Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Nora Aunor as Best Actress for the First Summer MMFF?



Growing up in a family full of Vilmanians, my late paternal grandmother and the sister of my father are all Vilmanians. My first movie was “Lipad, Darna, Lipad.” In high school, having studied in all boys Catholic academy, my young gay friends and I naturally gravitated and loved Sharon Cuneta, especially in “Dear Heart” and her other bubble gum movies produced by Viva Films when Cuneta was always affluent, baby talked, donned the latest Christian Espiritu pret-a-porter collection and yes, her yaya for ages, was always the sosyalin Suzanne Gonzales. 
Matav pa lang ni Nora, talo na ang kalaban

Si Nora Aunor, kahit alam kong karibal ni Vilma Santos, at nagpang-abot ang landas ng mga karera nila nina Sharon, isama na rin natin si Maricel Soriano, nakilala ko lang ang husay at natatanging galing noong napanood ko ang Ishmael Bernal’s “Himala” sa Pelikula at Lipunan, isang proyekto ng Mowelfund dati na pinondohan ng National Commission for Culture and the Arts.

Simula noon, dahil na rin sa mga NCCA funded festival, napanood ko ang kadikalaan ni Aunor bilang aktres at manghang-mangha ako sa husay niya sa “Bona,” “Ina Ka ng Anak Mo,” “Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit,” “Merika” at ang pinaka-personal favorite movie ko ni Aunor, ang “Beloved,” kung saan mayaman ang kanyang katauhan, naka-postura palagi at nakikipag-talbugan sa isa ko pang paboritong aktres, si Ms. Hilda Koronel.

Ngayon, matapos kong mapanood ang patikim para sa bago niyang pelikulang “Isa Pang Bahaghari,” na isinulat ni Eric Ramos, sa direksyon ni Joel Lamangan at isa sa kasali sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF), vintage Nora Aunor na talagang sakdal husay ang bumabalandra.


Nora Aunor and her co-stars in Isa Pang Bahaghari
Sa unang eksena pa lang nila ni Philip Salvador kung saan pinagtatabuyan niya ito at nakasaklay pa man din, hanggang sa mapasigaw ang kanyang katauhan ng “Hayop! Hayop!!!” walang kaduda-duda na she is the actress to beat sa kategoryang pinakamahusay na pangunahing aktres.

Kahit pa nga Vilmanian at Sharonian ako
sa puso, hindi ko pwedeng itanggi at sobrang magihing sinungaling ang inyong Showbiz Blah!kolumnista kung hindi ko aaminin na si Nora Aunor ang pinakamahusay pag dating sa pag-arte sa huling apat na reyna sa showbizlandia.

After Nora siempre ang tatlo pang reynang sina Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano. At sigurado ang inyong lingkod na kahit na ang Star For All Seasons, Megastar at Diamond Star, maluwag nilang tinatanggap na si Aunor talaga ang pinaka-dakilang aktres sa kanilang huling mga reyna sa pinalakang tabing.


Maricel Soriano and Sharon Cuneta
Ang mga all time Vilma Santos favorite movies ko ay ang pinagbidahan niyang pelikula na si the late great Ishmael Bernal ang director, “Relasyon,” “Broken Marriage,” at “Pahiram ng Isang Umaga.” Bet na bet ko rin si Santos sa “Sister Stella L,” “Anak” at “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?

Kay Soriano, kay galing-galing niya sa “Ikaw Lang Ang Minahal,” “Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin,” “Dahas,” “Separada” at “Saan Darating Ang Umaga.”

Kay Sharon, siempre pa, “Dear Heart,” “Bituing Walang Ningning,” “Madrasta,” “Nang Iniwan Mo Ako,” at “Crying Ladies.”

Umaasa ako na marami ang manonood sa “Isa Pang Bahaghari” ni Nora Aunor at nawa, may mga millennial na siya rin ay idolohin, tingalain at gawing huwaran at inspirasyon  pag dating sa larangan at propesyon ng pag-arte.

Mapalad tayo na ang huling apat na reyna, sina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano, ay nandiyan pa para tayo ay paligayahin at pahangaing pang lalo sa mahuhusay nilang pag-ganap.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

6 Comments:

  1. Alwyn Ignacio, Dive we love...maraming salamat sa iyo, napakaganda ng iyong pagkasulat. Korek, panoorin at maraming moviegoers ang panoorin ang Isa Pang Bahaghari

    ReplyDelete
  2. Thank you Alwyn Ignacio. Yes Wala pang makapapalit sa nag iisang SUPERSTAR

    ReplyDelete
  3. True..Sharonian ako pero agree ako sa sinabi mo about Nora:-)

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. Thank you Alwyn Ignacio for your honesty. Nag-iisa talaga si Nora Aunor sa kanyang pedestal. Walang kupas. Mabuhay si Nora! Salamat.

    ReplyDelete
  6. The One and Only Superstar.I will watch Isa Pang Bahaghari and i will send money to my family there in Manila to watch it.

    ReplyDelete