Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » Ai Ai: Umalma sa buwis para sa mga online sellers

Ai Ai delas Alas




 Kabilang si Ai-Ai delas Alas sa maraming celebrities na umaalma na patawan ng buwis ang mga online sellers.

May sariling online business si Ai-Ai noong magkaroon ng lockdown. Nagbebenta siya online ng kanyang ube pandesal sa pastry business na Martina's Breads & Pastries.

Hindi raw naisip ni Ai-Ai na sa gitna ng pandemic kunsaan naghahanap ang marami na pagkakakitaan dahil sa tatlong buwang walang trabaho, papatawan pa raw ng tax ang maliit na negosyo nila.
Ai Ai, umalma pa-buwis sa maliliit na online negosyo

Nagpapasalamat naman si Ai-Ai kay Senator Joel Villanueva dahil pinaglalaban nito ang mga Pinoy na may sariling online business at huwag na itong lagyan pa ng tax.

Pinost ni Ai-Ai sa kanyang IG account ang naging statement ni Sen. Villanueva na ino-oppose ang gusto ng BIR.

“Pasalamat nga tayo at madiskarte ang mga Pilipino. Wala na ngang ayuda, ita-tax niyo pa. Hindi naman milyon ang kinikita ng maliliit na online sellers. Dapat tutukan ng BIR ang POGO na may utang na P50B na tax last year pa. Ngayong COVID-19, pwede bang kapakanan ng mga kababayang Pilipino muna natin ang manguna?”

Naging caption naman ni Ai-Ai ay: “Para po sa aming mga malilit na on line seller sa panahon ng covid ginagawa namin to kasama ng mga iba nating kababayan na wala naman ayuda at walang trabaho to survive sa pang araw araw ng buhay .. wag nyo na sanang isipan na i tax .. salamat po ...”
*****

Nag-celebrate ng kanyang 30th birthday si Valeen Montenegro in quarantine noong nakaraang June 10.

Tulad ng ibang nag-birthday, sa bahay lang si Valeen at tumanggap siya ng mga pagbati via social media.
Nag-birthday under quarantine

Kabilang sa mga bumati kay Valeen ay sina Gabbi Garcia, Bea Binene, Yasmien Kurdi, Chariz Solomon at Antonio Aquitania.

Pinasalamatan ni Valeen ang lahat ng nakaalala at sumuporta sa kanya sa isang Instagram post.

“A BIRTHDAY TO REMEMBER! Would like to thank everyone who went out of their way to greet me and make feel special today. Sana nareplyan ko kayo, kung di man... Birthday ko! Bawal kayo mag tampo."

*****

Natuwa ang netizens sa pag-post sa IG ng original Wonder Woman na si Lynda Carter ng photo niya kasama ang 29-year-old lookalike daughter na si Jessica Carter Altman.

"Best part of this summer: all this extra time with my baby girl!," caption pa ni Lynda.
Lynda Carter is Wonder Woman  on TV during the 70's
Singer ng isang band ang anak ni Lynda na dapat ay may tour sa taong ito, pero nakansela dahil sa COVID-19 pandemic. Bukod sa pagiging isang singer, lawyer din si Jessica.

"I always have to remind myself that my baby girl is hardly a baby anymore!," sey ni Lynda.

Ni-reveal naman ni Jessica na malaki ang influence ng mother niya habang lumalaki siya. Dahil sikat si Lynda sa pagiging Wonder Woman sa TV, ginagaya siya parati ni Jessica.

"I put on the Wonder Woman crown, bracelets, and lasso of truth and started running around the house pretending to be a superhero,” natatawang kuwento ni Jessica na nakasama ang kanyang ina during quarantine. 

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply