|
Nagsimula ang lahat nang ilabas ni Robin via social media ang pagbuhos daw ng tubig ni Coco sa mga natutulog na talents ng programang FPJ's Ang Probinsyano.
Sa paniniwala ni Lorna, iisa lang daw ang industriya bilang mga artista kaya dapat nagmamahalan sila at kung puwede ay protektahan mo ang kapwa artista mo.
"Para sa akin,kung kapwa mo artista dapat din proteksyunan mo, dapat mahalin mo rin.
"Kasi kung ano man yung mali o hindi maganda sa artista na yun, lalabas talaga,hindi mo matatago.
Lorna is a peacemaker |
"Kasi kung ano man yung mali o hindi maganda sa artista na yun, lalabas talaga,hindi mo matatago.
“Tama, huwag na nga sa kapwa mo artista mo manggaling," sey ni Lorna.
Dasal nga ni Lorna na magkaayos na balang-araw sina Robin at Coco dahil sila-sila rin daw ang magtutulungan balang-araw.
"Lahat naman ng nag-aaway na artista sa showbiz later on, nagkakabati kasi iisa lang ang linya ng trabaho.
"So magkakaintindihan din 'yan. Sa ngayon siguro 'di pa sila nagkakausap, pero magkakaintindihan din sila eventually.
“Sana merong tao na pwedeng pumagitna sa kanila para maging bukas yung isip nila at magkaintindihan."
*****
Bilang pet owner, may connection si Carla Abellana sa emotions ng kanyang mga alagang aso.
Noong pumanaw ang pet dog niyang Corgi na si Sunny noong 2018, naiwan daw na mag-isa na lang ang isa pa niyang pet dog na si Patches na isang Jack Russel.
Sa kanyang YouTube vlog, kinuwento ni Carla ang pag-adopt niya sa dalawang Aspin or Asong Pinoy. Pinangalanan niya itong Wing and Fly at galing sila sa pangangalaga ng PAWS o Philippine Animal Welfare Society.
Noong mauwi na raw niya sina Wing and Fly, medyo mahiyain pa raw sila pero hindi nagtagal ay lumabas ang pagiging playful nila at sumigla na agad ang alaga niyang si Patches dahil may mga bagong kalaro na ito.
*****
No comments: