Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Robin Padilla: Biktima ng Fake News

 



 

Fake News ang balitang nagka-COVID-19 si Robin Padilla at misis niya na si Mariel Rodriguez

"Common flu lang. Ok na," mensahe niya sa amin thru our regular correspondence. "Mahirap magkasakit ," dagdag pa niya sa message niya sa amin.

He can't afford na magkaganun(magkasakit), lalo pa't muling aktibo siya sa kanyang community work at sa dalawang bagong television shows ng NET25 on agri-business, livestocks and small businesses like pagawa ng kakanin, food (karideria), etc na "Unlad' Kaagapay sa Hanapbuhay na devcom para sa mga kababayan natin na kailangan ng tulong impormasyon na napapanood every Sunday at 7:00PM and Saturday at 9:00 in the morning na nagsimula noong July of this year.


Last Sunday, September 27 ay may bagong musical sitcom na ini-launch ang istasyon na siya ang main host together with Vina Morales and Pilita Corrales titled "Kesaya Saya" na mapapanod naman at 6:30 in the evening.

*****

Ang ganda ng unang sultada ng Kuwentong Sandaan series kung saang nagbibigay pugay ang FDCP sa pangunguna ng kanilang Chairperson @lizadino sa mga living legends ng pelikulang Pilipino at ng industriya. Nakakatuwa ang kuwento ng beterang aktres na si Ms. Gina Pareño tungkol sa pagsisimula niya bilang isang extra sa pelikula hanggang sa dumating ang takdang panahon niya bilang isang bida.

 Congratulatios FDCP sa effort ninyong ito in selebrasyon ng Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino at sa Isang Daang Taon pa ng Pelikulang Pilipino. Mabuhay ang FDCP! 

Bukas, Wednesday ay mayoong dalawang oras na selebrasyon ang FDCP para sa pagtatapos ng sandaang taon ng pelikulang Pilipino at ang pag-welcome naman ng #SineSandaanNext100 with an online concert featuring Martin Nievera, Gary Valenciano, Lani Misalucha, Lea Salonga to name a few.

The show starts at 8:00PM at mapapanood online sa Facebook.com/FDCPPH. Mabuhay ang pelikulang Pilipino. Good work FDCP!
 
*****
Tama lang na idinemanda ni Liza Soberano ang isang netizen para malaman ng mga gumagamit ng social media na may responsibilidad sila sa mga ipino-post nila na opinyon na kung hindi sila maingat ay pwede sila mademanda at makulong. Sabi nga "Think Before You Click!"
 
Kaya sa mga netizens na walang pakialam na akala nila ay kahit sino ay pwede na mag-rant ay hinay-hinay at baka kayo mademanda ng cyber libel.   
 


Cesar, Robin, Alfred at Paulo, mga bayaning 3rd World

Paulo Avelino, Alfred Vargas, Cesar Montano and Robin Padilla



 When this Divalicious column appears online, we already know that those afflicted by the COVID-19 affliction may have reached the 70K mark and maybe even more. With these digits, we have become the number one nation in Southeast Asia with the most pisting veerus cases. 

Must we be delirious of this so called feat? Should we be all going crazy and paranoid, fearful of our lives and the once we love because these figures are more than alarming, it shouts end of days?

Are there rooms and spaces in our collective hearts and minds to still trust the best and the brightest in the gobiyerno nacional that they still are on top of this game called a pandemic and they still know what to do, what strings and ropes to pull and what solutions are in the must be implemented stage?

Kaya nga, hindi ko maiwasang maging nostalgic, and be filled with a huge of melancholia, habang inaalala ang mga pelikulang tungkol sa ating mga pambansang bayani na dugo at buhay ang inialay para sa Pilipinas nating mahal. 

Cesar Montano

Si Cesar Montano, bida sa Marilou Diaz Abaya’s Jose Rizal, the movie. Si Albert Martinez, Rizal sa Dapitan na obra naman ni Tikoy Aguiluz. Si Joel Torre, ang Jose Rizal sa Bayaning 3rd World ni reclusive film master Mike de Leon, Alam na nating ang kanser ng lipunan natin sa kasalukuyan ay talagang pagkalaki-laki nila, malban sa pagiging pambansang bayani, ano na nga ba ang political color at conviction nina Montano, Martinez at Torre? Bukas na aklat kung sino ang poon ni Cesar. 

Robin Padilla

Si Albert, wala tayong malay. Alam rin natin kung nasa kanino ang puso at simpatiya ni Joel.

Si Robin Padilla, naging si Andres Bonifacio sa Bonifacio: Unang Pangulo. Si Alfred Vargas, not once but twice na binigyag buhay si Gat Andres, sa Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio ni the late film icon Mario ‘O Hara at sa Ang Supremo ni Richard Somes.


Sa kanilang mga political choice, hahayaan natin ang kasaysayan at panahon, ang humusga sa dalawang mabunying actor. Si John Arcilla, mas lalong nakilala at bumango ang pangalan bilang si Heneral Luna talaga namang isa sa pinag-usapan, minahal at yinakap na pelikula ni Jerrold Tarog. Mula rin sa imahinasyon, pagsasaliksik, sulat at dikreksyon ni direk Jerrold 
 
Paulo Avelino

ang Goyo: Ang Batang Heneral na ang bida, si Paulo Avelino. Si Arcilla, ang publiko alam kung sino at ano sinusuportahan, pagkiling at simpatiya. Kay Paulo, tikom ang bibig, tahimik at kahit sa kanyang social media platforms, walang mababasang salita o paglalahad tungkol sa kanyang damdamin at opinyong politikal at usaping pambansa. Nasa demokrasya naman tayo kaya wala tayong finger-pointing at pagdidiin sa mga artistang ito na minsan sa kanilang mga karera at propesyon bilang artista, ay mahusay na binigyang buhay, kaluluwa, puso at damdamin ang ating history text book heroes. Kung bakit may ilan sa kanila ang tila hindi isinapuso at hindi tumimo sa kanilang pagkatao at pagkalalaki at pagiging mga lalaki ang mga ipinaglaban, mga naging hinaing at pangarap nina Gat Jose Rizal, Andres Bonifacio at iba pa, sila lamang ang may alam at kung ano man ang kanilang paliwanag at katwiran, ating tanggapin. Pero sa usaping ka-respe-respeto ba ang kanilang naging desisyon at pagpili, sa atin na lang ang paghuhukom na iyon. 

Mariel : Hindi affected sa pagiging "MATABA"






 Ngayon panahon ng ECQ, isa sa mga pinag-kaka abalahan natin ang pagsubaybay sa social media sa ating mga idols. Isa sa paborito ng masa si Mariel Padilla, meron na syang 642k subscriber sa kanyang YouTube account @marielpadilla. Sa Instagram ay meron syang 3.3m followers at 1.7m naman sa Facebook.

7 years ago ay nakahiligan na ni Mariel mag video at i share sa publiko ang mga ganap niya sa buhay. Pero mas naging active sya sa vlogging world nung nagbubuntis na sya kay Gabriella (2nd daughter nila ni Robin). Recently, pagluluto naman ang kanyang pinagkaabalahan via "Cooking Ina Show". Pero na distract sya sa kanyang vlog ng pangarap ng Macaroni Salad dahil naalala nya ang mga comments sa previous videos nya. Inunahan na nya ang kanyang mga bashers tungkol sa pagko-comment ng 'MATABA'



"Hala ang laki na niya! Ako na nagsasabi, okay? Happy? MATABA, okay na? Alam na nating dalawa, makaka move-on na tayo sa ating cooking show. -- Mariel

Marami ang humanga sa kanyang ginawa;

HAHAHA apaka cute mo talaga @marieltpadilla nakaka good vibes ang pagiging natural mong komedyante. -- @diane062581

Ang ganda2 nyo po at kahit ng gain weight kayo  d naman masagwa tinganan.. never mind po mga badgers wala lng cla magawa... s panahon ngayon d dapat tayo paapekto s mga nega kc madami na prob. Ang mundo dahil s Covid 19.. go mami mariel we support u.. -- @mae.vel


Mariel, isa sa may pinakamandang mukha sa showbiz
OMG! Hayaan mo lang sila. Ako nga hanging hanga ako sayo Ma Kasi you're flaunting your mom bod. I hope sa mga new mom or yung mga bagong panganak like your attitude, It can really help prevent those post-partrum dep Super positive all the way. God bless -- @reigrenn

Kilala si Mariel sa pagiging pranka nya kaya naman marami ang humahanga sa kanya. Hindi biro ang harapin ang mga viewers ngayon dahil napaka dali sa kanila ang magbigay ng kanilang puna o komento. Pero sa tulad ni Mariel na tanggap ang kanyang katauhan at hindi takot na i-share ang kanyang talento o magbigay ng kaalaman/kasiyahan sa mga manonood nya. Isa syang huwaran para sa mga Nanay kasi napaka positibo niya mag-isip.


Sharon, biktima ng COVID-19

Sharon Cuneta, another victim of COVID-19




Dahil sa Covid-19 ay maraming trabaho ng mga artista ang apektado. Tulad nalang ni Sharon Cuneta na hindi ligtas. Sa kanyang IG account ay ibinihagi ng Megastar na by this time ay dapat nagso-shooting sila ng kanyang first movie this year sa Denmark.

Kaya lang daw ay nagkaroon daw ng problema sa partner’s ng producer ng Denmark film niya kaya the project was scrapped.
Dahil sa coronavirus shooting sa Denmark, delayed

Sa presscon ng contract signing niya sa ABS-CBN last January ay ibinalita ni Sharon na she is supposed to do four movies this year. Dapat nga raw ay lima ito kaya lang under negotiation pa ang isang movie project kaya di pa niya ito pwedeng banggitin.

Tapos hindi rin natuloy ang supposed to be concert tour niya sa Australia. Pati ang US tour ng Iconic concert nila ni Regine Velasquez ay posibleng hindi rin matuloy.

Gusto man daw niyang ituloy ang kanyang real estate business ay hindi rin niya magawa dahil hindi naman siya pwede mag-ikot para tumingin ng possible properties na pwede niyang bilhin and then sell later on.

Ayon pa kay Sharon, passion daw niya ang real estate na natutunan niya sa kanyang yumaong ama. Kumita siya sa pagkanta at pag-aartista pero ang yumaman siya sa real estate.

Sharon is urging everyone to pray na sana ay makatuklas na ng gamot that can cure the Corona virus.

*****
Nag-donate ang Regal Entertainment ng one million pesos para sa Covid-19 crisis through ABS-CBN.

“It is in our extreme consciousness to be able to help our fellow Filipinos in this time of crisis. Let's all fill love for each other and positivity to overcome this crisis,” pahayag ng Regal Family sa statement na inilabas nila sa media.

Una na rito ay nag-donate ang ABS-CBN ng P100 million bilang tulong sa mga taong apektado ng Covid virus.

May ibang celebrities na rin na nagpahatid ng tulong tulad nina Bela Padilla.

Robib, patuloy ang gawa para sa mgakababayan
Samantala, ipinagtanggol naman ni Robin Padilla si Quezon City Mayor Joy Belmonte. Sabi ng action star, naniniwala raw siya kay Mayor Joy. Hindi naman daw lahat ng bagay (he probably meant modes of action) ay nakikita sa social media.

Silang dalawa raw ni Mariel, bukod sa pag-aayos ng kanilang mga empleyado, ay may ginagawa rin para sa ibang tao na hindi nila pino-post sa social media.

“Let’s give her a break. Iba-iba ang style ng mga mayor,” sabi pa ni Robin sa kanyang IG account.

Hindi naman siguro maba-bash si Mayor Belmonte kung may nakita ang mga taga-Quezon City na agarang action. Hindi naman kailangan na ilagay ito sa social media. Mas importante na nakikita ng mga tao na may kumikilos para maghandog ng tulong o kaya naman mayroon silang pwedeng makausap regarding any concern na apektado sila.

May ibang lugar pa rin na hindi nabibigyan ng tulong, not only in QC, but in other places as well. Gusto lang naman ng mga tao ng assurance na mayroon silang maasahan.




First Lady Lorna Tolentino, pakikialaman ang alitan nina Coco at Binoe

Lorna Tolentino, the troubleshooter



Hiningan ng kanyang opinyon si Lorna Tolentino tungkol sa hidwaan ngayon ng mga aktor na sina Robin Padilla at Coco Martin.


 Nagsimula ang lahat nang ilabas ni Robin via social media ang pagbuhos daw ng tubig ni Coco sa mga natutulog na talents ng programang FPJ's Ang Probinsyano.

 Sa paniniwala ni Lorna, iisa lang daw ang industriya bilang mga artista kaya dapat nagmamahalan sila at kung puwede ay protektahan mo ang kapwa artista mo.


Lorna is a peacemaker
"Para sa akin,kung kapwa mo artista dapat din proteksyunan mo, dapat mahalin mo rin.

"Kasi kung ano man yung mali o hindi maganda sa artista na yun, lalabas talaga,hindi mo matatago.

“Tama, huwag na nga sa kapwa mo artista mo manggaling," sey ni Lorna.
   
Dasal nga ni Lorna na magkaayos na balang-araw sina Robin at Coco dahil sila-sila rin daw ang magtutulungan balang-araw.

"Lahat naman ng nag-aaway na artista sa showbiz later on, nagkakabati kasi iisa lang ang linya ng trabaho.

 "So magkakaintindihan din 'yan. Sa ngayon siguro 'di pa sila nagkakausap, pero magkakaintindihan din sila eventually.

 “Sana merong tao na pwedeng pumagitna sa kanila para maging bukas yung isip nila at magkaintindihan."

*****

 Bilang pet owner, may connection si Carla Abellana sa emotions ng kanyang mga alagang aso.

Noong pumanaw ang pet dog niyang Corgi na si Sunny noong 2018, naiwan daw na mag-isa na lang ang isa pa niyang pet dog na si Patches na isang Jack Russel.
   Napapansin daw ni Carla na parating malungkot si Patches. Nawala na yung dating masigla at masaya niyang alaga.


Carla Abellana is a pet lover
Gumawa ng paraan si Carla at nag-ampon siya ng dalawang pet dogs para maging happy ulit si Patches.
  
Sa kanyang YouTube vlog, kinuwento ni Carla ang pag-adopt niya sa dalawang Aspin or Asong Pinoy. Pinangalanan niya itong Wing and Fly at galing sila sa pangangalaga ng PAWS o Philippine Animal Welfare Society.

Noong mauwi na raw niya sina Wing and Fly, medyo mahiyain pa raw sila pero hindi nagtagal ay lumabas ang pagiging playful nila at sumigla na agad ang alaga niyang si Patches dahil may mga bagong kalaro na ito.


*****