|
Si Kris Aquino mismo ang nagbalitang pagkagaling nila sa Boracay ay tumuloy sila sa bahay ng isang kaibigan na nagmagandang loob na ipagamit sa kanila ang isang spare room ng kanilang bahay para makapag isolate sila dahil nga may sakit si Bimby.
Under renovation pa kasi ang second floor ng bahay niya. Nag-offer din si Willie na puwede silang mag-stay sa bahay ng TV host pero nahiya naman siya at baka mahawa pa sa masamang ubo at pneumonia ang mga kasama sa bahay ni Willie.
Kris and Willie, pwede kaya? |
May mga nagtatanong kung pwede daw ba silang magkadebelopan? In fairness to the two, their is a genuine kind of friendship in a world where you seldom find one.
Laging sinasabi ni Kris na hindi siya ang type ni Willie at masaya siya na mahal ng TV host ang mga anak niya. And of course, that kind of care and concern also extends to her kaya ‘pag nasa alanganin si Kris, nandiyan si Willie para sa kanya. Walang romantic involvement. Mas bongga ‘yun, di ba?
Ganooond?
*****
Claudine Barretto and Rico Yan.Who can forget their love story, na kahit mga millenials ngayon eh knows si Rico kahit ilang This week, March 27 (Friday), death anniversary na ng aktor at siguradong may makikita na namang post ang fans ni Claudine tungkol sa ex-boyfriend niya.
Claudine and Rico |
Oh well, bakit nga ba to this day Claudine still can’t let go of Rico? Has she truly moved on or is it forever a love that she will only have in her memory? Such bittersweet sad ending.
*****
Sa panahon ng pangangailangan, doon mo makikilala kung sino ang tunay mong maaasahan.
That’s holds true for Pasig and Manila, two of the cities in Metro Manila that are always in the headlines not only because of the COVID-19 scare, but also because they have leaders that have set the bar too high for other to follow.
Mayor Vico Sotto snd Mayor Isko Moreno |
Kaya ang sabi ni Mayor Vico sa isang interbyu, wini-welcome niya ang mga ideyang ginagawa ng ibang syudad at kung ano rin ang maitutulong niya sa panahong ito, handa siyang gawin.
Si Mayor Isko naman, from day one pinakain na niya ng alikabok ang mga detractors niya. Siya mismo ang nagsu-supervise ng lahat para mapabilis ang pagpapatupad ng mga kailangan ng lungsod. ‘Yun na!
No comments: