Isa sa mga nagustuhan ko na niluto ni Mayor Goma ay ang "Lola's Pork Binagoongan." Aminin natin mga ka-Onpointers, di naman lahat eh nakakapagluto di'ba? At di rin lahat eh marunong magluto ng "Pork Binagoongan," kaya malaking tulong sa mga viewers ng channel n'ya ang mga recipes na shine-share n'ya. Napaka-loving apo talaga ni Mayor dahil di s'ya nakakalimot sa kanyang lola na nagpalaki at nagmahal sa kanya. Sa mga hindi pa nakakapanood ng episode n'ya na 'yun, share ko dito muna aa inyo.


Nakakatuwa nung last "Father's Day" celebration, kasama ni Mayor Richard si Juliana sa episode na kung saan nagluto s'ya ng "Sinigang na Baka." Makikita na close na close ang mag-daddy at sarap na sarap din si Juliana sa niluto ng kanyang ama.

Ang gaan lang talaga at good vibes ang mafi-feel mo while watching or even after watching "Goma At Home." Talagang nanamnamin mo ang bawa't episode kaya naman patok na patok ito sa mga netizens.

To Mayor Goma, congrats and cheers to good food and good life! Sana'y lalo pang dumami ang subscribers mo at lalo ka pang ma-inspire sa pagluluto! More power!!!


Angel: May sakit na Polycystic Ovary Syndrome?

Angel Locsin



 It has been known to all of us that reel and real life "Darna," Angel Locsin, is also known for her being so grounded, humble person with a golden heart, thus, she was one of the awardees of Forbes Asia's "Heroes Philanthropy" last year, which she truly deserves. 

The beautiful and very helpful actress Angel, has once again made it to the "trending" topic. There are two reasons... first, sa isang episode n'ya sa new docu show n'ya online na "Iba Yan," mapapanood na s'ya ay nakasakay sa likod ng driver ng tricycle sa Brgy. Sadsaran, Mauban Quezon. 
Biyaheng Brgy. Sadsaran sa Mauban, Quezon
Aside from this, may eksena dun na nag-join s'ya sa salu-salo kasama ang pamilya ng mga mangingisda na sinasabing wala naman sa script. S'ya rin pala mismo ang nagprepare ng munting sali-salo na 'yun.

 It only shows na wala talagang ere at kyeme sa katawan itong si Angel kaya wapakels din s'ya kung magkamay at mawalan ng poise in front of the cam. 

Isa pang wapakels viral eksena ni Gel (Angel) ay ang kumakalat na photos n'ya na pinost ng isang Frederick Viaje, isang photographer. As you can see, wala na ang dating napakagandang curves ng katawan ng former "Darna" actress. Nakaka-experience na naman si Gel ng mga "body shaming" pero dedma lang s'ya. Sa tingin ko mas binibigyan n'ya ng importance ang pagtulong sa kapwa, ang kanyang show at ilan pang advocacy at s'yempre ang kanyang personal life most especially her lovelife. Kasa-kasama nga pala ni Gel ang kanyang fiance na si Neil Arce sa mga tapings n'ya. 
Pero bakit nga ba lumaki ng ganun si Gel? For sure 'yan ang isa sa mga tanong ng netizens. Iba-iba na nga ang reaction ng mga tao... merong nagsasabi na baka may sakit na daw si Gel na PCOS (Polycystic Ovary Syndrome) kung saan ang obesity ay associated sa sakit na ito. Pero ang nauna nang sinabi ng butihing aktress ay ang pagkakaroon ng side effect nito sa iniinom n'yang gamot para sa spine condition n'ya kaya s'ya nag-gegain ng weight. 

Pero before magkaron ng "lockdown" dahil sa COVID-19 Pandemic, makikita sa mga posts at stories ni Gel na palagi s'yang pumupunta sa "The Aivee Clinic" para magpa-alaga ng katawan or mag-avail ng mga beauty treatments don. Well, dala siguro ng lockdown at super na-busy din s'ya sa kanyang fund-raising at humanitarian projects, nawalan na rin s'ya ng time for herself. 


Kaya nga matuturing na napaka-selfless nitong si Angel and isa s'yang role model na nakakapag-inspire pa di lang sa mga fellow actors n'ya sa showbiz kundi sa ating lahat! For you Gel, bilib ako sa'yo and sana dumami pa ang katulad mo! You are doing a great job!!! 


Vice Ganda: Apektado ng pandemic ang pagbabalik telebisyon

Vice Ganda

 Vice Ganda may have been a bit emotional for the past few days, he was not his usual jolly and wacky self most especially in front of the camera. This is due to the recent "passing away" of his "kababata," family, brother, housemate and bestfriend named Budi.


Habang ang mga kasamahan ni Vice sa "It's Showtime," ay nag-uumapaw ang saya sa muli nilang pagkikita-kita at pagbabalik sa ere ng kanilang show, si Vice naman ay kapansin-pansin daw ang pananahimik at mas gusto ang mapag-isa. Nagluluksa ang comedian/host at hindi na rin n'ya nakuhang maki-join sa online mediacon ng show last June 9, nag-beg off na s'ya. According sa mga staff ng nabanggit na show, "heart attack" daw ang naging cause of death ng bff ni Vice na nangyari ng umaga mismo ng June 9.

Vice and Budi

Nag-tweet pa si Vice last Tuesday ng: "You’ll always be my bestfriend, my brother, my family. I will always cherish and love you. Here and there. Now and forever. I will cry. But i won’t say goodbye."

On the other hand, dahil sa pinapatupad na mga GCQ protocols, at part na rin ng "new normal," ni-require ang lahat ng hosts at staff na mag-undergo ng rapid testing at pinagkatuwaan nila si Ryan Bang na takot na takot pala sa syringe, samantalang super happy at excited naman ang mag-bff na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz dahil finally daw may sari-sarili na silang artists' room.

Sa pagbabalik ng noontime show ng Kapamilya Network last Sabado sa Kapamilya Network, mukhang di na ganoon kalakas ang impact sa mga viewers, baka naman nag-aadjust pa ang lahat, di kaya? But one thing's for sure... it will take time.    (Last Monday, June 15, napanood ko ang ilang portion ng palabas. Mayroong lamlam. malungkot. Not the usual show before the pandemic. Hindi masaya tulad ng dati na kinagigiliwan ng marami-Ed)

To Vice, our sincerest condolences to you... I can relate kung paano talaga ang mawalan ng minamahal at bestfriend. Sa buong "It's Showtime" family... kapit lang and more power!!!


*****

After ng intimate wedding ng Kapuso actress na si Sheena Halili at Pasig City Administrator Jeron Manzanero last February 27, 2020, meron na namang special announcement ang couple.
Sheena Halili ang her baby bump

Just recently, nag-post si Sheena sa Instagram account n'ya showing her "baby bump" with a caption: "And now we're three!"

Sa isang video, nanghingi ng paumanhin si Sheena at na-late ang announcement n'ya, she's now on her 13th week, for the reason na naging maselan ang paglilihi n'ya at palagi lang daw talaga s'yang nasa bed. Super thankful din si Sheena kay Solenn Heussaff sa mga pinadala n'yang gifts para sa baby nila na sinamahan pa ng crib.

To Sheena and Atty. Jeron, congratulations to both of you!!!  Don't lose that positive outlook in life.

Ina Raymundo: Happy sa anak na si Erika Rae

Ina Raymundo



   "Ina Raymundo, naging emotional sa graduation ng anak na si Erika" 

Amidst this "Pandemic," we all still manage to adapt with the so-called... "new normal." Included in this new system is, the rise of numerous graduations held online and via Zoom. 

Sexy actress and "Sabado Nights" girl, Ina Raymundo has just recently posted and felt really proud of her first-born daughter, 18-year old, Erika Rae Raymundo Poturnak. 

Bago ang online-based graduation n'ya, na usong-uso ngayon, nagbigay na ng message si Ina kay Erika: "Dad and I asked you over dinner last night how you feel about graduation via Zoom. You said that this whole thing is surreal, but you’re trying not to dwell on the negative and look at only the positives that will come out of this,” wrote Ina. 
She continued, “Despite everything that is happening, you’re still able to maintain a bright outlook and be a wonderful role model to your little sisters.” 

Erika Rae, mana sa kaseksihan ng ina
“We will always be proud of you, Ate @erikarae.p . Congratulations on your graduation and best wishes for your next adventure." Much love, Mom and Dad. 
Makikita sa mga posts ng mag-momshie sa Instagram kung gaano pa rin sila kasaya despite ng kakaibang set-up. Super happy ang buong Poturnak family at naging emotional din talaga sa pag-witness ng high school graduation ni Erika lalo na si Ina. This only proves that naging magandang example sila na gawing positive na lang ang pag-accept at i-embrace ang very odd situation nating lahat. 
Isa pang ina-admire ko kay Ina ay ang pag-aalaga n'ya sa katawan n'ya. She's living a very healthy and active lifestyle. Na-maintain n'ya pa rin ang kanyang sexy bod kahit na may lima na s'yang anak with Brian Poturnak. At take note, bentang-benta din s'ya ngayon sa TikTok. Go girl!!! 

Sam and Catriona: Mr.Torpe found his Miss Universe

Sam Milby and Catriona Gray




 There are a lot of rumors and speculations running around saying that Sam Milby and Catriona Gray were in a relationship for a long time already. If you could still recall, January of 2019, there were photos of Sam, Cat and her father in a farm that had propagated the social media and was later on cleared by their Cornerstone Entertainment, Inc. President and Manager, Erickson Raymundo. He explained that he just invited Cat and her dad, and also invited Sam and other friends to his farm on that special day.


Sam and Catriona are lucky to find love in each other
As for me, everything happens for a reason. And it should come at the right time, right place with the right reason and person. It doesn't matter if their relationship had been kept a secret from the public as long as they really love each other, they deserve each other and that they have every right naman when to make their love story be known to everyone.

Sam Milby is half-Filipino, half-American, single, he just turned 36, last May 23, while our Ms. Universe 2018 Catriona Gray is 26 years old, single, half-Filipino, half-Australian. Parehong galing sa break-up, si Cat nag-announce na break na sila ng long-time model/boyfriend n'ya for 6 years na si Clint Bondad last February, 2019 habang si Sam naman ang huli pa n'yang relationship was with Aussie model, tv host, blogger Mari Jasmine at 4 years naman ang tinagal ng relasyon nila.

Nakakatuwa lang na sa ginawang "CSTV Lunch with the Stars" na FB live last May 22, bumati ang mga close friends ni Sam sa kanya dahil birthday na n'ya the next day. Ang mga close showbiz friends n'ya na naki-FB live at nagbigay ng mga wish nila kay Sam, bukod kina Pooh at bestfriend John Pratts n'ya, ay sina Yam Concepcion, Moira dela Torre, Say Alonzo  mga minamahal na pamangkin ni Sam at ang last but not the least, na ikina-surprise talaga ni Sam, ay ang recorded video greeting ni Catriona.


Friends of Sam and Cat are happy for  the new couple
Cat's birthday message for Sam: "Hey Sam! Happy Happy Birthday! I hope that you have an amazing year ahead. I wish you more birthdays, more happiness. You are loved by so so many.” Kitang-kita sa reaction ng birthday boy na kinikilig s'ya at sobrang nagbblush kaya naman lalo s'yang tinukso nila John at Pooh. Ang mga ilan lang sa nasabi ni Sam na paputol-putol pa is, I'm happy sa message, 'di ko ineexpect talaga na may message... thank you and yes, you're very special. I am mahiyain, I can be torpe minsan..." Sinabi ni Sam 'yun habang kinikilig pa rin s'ya at patuloy ang panunukso sa kanya nila John at Pooh.

Nang dahil dun, na-windang ang mga fans, netizens and supporters! Iba't-ibang reaksyon at comments ang lumabas lalo na nang nag-post pa si Sam sa Instagram account n'ya nitong photo na to: (insert black and white pic of Sam and Cat) with caption: "Worth every second of the wait. Most special birthday yet 💗." Ang post na 'to ni Sam ay ikinatuwa ng mga close friends b'ya na mostly nagsasabi na "finally," and "happy for both of you."

Ikaw ba di kinilig? Well, as for me wala rin ako maisip na pwedeng i-pair kay Cat as her boyfriend, aside kay Pasig Mayor Vico, na eligible bachelor din at may mga nagppair din sa kanila noon. According kay Cat di naman daw iba sa kanya si Sam since they both go sa iisang church. As of now, we are all waiting for Catriona's reaction or declaration... basta ang masasabi ko lang kasama ako sa natutuwa para sa kanilang dalawa, at tama nga, two good souls brought together... sana nga sila na forever.


FRESH: Raven Molina and Argel Saycon

Raven and Argel




 When we talk about fresh talent in showbiz, the very first thing that the meticulous and critical eyes of the many would look for and observe, is the physical features, then the next is talent and skills, their background, their credentials and the people whom they know or connected with.

 The supposedly Ivana Alawi teleserye starrer, “Ang Lihim ni Ligaya,” includes two fresh talents, Argel Saycon and Raven Molina. Apparently, kasama rin ang dalawa as challengers sa newly-launched online show sa ABS-CBN Entertainment Channel sa Youtube, ang “Paligayahin Niyo Ako.,” wherein kasama ito sa Online Kapamilya Shows na ni-launch last May 15, 2020.


 Nakakatuwa na game na game ang mga boys na’to sa pag-perform ng mga task o challenges kasama si Kit Thompson, na ang aim nila is makakuha ng pinakamataas na “pogi points” para ma-achieve nila ang chance to date the sultry Ivana Alawi online.


Former PBB Housemate Argel Saycon
Prince Argel Saycon, 21, is a former PBB-Otso housemate adult edition Batch 4. S’ya ang tinawag na “Prodigal Probinsyano ng Negros Oriental.” Nagsimula s’ya bilang model sa mga commercials bago s’ya napasok sa PBB (Pinoy Big Brother). Nag-appear na rin s’ya sa “Maalaala Mo Kaya” at kasama rin s’ya sa “Tabing Ilog The Musical.”


Raven is a Business Management graduate
Last but not the least ay si Raven Molina, 23, from Makati City. Raven loves to play basketball, kaya naman never n’ya na-imagine na mapapasok s’ya sa mundo ng showbiz lalo na ng tinanggap n’ya ang very challenging role as “gay” sa advocacy series ng iWant, ang “Mga Batang Poz,” opposite Mark Neumann kung saan nagkaroon sila ng “kissing scene.” Si Raven ay handang-handa na sa mapagbiro at very challenging na mundo ng showbiz. Isa rin s’yang graduate sa course na Business Management.

 New faces, new talents, new opportunities… ganyan lang naman ang sistema sa showbiz, patatagan ang labanan, kailangan din na marunong kang 

makipaglaro, makisama at higit sa lahat, marunong magpakumbaba at lumingon sa pinanggalingan. So sa inyo Argel and Raven, good luck boys!



Ivana at Kit: Bagong sexy tambalan online

Ivana Alawi and Kit Thiomson




 They say first impressions really last… In the case of sexy actress Ivana Alawi and dramatic hunk actor, Kit Thompson, who had grown fond of each other while working together in a Kapamilya teleserye before, entitled “Sino Ang Maysala?: Mea Culpa,” they were so relaxed with each other and we can see that in Episode 1 of one of ABS-CBN’s Online Kapamilya Shows, “Paligayahin Niyo Ako.”

Magkakaroon na sana ng follow-up ang tandem ng dalawa via sa launching and solo-starrer sana ni Ivana ang “Ang Lihim ni Ligaya,” kaya lang na-shelf muna ang tv project dahil sa COVID-19 Pandemic, kaya naman minabuti muna nila na mag-launch ng online show in relation to this na ang theme sa bawa’t episode ay something fun, sexy, witty, enjoyable at may mga challenges din, ang mananalo na challenger will get to date Ivanna or si “Ligaya” online!

 Ivana at Kit seksing tambalan online

Bukod kay Kit, kasama rin ang mga baguhang sina Argel Saycon at Raven Molina as co-challengers na supposedly kasama rin sa upcoming teleserye. Game na game din naman ang tatlong actors sa mga challenges nila katulad ng “I Can Dance” challenge at “Fast Talk.”

In one of their conversations online, tinanong ni Ivana si Kit kung ano ang first impression n’ya nung una pa lang silang magkita, sinagot agad ito ni Kit ng “maldita” (joke lang daw), pero he finds Ivana very approachable naman daw while ang first impression naman ni Ivana kay Kit ay “masungit” daw at inamin pa rin n’ya na ang di n’ya malilimutan sa binata ay ang kanya talagang “butt,” na ikina-suprise ni Kit.

Maganda pa rin ang rapport ng dalawa kaya naman for sure aabangan pa ng mga netizens ang mga upcoming pang Episodes nila sa YouTube. 

Kathryn at Daniel : Kasalan na kasunod

Kathryn and Daniel



 Everytime the reel and real life partners Kathryn Bernardo and Daniel Padilla were asked about how they want their wedding to be? They both agreed to have a “beach wedding.” But according to them, it will only happen once they reach the age of 30. In one of Daniel’s  interviews before, yes, it’s just natural for them to talk about their wedding plans but definitely it won’t happen in the near future.

Not until, the Queen Bee, Ms. Karla Estrada, mother of Daniel, posted a video of a beach location on her Instagram account, with a comment saying “soon” with a blue heart, a ring and a red heart just recently. Dahil sa post na’to, na-windang ang mga netizens lalo na ang KathNiel lovers and supporters. Iba’t-ibang reactions ang pinost na pati si Ogie Alcasid ay napa-wow at sinagot naman ni Ms. Karla ng tatlong  “praying” icons.


Ang wish ng mga ikakasal
Mag-eight years na nga ang relasyon ng KathNiel kaya naman di na malayo na mag-isip silang lumagay sa tahimik, di’ba? In addition pa nga pala sa pinost na beach video ni Ms. Karla, nag-IG story rin s’ya that same day, ng dalawang singsing na mukha ngang wedding ring.

Di matahimik ang kampo ng KathNiel pati na rin ang mga followers ni Ms. Karla, may mga nag-speculate din na baka naman s’ya mismo ang engaged or ikakasal sa current boyfriend n'ya na si Jam Ignacio pero kung iisipin mo nga naman bakit s’ya pa ang magpopost kung s’ya rin ang involved, which I guess, may point nga.


Si Karla ang my hawak ng detalye
On the other hand, just last March 9, 2020, nag-ground-breaking si Kath together with her family, close friends and relatives and of course kasama si DJ (Daniel). After three long years of planning, ay natuloy na rin finally ang ipapatayong “dream house” ni Kath for her family na inassume din ng ibang netizens na ‘yun daw ay magiging bahay ng dalawa.

Sa dinami-dami nang nangyari sa relationship ng KathNiel, nag-stay pa rin at nag-stick sila sa isa’t-isa na sa tingin ko, lalong nagpatibay sa relationship nila ang kanilang mga past experiences. 

Para sa inyong dalawa, Kath and DJ, whatever your future plans maybe, we’re happy for both of you. Just continue to love each other at magpa-kilig sa mga nagmamahal at naniniwala sa inyo.


Mansion ni Paquiao sa Forbes for Sale!

Sen. Manny Paquiao and his Family



 Speculations and concerns had been propagating around the entertainment and digital world that the Pacquiao Family mansion located at the posh Forbes Park in Makati City is currently for sale and is worth a whopping Php 1.5B. This started when Presello, a real estate online site posted the said property as Zen inspired luxury mansion for sale at Forbes Park.

 Very familiar at similar ang mga photos posted sa site even without mentioning the Pacquiao family dahil na rin sa madalas na pagpopost ni Jinkee Pacquiao sa Instagram account n’ya at sa mga family vlogs nila. You could see and compare sa mga pictures dito.

The 1.5 Billion mansion

If true nga na “for sale” ang mansion, ano naman kaya ang reason behind? For sure may matindi at matibay na dahilan kung bakit nila binebenta ‘to, di’ba? Naging malaki at very essential part pa naman ng family life nila at marami ring good memories sa mansion na ‘yun.

 Konting throwback lang tayo, if you could recall, lumabas ang mga videos and photos sa social media sa nangyaring dinner party sa Pacquiao Mansion wherein makikita rin na invited si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III kasama pa ang ilang mambabatas at celebrities last March 4, and last March 20, nagpatest si Sen. Koko for CoVid 19 at according to him, nalaman n’ya na positive s’ya March 24 na pero marami na s’yang napuntahang galaan bago pa s’ya na-confirm na positive.

Is this a working kitchen

Dahil dito, na-alarma ang mga tao lalo na ang mga naka-close in contact ni Sen. Koko kasama na ang pamilyang Pacquiao. Nakatanggap tuloy sila ng letter galing sa chairman ng home owners nila sa kanilang subdivision na nagsasabi na mag self-quarantine daw silang buong pamilya. Nagsabi rin naman ang kampo ni Sen. Pacquiao na nagpa-test na s’ya and it turned out negative. Lumabas ang result few hours after na-render sa kanila ‘yung notice ng barangay chairman.

The mansion's meeting room
It seems di naging maganda ang perception at effect sa Pacquiao family ang ganung klaseng treatment sa kanila kaya daw ‘yun malamang ang mabigat na reason kung bakit binebenta ang kanilang mansion na may 2000 sq. m lot area, 5 bedrooms, 5 bathroom, may personal lift, swimming pool, personal lift, lush garden, outdoor function area, walk-in closet, indoor courtyard, electric fence at iba pa.

Whether true or not na binebenta nila ang Makati mansion and for whatever reason they have, for sure naman pinag-isipan muna mabuti nila Sen. Manny at wife Jinkee Pacquiao ang decision nila and ito naman siguro ay for the better lalo na para sa kapakanan ng kanilang pamilya.