Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » » » » » Patricia Tumulak: EB segment host nag-launch ng "Push to Read" Project

Patricia Tumulak




 Unang nakilala si Patricia bilang beauty queen noong 2009 sa Miss Earth Philippines at nakamit nya ang titulong Miss Earth Philippines-Fire. Sumali din sya sa Binibining Pilipinas noong 2011 at umabot sa top 10 kung saan si Shamcey Supsup ang kinatawan ng Pilipinas noon sa Miss Universe.

PatriciaTumulak

Mas nakilala si Patricia bilang HBD girl noong 2015 sa Eat Bulaga kung saan binabati niya ang mga birthday celebrators araw-araw. Pinasok din nya ang pag-arte at lumabas siya sa iba't-ibang teleserye ng Kapuso Network tulad ng Contessa,  Inagaw na Bituin, Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko at Magkaagaw.

Patricia together with her Eat Bulaga co-hosts

In 2018 naging host din siya sa Wowowin pero hindi siya nagtagal after seven months of the same years dahil sinimulan niya ang kanyang "Push To Read" project kung saan tinitipon niya ang mga bata mula sa iba't ibang villages at pinapakita niya ang importansiya ng pagbabasa.

In one for her "Push to Read" Project
Last year, panibagong career na naman ang tinahak ni Patricia ng alukin siya ng GMA Kapuso Foundation at ibigay ang task ng Kapuso School Development sa kanya. Para sa kaalaman ng nakararami, si Patricia ay nakapagtapos ng kursong Child Development and Education Minor in Special Education at naging volunteer teacher. Ayon mismo kay Patricia ay hilig na niya ang pagtuturo kahit noong pa siya ay bata pa kaya masaya siya na naibigay sa kanya ang proyekto ukol sa Edukasyon. Naisagawa ni Patricia ang "Push to Read" school tour noong 2019.

Ngayong 2020, ni-launch niya ang kanyang Youtube channel para sakanyang advocacyn na "Push To Read" para mas maikalat pa ang halaga ng pagbabasa sa ating mga kabataan sa kabila ng ating teknolohiya. Isa din itong 
paraan para maibalik ang hilig ng mga bata sa pagbabasa para mapalago nila ang bokabularyo.


Suportahan natin ang ganitong klase ng advocacy para sa ating mga kabataan. Subscribe na kayo sa "Push To Read" YT channel at sama-sama tayo magbasa.



«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply