Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Nora: Inayudahan si Boy Alano

Nora Aunor and Boy Alaga



July 16, Huwebes nang ipahanap ni Nora Aunor sa kaniyang staff ang dating aktor  ng Sampaguita Pictures na si Hernando Alano o mas kilala sa showbiz bilang Boy Alano. 

Nabalitaan kasi ng aktres ang hindi magandang kalagayan ni Boy at ito ay nag-alala. Kaya naman tuwang-tuwa siya nang makita siya ng kanyang staff. 

As usual, umandar na naman ang pagiging matulungin ni Nora kaya dali-dali niya itong pinadalhan ng tulong. 
Tumolong pa rin si Guy sa dating kasamahan
Sa Sampaloc Manila naninirahan ngayon ang dating aktor sa pangangalaga ni Kagawad Jojo Sacobo. Pansamantalang naninirahan ito sa kanyang tahanan dahil pinalayas daw siya sa kanilang bahay. 

Pera, damit, grocery items at bigas  ang ibinigay ng aktres. Bukod sa pagtulong niya sa dating kasamahan sa trabaho, nakinabang din ang ilang residente sa lugar ng relief goods na galing sa kanya.

Labis ang kaligayahan ni Boy at nagpapasalamat siya at naalala raw siya ng Superstar. Sa kuwento sa amin ng staff ng aktres ay naging emosyonal daw siya nang tanggapin ang ayuda mula sa kaibigan. 

Nakarating ito kay Nora at nangako na hindi ito ang huling pagbibigay niya ng tulong sa dating Sampaguita star. 
Si Boy ay dating kasamahan ni Guy sa Sampaguita Pictures
"Mabait si Boy at parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Noong nabalitaan ko ang nangyari sa kanya noon pa man pinahanap ko na siya. Wala lang makapagsabi kung saan siya nakatira," simula ng aktres nang makausap namin. 

"Maraming salamat sa Diyos at nahanap siya. Maraming salamat sa malaking tulong at hindi siya pinabayaan ni Kagawad JoJo Sacobo. Sana makatulong pa ako sa susunod."

May panawagan naman siya sa mga gustong tumulong pa kay Boy. 

"Ngayong may gustong tumulong kay Boy nakikiusap ako na huwag naman sana siyang pagsamantalahan ng ibang tao na malapit sa kanya. 
kinukupkop si Boy ng kagawad sa kanilang barangay
’’Nakikiusap ako na kung ano mang tulong ang maipaabot sa kanya ay sa kaniya na 'yun. Hayaan na nila kay Boy 'yon dahil hindi yon para sa kanila. Sana maintindihan nila."


Maraming pelikulang pinagsamahan sina Ate Guy at Boy Alano sa Sampaguita Pictures, Tower Productions at JBC Films  noong Dekada '70. Unang movie na pinagsamahan nila ay ang "Ang Pangarap Ko'y Ikaw" na ang mga bida sa pelikula ay sina Susan Roces at Eddie 
Gutierrez. 

Bukod pala kay Kagawad Jojo Sacobo, nagpapasalamat din ang aktres sa effort ng kanyang staff na si Jojo Afable at mga tagahanga at mga kaibigang sina Susan Bondoc at ang presidente ng NOW na si Edgar Castro. Of course, kay John Rendez din na kabahagi sa pagtulong ni Nora kay Boy Alano.

na nila kay Boy 'yon dahil hindi yon para sa kanila. Sana maintindihan nila."


Nora: Gagamitin kapag pinasok ang pulitika

Nora Aunor





 Hindi pabor ang fans ni Superstar Nora Aunor kung sakaling patulan ng aktres ang alok ng isang party list group na pumayag na maging sectoral representative.

Mas gusto raw nila na mapanood ang kanilang idol na umaarte sa harap ng kamera. Mas gusto nila na mapanood ito sa TV at sa pelikula.

Pakiramdam ng mga fans, gagamitin lang ng party list group si Ate Guy para makakuha ng sapat na boto para magkamit ng pwesto sa Kongreso. 

Nora, future kongresista?
Majority ng mga tagahanga ng aktres na nag-comment sa aming nasulat tungkol sa posibleng pagkandidato ni Ate Guy ay hindi pabor sa pagpasok ng premyadong aktres sa politika.

Ang inaabangan nila ay kung matutuloy bang ipalabas sa mga sinehan ang Isa Pang Bahaghari, na entry sa naudlot na First Summer Metro Manila Film Festival.

Sa ngayon ay wala pang anunsiyo o abiso man lang ang Metro Manila Development Authority o MMDA kung ano ang kanilang plano sa mga entries na kanilang napili para sa naudlot na SMMFF 2020.

Dapat lang na may statement ang MMDA kung ano ang plano nila sa entries which were chosen sa SMMFF. Siyempre naghihintay ang mga film producers kung matutuloy pa ba ang summer festival or hindi na.

Ang tanong din ng marami ay-- kung sakaling makasenla na tuluyan ang summer MMFF, yun bang entries na napili ng Execom ay magiging awtomatikong entries ng December MMFF in case there will be one.

Kailan kaya  maipapalabas ang pelikula ni Nora?
May commitment ang MMDA sa mga producers whose movies were chosen as entries. The producers should not be kept in the dark kung ano ba ang plano ng MMDA sa kanilang mga pelikula.

Nag-anunsiyo ka na may festival, tumanggap ka ng entries at nag-announce ng finalists. Nagkaroon man ng pandemya, duty-bound ang MMDA na inform ang mga producers kung ano na ba ng kanilang balak gawin sa entries chosen as finalists.

Nakatali ang kamay ng mga producers dahil walang pasabi ang MMDA kung ano ang susunod na hakbang nila matapos pumutok ang COVID-19. 

*****

As of now ay sarado pa ang mga sinehan. Hindi pa rin pwede ang large gatherings sa mga sinehan dahil baka magkahawaan ng virus.

Pinaka-hardest hit ng pandemic ang entertainment sector dahil maraming tao ang nawalan ng hanapbuhay. 

Sad ang nangyari sa comedy bars ni AK
Isinara na permanently ni Allan K ang mga comedy bars na Klownz at Zirkoh after three months of non-operation. Kaya mas lalong dumami ang nawalan ng trabaho.

Nakalulungkot na walang maayos na plano ang gobyerno para tugunan ang problema ng kawalan ng trabaho dulot ng pandemya. Walang masakyan ang mga gustong pumasok sa trabaho.

Mas gusto pa ng gobyerno na ipasa ang Anti-Terror bill kaysa tugunan ang malawakang problema sa employment at transportation.

Saan na kaya tayo pupulutin pagkatapos ng pandemya?


Nora Auor: Isang Anti-Terror Act Advocate

Nora Aunor





  Hinihimok daw ng isang party list si Superstar Nora Aunor na kumandidatong senador sa Halalan 2020.

May lumabas na balita na tatakbo raw senador ang multi-awarded actress at People’s National Artist kaya may tinanong kami na isang malapit kay Ate Guy kung totoo ito.

Ayon sa aming nakausap, may isang party list group raw na lumapit sa actress para kumbinsihin ito na tumakbong senador. 


Nora Aunor

Pero hindi raw totoo na sumagot na si Ate Guy sa offer. Pinag-iisipan muna raw ng aktres kung papayag siya sa alok na muling pumalaot sa politics.

Years back ay tumakbong vice governor si Ate Guy sa probinsiya kung saan siya’y isinilang. Sad to say, hindi nagwagi ang aktres.

Iba naman ang panahon ngayon at iba noon pero tama naman ang desisyon ni Ate Guy na pag-isipan muna kung dapat ba niyang patulan ang alok ng party list.

Pero natutuwa kami dahil may comment si Ate Guy sa issue ng Anti-Terrorism Act na isinusulong para maging batas.

Marami na ang nag-comment na hindi ito dapat pumasa dahil may mga panukala sa nasabing batas na labag sa karapatang pantao (human rights).

“Sa panahon ngayon na sobrang paghihirap ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan na marami ang nagkakasakit, nawawalan ng trabaho at walang makain ay sana huwag muna madalin ang pagpapasa ng anti-terrorism bill. Magandang mapag-aralan muna itong mabuti para masiguradong hindi nga ito lalabag sa mga karapatang pantao ng mamayang Pilipino,” pahayag ni Ate Guy nang hingan ng komento tungkol sa anti-terrorism bill.

Saludo kami kay Ate Guy sa pagiging mulat niya sa mga issue sa lipunan na posibleng makaapekto sa mga mamamayang Pilipino.


 *****

Si Judy Ann Santos ang nagwaging Best Actress sa Gawad Tanglaw para sa pelikulang Mindanao ni Brillante Mendoza.

Ito ang ikalawang best actress award ni Juday for Mindanao. She won Best Actress sa 2019 Metro Manila Film Festival last December.

Judy Ann Santos

Gagawin ang Gawad Tanglaw sa isang by-invitation-only awards night sa September.
Si Allen Dizon, lead actor ng Mindanao, ang hinirang na Best Actor ng Gawad Tanglaw, katabla si Jansen Mampusao, ang bida ng John Denver Trending.

Best Film ang John Denver Trending na entry sa Cinemalaya last year. Best Director si Arden Rod Condez, of John Denver Trending.


Best Supporting Actress si Dimples Romana sa Persons of Interest while Best Supporting Actor si Joross Gamboa for Hello, Love Goodbye.

Hindi pa natin alam kung magkakaroon ng GEMs Awards, Famas Awards at Urian Awards this year. Una na nag-anunsiyo ang Eddys na hindi sila magbibigay ng award. So that is one less possible best actress win for Juday.

Nakatanggap naman ng Jury Award for Best Performance si Ms Iza Calzado for Culion and Pandanggo sa Hukay. 

Nora Aunor, ang pinaka-dakilang aktres sa Pilipinas

Nora Aunor



 And just like that,we are on the 65th day of the quarantine season.  From its enhanced to modified to general qualifiers, can we all spot the difference? Or we are all sounding like the proverbial broken records of yore because what we observe and express in our respective media platforms are all falling on deaf ears even if we repeat our sentiments over and over again.
May 21 is Nora Aunor's birthday
Majority continue to be careless, callous and undisciplined, only thinking of themselves and satisfying their immediate wants.  People in power keep on croaking that there are no funds available for mass testing and everyone gets their biggest headaches and stomach upsets due to the fact that so many billions from World Bank, Asian Development bank, and other international financial institutions plus the P275 billion from Congress are now supposedly gone with the wind and gone in 60 seconds. As to the how and why it is no longer available is a mystery bigger than the disappearing airplanes and ships that cross the mythical Bermuda Triangle. All we can now is to roll our collective eyes in exasperation knowing that we will never get to read a document made public that contains the whereabouts of all these aids, grants and loans.


Kaya kesa maimbiyera pa tayo in a major, major way, mas mabuti pang i-selebra na lang natin ang makasaysayang araw na ito, ipagbunyi ang natal day ni Ms. Nora Aunor, ang nag-iisang superstar, ang People’s National Artist.

In na at super relevant pa rin si Ate Guy nowadays dahil nga kamakailan, naging fundraiser para sa frontliners ang “Gabi ng Himala,” kung saan ang pelikula nila ni direk Ishmael Bernal, ang hindi makalilimutan niyang pag ganap bilang Elsa at ang sitwasyon sa fictional barrio that was Cupang was not only dissected and proclaimed as an important sampling of the finest cinematic creation of Bernal and Aunor, ang dami ring artista ang nag-acting exercise at binigyang interpretasyon ang iconic “Walang Himala” monologue ni 

Aunor. Kung sino ang may best version sa mga bagong gunawa? Bahala na kayo diyang magkagulo. Hahahaha.

Catch Nora on YouTube tonigh at 6:00pm for her mono-vlog
Ngayong mismong kaarawan niya, eksaktong 6pm., sa YouTube channel ng Tanghalang Pilipino, mapapanood ang Philippines’ greatest actress sa isang mono-vlog na pinamagatang "Lola Doc." 

Walang duda na masterclass in acting na naman ito,mula sa kanyang mga mata na that always speaks in volumes, mahusay na pagbibitaw at pagbigkas ng linya at emotional commitment na bigyang buhay ang kanyang ginagampanan. Kaya sa mga gustong may matutuhan what is the essence of real acting, huwag kaligtaan panoorin.


Kahit ako taga-hanga nina Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano, sa kanilang huling apat na 

reyna sa showbizlandia, di tulad ng ibang fans, bukal sa puso ko ang pagtanggap na sa kanilang apat, si Nora Aunor talaga ang pinaka-mahusay sa aktingan. Siya talaga ang epitome of being a best actress.

Sa mga hindi nanalig, lalo na nga’t available naman yata ang mga sumusunod sa mga social media film platforms, for your viewing pleasure at tiyak mabubura ang pagdududa niyo sa igting at galing ni Aunor, hahangaan niyo siya bilang mayaman at glamorosang si Adora sa Leroy Salvador’s Beloved. Mas lalo niya kayong pahahangain bilang si Magnolia dela Cruz sa Elwood Perez’s “Bilangimn Ang Mga Bituin Sa Langit” at maliban kay Elsa sa Himala, ang karakter niyang si “Bona” sa direksyon ni Lino Brocka, pati na rin si Esther sa “Ina Ka ng Anak Mo,” ewan ko na lang kung hindi pa kayo makumbinsi sa katotohanang sakdal husay ang Superstar!

Happy birthday Ms. Nora Aunor. Abang na abang na ang lahat na maipalabas ang “Isa Pang Bahagari.”

Nora: Mayroong regalo sa kanyang birthday

Nora Aunor



 Sa darating na May 21 ay kaarawan ng Superstar na si Nora Aunor. Wala siyang selebrasyon pero may inihanda siyang regalo sa publiko at sa kanyang mga tagasuporta.

Ito ay isang monovlog na pinamagatang  "Lola Doc" na mapapanood sa Tanghalang Pilipino Youtube channel na ginawa para sa multi-awarded actress para sa kanyang special day.  Kuwento ito  ng isang  babae na nawalan ng asawa sa gitna ng isang krisis  at kung paano haharapin ang sakit at pagsubok na dumating sa kanyang buhay.




Napakahalaga ng proyektong ito kay Nora  dahil ginawa rin ito para sa kawanggawa. Gusto kasi ng aktres at ng bumubuo ng produksiyon na makatulong sa mga frontliners na naapektuhan dulot ng Covid-19.

"Sana po maraming sumuporta sa "Lola Doc". Ito po ay alay namin sa lahat ng frontliners at iba pang mga kababayan natin na patuloy na nagsasakripisyo at nagbubuwis ng kanilang buhay para matulungan po ang mga mahal nating kababayan lalo na po ang lahat na mga mahihirap  na  naapektuhan  at patuloy na naaapektuhan pa rin po ng lockdown dahil sa Covid-19," sabi ng aktres.
Nora, excited sa gagawin para sa mga frontliners


Hinihiling niya na magsilbi na sanang regalo sa kanyang kaarawan ang pagsuporta rito. Bilang ramdam ang epekto ng epidemyang dumating sa atin ay palagi siyang nanalangin sa Diyos na matapos na ang krisis na ito at bumalik na sa normal ang lahat.

"Sama-sama  po tayong humingi ng awa at panalangin sa ating PANGINOON na nawa'y  matapos na po ang mga pagsubok na ito sa sanlibutan lalo na po sa ating bansa nang sa ganoon po ay bumalik na sa normal ang buhay po nating lahat.

"Panalangin po ang pinakamabisang sandata para malabanan po natin ang giyerang ito sanhi ng covid 19."

Labis din ang pakikiramay niya sa mga pamilyang naulila at nabiktima ng Covid-19.

"Nakikiramay rin po ako sa lahat ng pamilya na naiwanan po ng kanilang mga mahal sa buhay sa panahong ito ng krisis. Ako ay lubos na nalulungkot," pahayag pa ng aktres.



Sanya Lopez: Dahil NBSB, certified virgin pa rin

Sanya Lopez



 Dream come true kay Sanya Lopez ang makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor. Nang mainterbyu namin sa pictorial ng pelikulang "Isa Pang Bahaghari" kamakailan ay kinuwento niya ang naging working relationship niya sa magaling na aktres.

"Sobrang  saya. Sobrang  professional. 'Pag acting, prepared talaga siya. Kaba at na-intimadate ako," tsika niya.

Working with Nora is a dream come true for Sanya
"Hindi ko man mapantayan , mapalapit  man lang sa akting ni Ate Guy. Bilib ako sa kanya. Walang kaarte-arte. Sana balang araw maging katulad din niya ako,"
sey  pa niya.

Bukod kay Nora, hinangaan din niya ang beteranong aktor na si Philip Salvador sa maganda nitong pakikisama.  Napaka-sweet daw ni Kuya Ipe sa lahat. Pakiramdam ni Sanya ay anak siya ng aktor sa totoong buhay.

Nanghihinayang naman siya sa hindi pagkakatuloy ng Summer Metro Manila Film Festival dahil sa Covid 19.

"Sa umpisa medyo nalungkot po kasi at last maipapalabas na sana ang Bahaghari pero since para sa kabutihan po natin ang pagkakaroon ng ECQ kaya naiintindihan ko naman po.
No boyfriend since birth, kumpirmado that she's a virgin
"May pinagdadaanan kasi na krisis ang bansa natin. Pag maayos na ang lahat ay tiyak na matutuloy na ang pagpapalabas po ng pelikula namin."

Sa kanya namang personal na buhay, sinabi ng young actress na zero pa rin ang lovelife niya.

"Siguro dahil baka hindi pa po talaga dumadating yung taong ma-iin love po ako. Gusto ko po kasi i-take  advantage ang mga panahong ito na nabibigyan ako ng magandang opportunity dito po sa showbiz.

"Alam ko po na darating din po yon in God’s time. Ibibigay din ni God ang mamahalin ko at mamahalin din ako ng lubos."

After Bona: Philip at Nora magsasama

Philip Salvador



Kahit second choice lang sa pelikulang "Isa Pang Bahaghari" ang veteran actor na si Philip Salvador ay sobrang happy siya sa kinalabasan nito. Una, muli silang nakagawa ng pelikula kasama si Nora Aunor. Nang inalok nga sa kanya ang movie ay na-excite siya agad. 

"Tatlo pa lang yung sinabi sa casting , na-excite ako," tugon ng aktor nang makausap namin sa pictorial ng pelikula bago mag-lockdown. 

Kuya Ipe with Nora Aunor
Aminado si Kuya Ipe na kinabahan siya bago pa ang shooting ng pelikula.

"Pagdating ko nung first shooting day, sabi ko direk alalayan mo lang ako kasi matagal akong di nasalang," saad niya. 


The actor with Michael de Mesa and Ate Guy
"Nanibago talaga ako. Sabi ko alalayan niya ako, sabi niya magtigil ka dyan. Huling movie ko Adolf Alix movie. Masaya naman. Ginrant ko na rin yung oppurtunity kasi gusto ko na rin umarte," dagdag niya. 

Sinabi pa ng magaling ding aktor na hanga siya sa pagiging professional ng mga kabataang artista ngayon. Puring-puri niya sina Zanjoe Marudo, Joseph Marco at Sanya Lopez na mga gumanap na anak niya sa pelikulang ""Isa Pang Bahaghari" na dinirek ni Joel Lamangan under Heaven's Best Entertainment. 


Nora, may ibang talent pa

Nora Aunor



Bukod sa page-enjoy sa panonood ng tv at favorite movies niya, abala rin lagi sa pag-aayos ng bahay ang Superstar na si Nora Aunor.

Mahilig kasi maglinis at mag-decorate ng bahay ang aktres. Isang bagay na hinangaan namin sa kanya bukod sa pagiging mahusay niyang artista.

Mayroong talent si Nora sa interior design
Hindi graduate ng interior design ang Supertar, pero magaling siya mag-ayos at alam niya kung saan dapat ilagay ang mga gamit na maganda at pleasant tingnan sa mata..

Sa pakikipag-usap namin sa kanya, inamin niyang nami-miss na niyang mag-taping. Natutuwa nga siya dahil consistent sa taas ng rating ng kanilang teleseryeng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA 7.

Nalungkot naman siya sa hindi pagkakatuloy ng unang Summer Metro Manila Film Festival. Dagdag niya, baka raw may magandang nakalaan para rito.

"Sa sarili kong opinyon tama lang na hindi natuloy ang film festival nitong darating na April dahil sa pangyayari ngayon," sey niya.

"Ang saya sana dahil ready na akong sumakay ng float pero hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Nalungkot man ako pero wala naman ibang choice," dagdag niya.


Dahil sa COVID-19, postponed ang showing ng pelikula ng aktres





Yes! Noranian ako!

Nora Aunor as Best Actress for the First Summer MMFF?



Growing up in a family full of Vilmanians, my late paternal grandmother and the sister of my father are all Vilmanians. My first movie was “Lipad, Darna, Lipad.” In high school, having studied in all boys Catholic academy, my young gay friends and I naturally gravitated and loved Sharon Cuneta, especially in “Dear Heart” and her other bubble gum movies produced by Viva Films when Cuneta was always affluent, baby talked, donned the latest Christian Espiritu pret-a-porter collection and yes, her yaya for ages, was always the sosyalin Suzanne Gonzales. 
Matav pa lang ni Nora, talo na ang kalaban

Si Nora Aunor, kahit alam kong karibal ni Vilma Santos, at nagpang-abot ang landas ng mga karera nila nina Sharon, isama na rin natin si Maricel Soriano, nakilala ko lang ang husay at natatanging galing noong napanood ko ang Ishmael Bernal’s “Himala” sa Pelikula at Lipunan, isang proyekto ng Mowelfund dati na pinondohan ng National Commission for Culture and the Arts.

Simula noon, dahil na rin sa mga NCCA funded festival, napanood ko ang kadikalaan ni Aunor bilang aktres at manghang-mangha ako sa husay niya sa “Bona,” “Ina Ka ng Anak Mo,” “Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit,” “Merika” at ang pinaka-personal favorite movie ko ni Aunor, ang “Beloved,” kung saan mayaman ang kanyang katauhan, naka-postura palagi at nakikipag-talbugan sa isa ko pang paboritong aktres, si Ms. Hilda Koronel.

Ngayon, matapos kong mapanood ang patikim para sa bago niyang pelikulang “Isa Pang Bahaghari,” na isinulat ni Eric Ramos, sa direksyon ni Joel Lamangan at isa sa kasali sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival (SMMFF), vintage Nora Aunor na talagang sakdal husay ang bumabalandra.


Nora Aunor and her co-stars in Isa Pang Bahaghari
Sa unang eksena pa lang nila ni Philip Salvador kung saan pinagtatabuyan niya ito at nakasaklay pa man din, hanggang sa mapasigaw ang kanyang katauhan ng “Hayop! Hayop!!!” walang kaduda-duda na she is the actress to beat sa kategoryang pinakamahusay na pangunahing aktres.

Kahit pa nga Vilmanian at Sharonian ako
sa puso, hindi ko pwedeng itanggi at sobrang magihing sinungaling ang inyong Showbiz Blah!kolumnista kung hindi ko aaminin na si Nora Aunor ang pinakamahusay pag dating sa pag-arte sa huling apat na reyna sa showbizlandia.

After Nora siempre ang tatlo pang reynang sina Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano. At sigurado ang inyong lingkod na kahit na ang Star For All Seasons, Megastar at Diamond Star, maluwag nilang tinatanggap na si Aunor talaga ang pinaka-dakilang aktres sa kanilang huling mga reyna sa pinalakang tabing.


Maricel Soriano and Sharon Cuneta
Ang mga all time Vilma Santos favorite movies ko ay ang pinagbidahan niyang pelikula na si the late great Ishmael Bernal ang director, “Relasyon,” “Broken Marriage,” at “Pahiram ng Isang Umaga.” Bet na bet ko rin si Santos sa “Sister Stella L,” “Anak” at “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?

Kay Soriano, kay galing-galing niya sa “Ikaw Lang Ang Minahal,” “Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin,” “Dahas,” “Separada” at “Saan Darating Ang Umaga.”

Kay Sharon, siempre pa, “Dear Heart,” “Bituing Walang Ningning,” “Madrasta,” “Nang Iniwan Mo Ako,” at “Crying Ladies.”

Umaasa ako na marami ang manonood sa “Isa Pang Bahaghari” ni Nora Aunor at nawa, may mga millennial na siya rin ay idolohin, tingalain at gawing huwaran at inspirasyon  pag dating sa larangan at propesyon ng pag-arte.

Mapalad tayo na ang huling apat na reyna, sina Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano, ay nandiyan pa para tayo ay paligayahin at pahangaing pang lalo sa mahuhusay nilang pag-ganap.