Nora Aunor |
Hinihimok daw ng isang party list si Superstar Nora Aunor na kumandidatong senador sa Halalan 2020.
May lumabas na balita na tatakbo raw senador ang multi-awarded actress at People’s National Artist kaya may tinanong kami na isang malapit kay Ate Guy kung totoo ito.
Ayon sa aming nakausap, may isang party list group raw na lumapit sa actress para kumbinsihin ito na tumakbong senador.Nora Aunor |
Pero hindi raw totoo na sumagot na si Ate Guy sa offer. Pinag-iisipan muna raw ng aktres kung papayag siya sa alok na muling pumalaot sa politics.
Years back ay tumakbong vice governor si Ate Guy sa probinsiya kung saan siya’y isinilang. Sad to say, hindi nagwagi ang aktres.
Iba naman ang panahon ngayon at iba noon pero tama naman ang desisyon ni Ate Guy na pag-isipan muna kung dapat ba niyang patulan ang alok ng party list.
Pero natutuwa kami dahil may comment si Ate Guy sa issue ng Anti-Terrorism Act na isinusulong para maging batas.
Marami na ang nag-comment na hindi ito dapat pumasa dahil may mga panukala sa nasabing batas na labag sa karapatang pantao (human rights).
“Sa panahon ngayon na sobrang paghihirap ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan na marami ang nagkakasakit, nawawalan ng trabaho at walang makain ay sana huwag muna madalin ang pagpapasa ng anti-terrorism bill. Magandang mapag-aralan muna itong mabuti para masiguradong hindi nga ito lalabag sa mga karapatang pantao ng mamayang Pilipino,” pahayag ni Ate Guy nang hingan ng komento tungkol sa anti-terrorism bill.
Saludo kami kay Ate Guy sa pagiging mulat niya sa mga issue sa lipunan na posibleng makaapekto sa mga mamamayang Pilipino.
*****
Si Judy Ann Santos ang nagwaging Best Actress sa Gawad Tanglaw para sa pelikulang Mindanao ni Brillante Mendoza.
Ito ang ikalawang best actress award ni Juday for Mindanao. She won Best Actress sa 2019 Metro Manila Film Festival last December.
Judy Ann Santos |
Gagawin ang Gawad Tanglaw sa isang by-invitation-only awards night sa September.
Si Allen Dizon, lead actor ng Mindanao, ang hinirang na Best Actor ng Gawad Tanglaw, katabla si Jansen Mampusao, ang bida ng John Denver Trending.
Best Film ang John Denver Trending na entry sa Cinemalaya last year. Best Director si Arden Rod Condez, of John Denver Trending.
Best Supporting Actress si Dimples Romana sa Persons of Interest while Best Supporting Actor si Joross Gamboa for Hello, Love Goodbye.
Hindi pa natin alam kung magkakaroon ng GEMs Awards, Famas Awards at Urian Awards this year. Una na nag-anunsiyo ang Eddys na hindi sila magbibigay ng award. So that is one less possible best actress win for Juday.
Nakatanggap naman ng Jury Award for Best Performance si Ms Iza Calzado for Culion and Pandanggo sa Hukay.
No comments: