Vice Ganda |
Vice Ganda may have been a bit emotional for the past few days, he was not his usual jolly and wacky self most especially in front of the camera. This is due to the recent "passing away" of his "kababata," family, brother, housemate and bestfriend named Budi.
Habang ang mga kasamahan ni Vice sa "It's Showtime," ay nag-uumapaw ang saya sa muli nilang pagkikita-kita at pagbabalik sa ere ng kanilang show, si Vice naman ay kapansin-pansin daw ang pananahimik at mas gusto ang mapag-isa. Nagluluksa ang comedian/host at hindi na rin n'ya nakuhang maki-join sa online mediacon ng show last June 9, nag-beg off na s'ya. According sa mga staff ng nabanggit na show, "heart attack" daw ang naging cause of death ng bff ni Vice na nangyari ng umaga mismo ng June 9.
Vice and Budi |
Nag-tweet pa si Vice last Tuesday ng: "You’ll always be my bestfriend, my brother, my family. I will always cherish and love you. Here and there. Now and forever. I will cry. But i won’t say goodbye."
On the other hand, dahil sa pinapatupad na mga GCQ protocols, at part na rin ng "new normal," ni-require ang lahat ng hosts at staff na mag-undergo ng rapid testing at pinagkatuwaan nila si Ryan Bang na takot na takot pala sa syringe, samantalang super happy at excited naman ang mag-bff na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz dahil finally daw may sari-sarili na silang artists' room.
Sa pagbabalik ng noontime show ng Kapamilya Network last Sabado sa Kapamilya Network, mukhang di na ganoon kalakas ang impact sa mga viewers, baka naman nag-aadjust pa ang lahat, di kaya? But one thing's for sure... it will take time. (Last Monday, June 15, napanood ko ang ilang portion ng palabas. Mayroong lamlam. malungkot. Not the usual show before the pandemic. Hindi masaya tulad ng dati na kinagigiliwan ng marami-Ed)
To Vice, our sincerest condolences to you... I can relate kung paano talaga ang mawalan ng minamahal at bestfriend. Sa buong "It's Showtime" family... kapit lang and more power!!!
*****
After ng intimate wedding ng Kapuso actress na si Sheena Halili at Pasig City Administrator Jeron Manzanero last February 27, 2020, meron na namang special announcement ang couple.
Sheena Halili ang her baby bump |
Just recently, nag-post si Sheena sa Instagram account n'ya showing her "baby bump" with a caption: "And now we're three!"
Sa isang video, nanghingi ng paumanhin si Sheena at na-late ang announcement n'ya, she's now on her 13th week, for the reason na naging maselan ang paglilihi n'ya at palagi lang daw talaga s'yang nasa bed. Super thankful din si Sheena kay Solenn Heussaff sa mga pinadala n'yang gifts para sa baby nila na sinamahan pa ng crib.
To Sheena and Atty. Jeron, congratulations to both of you!!! Don't lose that positive outlook in life.
No comments: