|
Bukod sa page-enjoy sa panonood ng tv at favorite movies niya, abala rin lagi sa pag-aayos ng bahay ang Superstar na si Nora Aunor.
Mahilig kasi maglinis at mag-decorate ng bahay ang aktres. Isang bagay na hinangaan namin sa kanya bukod sa pagiging mahusay niyang artista.
Mayroong talent si Nora sa interior design |
Sa pakikipag-usap namin sa kanya, inamin niyang nami-miss na niyang mag-taping. Natutuwa nga siya dahil consistent sa taas ng rating ng kanilang teleseryeng Bilangin ang Bituin sa Langit sa GMA 7.
Nalungkot naman siya sa hindi pagkakatuloy ng unang Summer Metro Manila Film Festival. Dagdag niya, baka raw may magandang nakalaan para rito.
"Sa sarili kong opinyon tama lang na hindi natuloy ang film festival nitong darating na April dahil sa pangyayari ngayon," sey niya.
"Ang saya sana dahil ready na akong sumakay ng float pero hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Nalungkot man ako pero wala naman ibang choice," dagdag niya.
Dahil sa COVID-19, postponed ang showing ng pelikula ng aktres |
No comments: