Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Maxine Medina at Winwyn Marquez.: Mga Reyna Tindera

Maxine Medina at Winwyn Marquez




  Dahil limitado na ang trabaho sa entertainment business dahil sa COVID-19 pandemic, pinasok nila ang negosyo na madaling asikasuhin kahit na nasa bahay lang sila.




 Meat Vendor


Naging online business ni Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina ang pagbenta ng marami niyang pre-loved clothes at ang pag-supply ng meat products. Dahil sa kanyang pagbenta ng karne, natuto raw siyang magluto ng adobo, sinigang at caldereta.



Si Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez ay natuto ng baking sa pagkuha nito ng online course. Pinakita nga ni Wyn ang kanyang mga binebenta na mga pandesal and other pastries sa kanyang social media accounts.


Pastry baker


Naging magandang therapy raw kay Wyn ang baking dahil hindi naging bakante ang kanyang pag-iisip at lagi raw siyang nag-iisip ng iba't ibang paraan kung paano mapapasarap ang bine-bake niyang mga pastries.

*****



Ilu-launch ng Miss Universe Philippines ang first-ever online series na Ring Light.



Isang fundraising online series ang Ring Light na ipapakita ang mga training, behind-the-scenes preparations and activities ng naturang pageant.



Mag-premiere ito on September 27, 2020 via www.empire.ph.



Composed of eight episodes, the series follows 50 aspiring Miss Universe Philippines candidates and takes viewers through their inspiring journey to the crown.




Producer of Ring Light an 8 episode online series


Sa bawat subscription, may percent na mapupunta sa chosen beneficiary ng bawat candidate. May sariling referral code ang mga candidates.



“We’re very excited to launch Ring Light, the first-ever fundraising online pageant series that willallow fans to take the same journey to the crown while making a positive impact. With this online series, we hope to inspire our viewers to find their ownlight and empowerment and show that beauty is not only skin deep,” sey ni Miss Universe Philippines National Director and Miss Universe 2011 Third Runner-Up, Shamcey Supsup-Lee. 



How to Watch Ring Light: All eight episodes, including five learning episodes, a challenge episode, the preliminaries (swimsuit and gown competition), and the grand finale, will be available to stream on www.empire.ph for a one-time fee of P299.



Excited pageant fans can also avail of Ring Light’s early bird promo of only P249 if you subscribe any time from July 22 to August 31, 2020.



*****



Natapos ni Taylor Swift ang kanyang 8th studio album habang naka-quarantine ito. Nilabas niya ang kanyang Folklore album noong July 24 at umani agad ito ng rave reviews. 



Tinawag ng maraming music critics ang Folklore as Taylor's "greatest work".




Tay]0r's 8th album is  her "Greatest work"


Sey ng Variety: "It's hard to remember any contemporary pop superstar that has indulged in a more serious, or successful, act of sonic palate cleansing."



At sey ng Billboard: "A project created in isolation, Folklore finds Swift pouring every inch of her current psyche, amidst an imperfect reality, into her songwriting. We're fortunate that she decided to share it with us."



May 16 tracks ang Folklore at ang unang music video na nilabas ay may titulong "Cardigan" na meron nang 15 million views sa YouTube when it premiered last July 23.



Megan at Mikael: Relasyon na Super Budget

Megan Young and Mikael Daez





 Nakakagulat sa ilan ang nai-share na paraan sa pagba-budget ng Kapuso couple na sina Miss World 2013 Megan Young at Mikael Daez sa latest episode ng kanilang podcast na #BehindRelationshipGoals. 

Habang ang ibang married couples ay may individual at joint accounts, pinili nila Mikael at Megan na magkaroon ng magkahiwalay na accounts. 
Mikael and Megan
Ang kay Mikael ay ginagamit nila para sa ilang expenses gaya ng credit card bills, groceries, at household expenses samantalang lahat naman ng income ay pumapasok sa account na nakapangalan kay Megan.

Kuwento ni Mikael, apat na taon na raw nilang ginagawa ang naturang sistema at nasanay na sila sa ganoong paraan ng pagba-budget. 

Bukod daw sa mas organized dahil nakikita nila ang lahat ng kanilang expenses sa isang account lang, may positive psychological effect din daw na makita ang lahat ng pumapasok na pera sa iisang account. 

“I think those two are the most prominent motivations for using this style of finance, so organization and clarity and good vibes," sey ni Mikael.
*****
After one year ay muling nasilayan si Kelsey Merritt sa latest edition ng Sports Illustrated Swimsuit Edition 2020.

Si Kelsey ang kauna-unahang Filipina model na rumampa sa Victoria’s Secret Fashion Show noong 2018.

Pinost ni Kelsey via Instagram ang kanyang naging photoshoot for
SI sa Dominican Republic.
Kelsey Merritt
“Soooo excited for Sports Illustrated Swimsuit to come out on newsstands July 21st!" caption pa niya.

Sey ni Kelsey, isa raw powerful and iconic brand ang SI that celebrates women of all color, size, age, and ethnicity.

“Whenever I see them do something groundbreaking that no one else has done before, I am in awe that I get to call this brand my family. They continue to shatter ceilings for inclusivity. I am so proud and honored at the same time to be amongst the company of strong, confident women that encourage everyone to be their true authentic self.”

Last year unang lumabas si Kelsey sa “rookie class” ng Sports Illustrated Swimsuit.

*****

Ginulat ng mag-asawang Justin Timberlake at Jessica Biel ang marami dahil sa pagsilang ng kanilang ikalawang baby.

Walang nakakaalam na buntis si Jessica at naitago niya ito sa media.

Pinanganak ni Jessica last week ang second baby boy nila ni Justin habang naka-quarantine sila sa Big Sky, Montana kasama ang kanilang panganay na si Silas.
Justine and Jessica
Nanggaling ang confirmation mula sa close friends ng mother ni Jessica na nakasama nila sa Montana.

Bumilib ang marami sa paraan ni Jessica sa pagtago ng kanyang pagbubuntis kahit active ito sa social media.

Ang sikreto ay bare minimum of selfies, none showing of Jessica's entire body for how many months at ang mag-post ng mga photos at videos from last year para walang maghinala na netizen.

Nagbigay naman daw ng clue si Justin noong nakaraang May nang i-post niya sa IG ang photo na suot nila ni Jessica ang matching robes na may nakalagay na PAPA BEAR and MAMA BEAR. 

Pero walang nakahula na buntis na pala si Jessica that time.

Rocco and Melissa:Perfect sa lahat ng bagay

Rocco Nacino and Melissa Gohing





Bilang miyembro ng Philippine Navy, personal na nagpaabot ng kanyang tulong si Rocco Nacino, kasama ang kasintahan na si Melissa Gohing, sa mahigit 200 na senior citizens sa Talim Island, Rizal.

Natuwa ang mga residente sa pagbisita ng 'Descendants of the Sun PH' actor sa kanilang lugar. Sila ang mga benepisyaryo ng ‘Help From The Heart’ fundraiser na sinimulan nina Rocco at Melissa.

Perfect couple


“Kailangan mong i-biyahe by boat so pumunta kami sa isang port. Sasakay ka ng bangka, tapos sasakay ulit pagdating do'n hanggang makarating sa barangay. Gano'n siya kalayo.

“So these are the people we wanna help that's why we are really happy na tinutulungan kami ng Philippine Navy. 'Di namin to mapu-pull off 'pag wala sila."

*****

Sinisiguro ng Kapuso stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na ang kanilang mga proyektong ginagawa ay pasok at malapit sa kanilang prinsipyo at adbokasiya.

Patunay na lang ang award-winning infotainment show ni Dingdong na Amazing Earth na layong magbigay kaalaman sa kalikasan at sa ating planetang ginagalawan.

Saksi rin ang lahat sa husay na ipinamalas ni Marian nang gumanap ito sa makasaysayang drama na Amaya.

Sa ika-70 anibersaryo ng GMA-7, pinasalamatan ng dalawa ang Kapuso Network sa patuloy na paggawa ng mga programang nagpapahalaga sa kalikasan at kultura ng bansa.

Samantala, mapapanood muli si Dingdong sa bagong episode ng Amazing Earth ngayong Linggo (July 26), 5:25PM, bago mag-24 Oras Weekend sa GMA Network.

*****

Sentro ng intriga ngayon ang TV host and producer na si Ellen DeGeneres pagkatapos na magsalita ang ilang former employees nito tungkol sa tunay nitong ugali.

Tinawag si Ellen na "evil", "awful", "rude" and "horrible boss", malayo sa pinapakita niyang image sa kanyang long-running talk show na The Ellen DeGeneres Show kunsaan lagi nitong mantra ay "Be Kind To One Another".

Sa isang Twitter thread na sinimulan ni Kevin T. Porter last May 20, 2020, naging saksi raw siya sa pinakitang "mean streak" ni Ellen noong nagkasama sila sa pag-raise ng money para sa LA Food Bank.

Bina-bashed dahil sa attitude

Hindi inaasahan na sunud-sunod ang mga tweets na dumating mula sa maraming netizens na naka-experience sa hindi magandang pag-uugali ni Ellen kapag hindi ito nakaharap sa kanyang studio audience.

Heto ang ilang sa tweets:

@nude_eel: "My sister worked for the Ellen Show for two years. This is from her: “I saw Ellen in the hallways every day and would say hello and she never once said hello back. She wouldn’t smile. She wouldn’t even acknowledge me at all. For two seasons.”

@ljamba: "My brother is a Wish kid. His wish was to be at the 12-days of Ellen, which was arranged. 1 month before they cancelled because, “Ellen refuses to interact with disabled people.” Crushed his heart."

Ten anonymous former employees ang nag-confirm sa BuzzFeed na isang "toxic work environment" ang magtrabaho sa show ni Ellen.

Kapag meron daw nag-medical leave or bereavement days to attend family funerals, wala na raw silang babalikan na trabaho dahil utos daw iyon ni Ellen.


Pia at Jeremy: Pagmamahalan na may advocacy

Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey


 Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang isa sa bagong ambassadors ng World Wide Fund for Nature (WWF). 

Makakasama niya bilang ambassador ang boyfriend niyang si Jeremy Jauncey na founder and CEO ng Beautiful Destinations.
Pia Wurtzbach and boyfie Jeremy Jauncey
Magkasama ang dalawa sa ginanap na fundraising hour for WWF-Philippines para pag-usapan ang sustainable living.

"It's been amazing talking with you, it always is, and being able to talk about a passion that we care about and supporting WWF. Starting today, Pia is officially joining the Panda family," sey ni Jauncey na WWF-US ambassador since 2018.

Sey ni Pia na big influence sa kanya si Jauncey when it comes to environmental advocacy.

"I always want to use my platform as a public figure to campaign for relevant issues. And with the pandemic showing us that planetary health is deeply connected with human health, I think it's high time for us to acknowledge that our actions do affect the planet and everyone around us.

“I hope you guys would continue to support me in this new journey of growth the same way you did when I brought home the crown for the country."

*****

Pinagmamalaki ng Filipino-Korean model-actress na si Jinri Park ang pagtrabaho niya bilang waitress sa Sydney, Australia.

Wala raw nakikitang masama si Jinri sa ginagawa niya ngayon, lalo na’t nagsisimula siya ng bagong buhay kasama ang kanyang mister. Marangal raw ang pagiging isang waitress.

Heto ang sagot ni Jinri via social media:

Jiri's wedding is on hold

“All those people who are saying it's karma that I'm a waitress now, I'm pretty sure there's nothing wrong with having that job. 

“I chose it because I remembered it to be enjoyable for me (I feel like I'm playing a real life diner dash!!). I think it's quite fun and exciting, I don't know why so many people have negative comments about it.”

“It was to inspire others to start again but of course with all stories whether bad or good, they are always haters. I just wanted to say, I chose to be a waitress and didn't want to just be comfortable with what I have. 

“My parents did offer to pay for my tuition and I could just easily get a student load with my credit. But let me clarify that I chose to work because I wanted to and not because I have to.”

*****

Ang sikat na Bollywood actress at former Miss World 1994 na si Aishwarya Rai ay na-confine sa Mumbai's Nanavati Hospital dahil sa COVID-19 virus.

Pati ang daughter niyang si Aaradhya, ang actor-husband na si Abhishek Bachchan and father-in-law Amitabh Bachchan ay nasa ospital din dahil rin sa virus.

Aishwarya is infected with COVID-19

Negative naman ang mother-in-law ni Aishwarya na si Jaya Bachchan.

Ikina-shock ng bansang India ang pagkakaroon ng COVID-19 ng tinaguriang Bollywood’s Royal Couple. Nag-alay ng kanilang dasal ang maraming fans para sa mabilis na recovery ng buong pamilya ni Aishwarya.

The country now has the third-highest number of cases in the world, after the US and Brazil.



Sushine Cruz: Lalaban at hindi uurong para sa kanyang Tres Marias

Sunshine Cruz




 In-expose ni Sunshine Cruz ang tatlong lalake na ginamit sa pambabastos sa social media ang mga anak niyang babae.

Lumabas na schoolmates pala ng kanyang mga anak ang tatlong lalake na ito sa De La Salle Santiago Zobel School kaya hindi makapaniwala ang aktres na magagawa ng mga ito ang mambastos ng kababaihan.

"Schoolmates ng mga anak ko pa pala itong tatlo. I hope you’ll have the courage to face us and say these things straight to our faces," tweet ni Sunshine.

Ang mga pangalan ng mga lalakeng ito ay sina Keno Damilles, Thirdy Fajardo, Joshua De Jesus.
Tres Marias ni Sunshine, binastos ng mga schoolmates
Dagdag pa ni Sunshine: "Wala kaming sinasaktan at inaapakang tao. Hindi pagkain o bagay ang mga babae. Anong satisfaction ang nakukuha nyo sa pambabastos nyo sa amin? I may have done sexy movies in the past but it is never a valid reason to treat us this way."

Noong Martes ay pinost ni Sunshine ang ginawang apology ng tatlong lalake sa kanyang Facebook account. Pinadala ang apologies sa pamamagitan ng kanyang lawyer na si Bonifacio Alentajan.

Nagpadala ng isang apology video ang isang lalake at sobrang na-stress daw siya sa nangyari kaya humihingi ito ng tawad kay Sunshine. Gayun din ang dalawa pang boys na humihingi ng tawad sa ginawa nilang pagkakamali.

Nagpadala rin ng apology ang student government body of De La Salle University (DLSU) at ang DLSU Business College Government (BCG) kay Sunshine at sa mga anak nito dahil sa ginawa ng kanilang student na lumabag sa "anti-sexual and discrimination harassment guidelines."
*****
May iba't ibang paraan ang mga artista ngayon para mapanatili ang kanilang alindog.

May nagpu-post sa social media ang kanilang intense workout.
Sheryl, Superhot Momma pa rin
Pero iba naman ang style ni Sheryl Cruz dahil ang kanyang tanging gamit sa pagpapa-sexy ay hula-hoop.

Nakailang libong views na ang Hula Hoop videos ni Sheryl sa social media. Nagsimula lang daw ito bilang simpleng hobby hanggang sa makitaan niya ito ng magandang treatment para sa katawan niya.

“Mayroon kasi akong scoliosis. In order for me to battle that, first I go to the doctor regularly but I have to also help myself in working out. ‘Yung posture ko kasi natulungan ng hula hoop because you stand up right.”

Kaya naman napanatili ni Sheryl ang whistle-bait figure niya, salamat sa kanyang hula-hoop.

*****
Engaged na ang panganay na anak nila David and Victoria Beckham na si Brooklyn Beckham sa kanyang girlfriend of seven months na si Nicola Peltz. 
Brooklyn and Nicola is engaged
Isang former teen actress si Nicola na lumabas sa mga pelikulang Deck The Halls, The Last Airbender at Transformers: Age of Extinction.

Ayon kay Brooklyn, soulmate niya si Nicola kaya noong July 11 ay ni-reveal nito via IG ang binigay niyang emerald-cut diamond solitaire engagement ring na ang halaga ay 250,000 pounds.

“I promise to be the best husband and the best daddy one day. I love you baby xx," caption ni Brooklyn sa IG post nito.

Proud ang parents ni Brooklyn sa bagong papasukin na buhay nito.

Marian Rivera at Kris Bernal: Tuloy pa rin ang gawa sa panahon ng pandemya

Marian Rivera and Kris Bernal



 Sa latest video ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera makikitang isa siyang proud mom sa masipag niyang panganay na si Zia Dantes.

Sa IG story ng aktres, ipinakita niyang naghuhugas ng kubyertos ang anak na naka-suot pa ng cute na pink apron.
The mother-daughter team of Marian and Zia

Marami ang humanga kay Marian sa paggamit ng panahon na ito para turuan ang mga anak niya ng mga gawaing bahay.

Kinuwento ni Marian sa online All-Out Sundays show na may sistema silang sinusundan ngayon sa bahay.

"Dinivide namin 'yung araw into three. So halimbawa sa morning, time for learning. Tapos sa afternoon, time for play. Tapos sa gabi, 'yan na 'yung bonding namin."


*****
Dahil sa pagbabalik-ere ng Wish Ko Lang muling nagkatrabaho ang magkaibigang sina Aicelle Santos at Maricris Garcia. 

Maricris ans Aicelle
Ang dalawang Kapuso singers kasi ang kumanta ng theme song ng GMA Public Affairs program na bumalik noong July 11.

Sey ni Aicelle na happy at excited siya sa kanilang collaboration ni Maricris kahit na di sila personal na nagkita at nakapag-record together dahil na rin sa COVID-19.

“Sobrang happy and at the same time na-excite kasi I get to sing with Maricris again. Sa iba nga lang na set-up kasi magre-record kami sa kani-kaniyang bahay namin.” 

Sey naman ni Maricris tungkol sa theme song ng Wish Ko Lang: “‘Yung every word, every lyric na nandoon, very specific. Simpleng-simple, madali siyang maintindihan. Catchy rin 'yung melody niya.” Nakatutuwa rin na sabay na ipinagbubuntis nina Aicelle at Maricris ang kanilang first baby ngayong 2020. 

 *****
Kris, helping small online businesses
 Good samaritan si Kris Bernal sa kapwa niya nagma-manage ng mga negosyo na humaharap sa krisis ngayong may COVID-19 pandemic. Sa Instagram post, ikinuwento niya na naglalaan siya ng panahon upang tulungan ang mga lumalapit sa kanya na small business owners. “I've been taking on some free small business shout outs to help out anyone whose business has been struggling during these times. I take my support seriously - with setup! Lol! Ang hirap din maging food blogger! Anyway, I do this to match the business owner's efforts." Ramdam kasi ni Kris ang hirap na dinaranas ngayon ng mga katulad niyang may negosyo. 

*****
Exciting adventures at interesting interviews mula sa local heroes ang hatid ng award-winning infotainment show na Amazing Earth sa kanilang bagong episodes na mapapanood simula July 26 sa Kapuso Network.

Dingdong is back on TV with Amazing Earth
Matapos ang ilang buwan, may handog na fresh content ang host ng programa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa kanilang viewers. 

Isa rito ang eksklusibong panayam ni Dingdong sa isang Pinoy student na nananatili sa Wuhan, China at inabutan ng lockdown noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Alamin ang naging karanasan niya sa loob ng naturang lockdown na tumagal ng 60 days. Sundan din ang nakaka-amaze na kuwento ng mga hayop mula sa Indian subcontinent sa bagong series ng BBC na ‘Hidden India.’

Samahan si Dingdong na tuklasin ang natatagong ganda ng ating mundo sa bagong episodes ng Amazing Earth simula July 26, 5:25PM, sa GMA Network! 

Julie Anne: Patrona ng Mga Nasaktan sa Pag-ibig

Julie Anne San Jose




 Marami sa fans ng Asia's Pop Diva na si Julie Anne San Jose ang tinatawag siyang "the patron saint of moving on."

Sa isang interview niya para sa bagong single na 'Better,' ipinaliwanag ni Julie ang kaniyang mga ginawa para maka-get over noon mula sa isang heartbreak. 

Patron ng mga sawi sa pag-ibig?

Kuwento niya: “Iba-ibang paraan naman ang tao para maka-move on 'di ba? For me, what I did was madali kasi ako maka-move on. I don't know. Since mako-consider din 'yung medyo preoccupied din ako with other stuff, like busy rin ako sa work at sa iba kong ginagawa. I keep myself productive at home and then I go out with friends, so nandoon 'yung support din from the people who really love me.”


Sa ngayon ay nananatiling single si Julie at naka-focus muna sa kanyang showbiz at music careers.

Samantala, extended ang online auditions ng Season 3 ng #The Clashkung saan si Julie ay isa sa main hosts.

Nag-20 straight days at number one sa iTunes Philippines pre-order chart ang song ni Julie na ‘Bahaghari’.

Isa ulit itong collaboration kasama ang rapper na si Gloc-9. Nagkaroon ng worldwide release ang ‘Bahaghari’ noong July 10.

*****

Nakitaan ng magandang chemistry sina Andre Paras at Angela Alarcon noong magkaroon sila ng online chat sa YouTube channel ni Andre na “Shout Out Andre.” 
 
Andre Paras and Angela Alarcon


Kapwa anak ng celebrities sina Andre at Angela. Anak si Andre nila Benjie Paras at Jackie Forster, samantalang ang ama ni Angela ay si Jestoni Alarcon. 
Sa kanilang chat, mas nakilala ni Andre ang kanyang kapwa showbiz royalty. Nagkamustahan ang dalawa tungkol sa kanilang mga pinagkakaabalahan ngayong quarantine at pati na rin ang kani-kanilang YouTube channel.

Sa mga nakapanood, bagay raw na maging loveteam sina Andre at Angela.

*****

Presumed dead na ang Glee star na si Naya Rivera pagkatapos itong mawala sa isang lake sa Southern California.

"We're presuming that an accident happened and we're presuming she drowned in the lake. The goal is still to bring Miss Rivera home to her family," ayon pa kay Deputy Chris Dyer ng Ventura County. 

Naya Rivera

Nawala ang 33-year old na si Rivera sa Lake Piru on Wednesday evening. She went to the lake that afternoon and rented a pontoon boat kasama ang 4-year-old son nito.

Noong hindi maibalik ni Rivera ang boat, pinahanap na ito ng may-ari. A rental employee found the boat on the north end of Lake Piru. Ang sakay lang ng boat ay ang 4-year old son ni Rivera na suot ay isang life jacket.

Sa CCTV video, makikitang si Rivera at ang anak nito ang sumakay ng boat. Natagpuan ang boat sa area ng lake na may lalim na 30 feet.

Naya Rivera played Santana Lopez for six seasons sa Glee.

Si Rivera ang ikatlong cast member ng show na pumanaw dahil sa isang trahedya.

Unang pumanaw si Corey Monteith noong July 13, 2013 dahil sa drug overdose. Pangalawa ay si Mark Salling na nag-suicide by hanging sa Los Angeles noong January 30, 2018