Sharon Cuneta, another victim of COVID-19 |
Dahil sa Covid-19 ay maraming trabaho ng mga artista ang
apektado. Tulad nalang ni Sharon Cuneta na hindi ligtas. Sa kanyang IG account ay ibinihagi ng
Megastar na by this time ay dapat nagso-shooting sila ng kanyang first movie
this year sa Denmark.
Kaya lang daw ay nagkaroon daw ng problema sa partner’s ng
producer ng Denmark film niya kaya the project was scrapped.
Dahil sa coronavirus shooting sa Denmark, delayed |
Sa presscon ng contract signing niya sa ABS-CBN last
January ay ibinalita ni Sharon na she is supposed to do four movies this year.
Dapat nga raw ay lima ito kaya lang under negotiation pa ang isang movie
project kaya di pa niya ito pwedeng banggitin.
Tapos hindi rin natuloy ang supposed to be concert tour
niya sa Australia. Pati ang US tour ng Iconic concert nila ni Regine Velasquez
ay posibleng hindi rin matuloy.
Gusto man daw niyang ituloy ang kanyang real estate
business ay hindi rin niya magawa dahil hindi naman siya pwede mag-ikot para
tumingin ng possible properties na pwede niyang bilhin and then sell later on.
Ayon pa kay Sharon, passion daw niya ang real estate na
natutunan niya sa kanyang yumaong ama. Kumita siya sa pagkanta at pag-aartista
pero ang yumaman siya sa real estate.
Sharon is urging everyone to pray na sana ay makatuklas na
ng gamot that can cure the Corona virus.
*****
Nag-donate ang Regal Entertainment ng one million pesos para
sa Covid-19 crisis through ABS-CBN.
“It is in our extreme consciousness to be able to help our
fellow Filipinos in this time of crisis. Let's all fill love for each other and
positivity to overcome this crisis,” pahayag ng Regal Family sa statement na
inilabas nila sa media.
Una na rito ay nag-donate ang ABS-CBN ng P100 million
bilang tulong sa mga taong apektado ng Covid virus.
May ibang celebrities na rin na nagpahatid ng tulong tulad
nina Bela Padilla.
Samantala, ipinagtanggol naman ni Robin Padilla si Quezon
City Mayor Joy Belmonte. Sabi ng action star, naniniwala raw siya kay Mayor Joy.
Hindi naman daw lahat ng bagay (he probably meant modes of action) ay nakikita
sa social media.
Robib, patuloy ang gawa para sa mgakababayan |
Silang dalawa raw ni Mariel, bukod sa pag-aayos ng kanilang
mga empleyado, ay may ginagawa rin para sa ibang tao na hindi nila pino-post sa
social media.
“Let’s give her a break. Iba-iba ang style ng mga mayor,”
sabi pa ni Robin sa kanyang IG account.
Hindi naman siguro maba-bash si Mayor Belmonte kung may
nakita ang mga taga-Quezon City na agarang action. Hindi naman kailangan na
ilagay ito sa social media. Mas importante na nakikita ng mga tao na may
kumikilos para maghandog ng tulong o kaya naman mayroon silang pwedeng makausap
regarding any concern na apektado sila.
May ibang lugar pa rin na hindi nabibigyan ng tulong, not
only in QC, but in other places as well. Gusto lang naman ng mga tao ng
assurance na mayroon silang maasahan.
No comments: