Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Marian Rivera at Kris Bernal: Tuloy pa rin ang gawa sa panahon ng pandemya

Marian Rivera and Kris Bernal



 Sa latest video ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera makikitang isa siyang proud mom sa masipag niyang panganay na si Zia Dantes.

Sa IG story ng aktres, ipinakita niyang naghuhugas ng kubyertos ang anak na naka-suot pa ng cute na pink apron.
The mother-daughter team of Marian and Zia

Marami ang humanga kay Marian sa paggamit ng panahon na ito para turuan ang mga anak niya ng mga gawaing bahay.

Kinuwento ni Marian sa online All-Out Sundays show na may sistema silang sinusundan ngayon sa bahay.

"Dinivide namin 'yung araw into three. So halimbawa sa morning, time for learning. Tapos sa afternoon, time for play. Tapos sa gabi, 'yan na 'yung bonding namin."


*****
Dahil sa pagbabalik-ere ng Wish Ko Lang muling nagkatrabaho ang magkaibigang sina Aicelle Santos at Maricris Garcia. 

Maricris ans Aicelle
Ang dalawang Kapuso singers kasi ang kumanta ng theme song ng GMA Public Affairs program na bumalik noong July 11.

Sey ni Aicelle na happy at excited siya sa kanilang collaboration ni Maricris kahit na di sila personal na nagkita at nakapag-record together dahil na rin sa COVID-19.

“Sobrang happy and at the same time na-excite kasi I get to sing with Maricris again. Sa iba nga lang na set-up kasi magre-record kami sa kani-kaniyang bahay namin.” 

Sey naman ni Maricris tungkol sa theme song ng Wish Ko Lang: “‘Yung every word, every lyric na nandoon, very specific. Simpleng-simple, madali siyang maintindihan. Catchy rin 'yung melody niya.” Nakatutuwa rin na sabay na ipinagbubuntis nina Aicelle at Maricris ang kanilang first baby ngayong 2020. 

 *****
Kris, helping small online businesses
 Good samaritan si Kris Bernal sa kapwa niya nagma-manage ng mga negosyo na humaharap sa krisis ngayong may COVID-19 pandemic. Sa Instagram post, ikinuwento niya na naglalaan siya ng panahon upang tulungan ang mga lumalapit sa kanya na small business owners. “I've been taking on some free small business shout outs to help out anyone whose business has been struggling during these times. I take my support seriously - with setup! Lol! Ang hirap din maging food blogger! Anyway, I do this to match the business owner's efforts." Ramdam kasi ni Kris ang hirap na dinaranas ngayon ng mga katulad niyang may negosyo. 

*****
Exciting adventures at interesting interviews mula sa local heroes ang hatid ng award-winning infotainment show na Amazing Earth sa kanilang bagong episodes na mapapanood simula July 26 sa Kapuso Network.

Dingdong is back on TV with Amazing Earth
Matapos ang ilang buwan, may handog na fresh content ang host ng programa na si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa kanilang viewers. 

Isa rito ang eksklusibong panayam ni Dingdong sa isang Pinoy student na nananatili sa Wuhan, China at inabutan ng lockdown noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Alamin ang naging karanasan niya sa loob ng naturang lockdown na tumagal ng 60 days. Sundan din ang nakaka-amaze na kuwento ng mga hayop mula sa Indian subcontinent sa bagong series ng BBC na ‘Hidden India.’

Samahan si Dingdong na tuklasin ang natatagong ganda ng ating mundo sa bagong episodes ng Amazing Earth simula July 26, 5:25PM, sa GMA Network! 

Patricia Tumulak: EB segment host nag-launch ng "Push to Read" Project

Patricia Tumulak




 Unang nakilala si Patricia bilang beauty queen noong 2009 sa Miss Earth Philippines at nakamit nya ang titulong Miss Earth Philippines-Fire. Sumali din sya sa Binibining Pilipinas noong 2011 at umabot sa top 10 kung saan si Shamcey Supsup ang kinatawan ng Pilipinas noon sa Miss Universe.

PatriciaTumulak

Mas nakilala si Patricia bilang HBD girl noong 2015 sa Eat Bulaga kung saan binabati niya ang mga birthday celebrators araw-araw. Pinasok din nya ang pag-arte at lumabas siya sa iba't-ibang teleserye ng Kapuso Network tulad ng Contessa,  Inagaw na Bituin, Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko at Magkaagaw.

Patricia together with her Eat Bulaga co-hosts

In 2018 naging host din siya sa Wowowin pero hindi siya nagtagal after seven months of the same years dahil sinimulan niya ang kanyang "Push To Read" project kung saan tinitipon niya ang mga bata mula sa iba't ibang villages at pinapakita niya ang importansiya ng pagbabasa.

In one for her "Push to Read" Project
Last year, panibagong career na naman ang tinahak ni Patricia ng alukin siya ng GMA Kapuso Foundation at ibigay ang task ng Kapuso School Development sa kanya. Para sa kaalaman ng nakararami, si Patricia ay nakapagtapos ng kursong Child Development and Education Minor in Special Education at naging volunteer teacher. Ayon mismo kay Patricia ay hilig na niya ang pagtuturo kahit noong pa siya ay bata pa kaya masaya siya na naibigay sa kanya ang proyekto ukol sa Edukasyon. Naisagawa ni Patricia ang "Push to Read" school tour noong 2019.

Ngayong 2020, ni-launch niya ang kanyang Youtube channel para sakanyang advocacyn na "Push To Read" para mas maikalat pa ang halaga ng pagbabasa sa ating mga kabataan sa kabila ng ating teknolohiya. Isa din itong 
paraan para maibalik ang hilig ng mga bata sa pagbabasa para mapalago nila ang bokabularyo.


Suportahan natin ang ganitong klase ng advocacy para sa ating mga kabataan. Subscribe na kayo sa "Push To Read" YT channel at sama-sama tayo magbasa.



Janine: Gandang takot sa ECQ

Janine Gutierrez





Bilang isang celebrity, aminado ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez na hindi siya sigurado kung paano aasal noong unang idineklara na sasailalim ang ilang bahagi ng bansa sa enhanced community quarantine.

Janine Gutierrez
Dahil dito, nag-social media hiatus siya nang isang buwan para manatiling sensitibo sa pinagdaraanan ng bansa at ng mga tao. 

“I was so careful with what to post, what to say kasi I didn't wanna be insensitive. Eventually, I started posting again on Instagram, realizing nga na parang hindi pa ito matatapos. We have to adjust to this new normal.”

Naniniwala siyang may responsibilidad ang bawat artista o celebrity na maging sensitibo lalo na sa panahong marami ang nahihirapan.

"I think one of the roles is, first of all, to just really be sensitive and to use whatever platform you have to spread information. 

“In a way, lahat tayo parepareho ng pinagdadaanan. It's just nice to be able to talk to people now. I know a lot of people may feel isolated, being away from their families so na-e-enjoy ko din 'yung konting chika sa Instagram or sa Twitter. I just try to be there.”


*****

Masayang binalita ng Kapuso singer na si Maricris Garcia na sa wakas ay buntis na siya.

Pinost ng 2010 Pinoy Pop Superstar grand champion sa kanyang Instagram ang pregnancy stick na nagpapatunay na positive ang pregnancy niya.

Maricris Garcia
Matagal ngang hinintay at pinagdasal ni Maricris at ng kanyang mister na si TJ Cruz ang moment na ito simula noong kinasal sila in 2016.

“Walang mapagsidlan ang aming tuwa! Sa wakas, dininig Niya ang matagal na naming dasal. Ngayon palang mahal na mahal na kita," caption pa ng singer.

Nakatanggap ng maraming congratulatory messages si Maricris mula sa kantang mga celebrity friends tulad nila Yasmien Kurdi, Ruru Madrid, Max Collins at mula sa kanyang best friend na si Aicelle Santos.

Mensahe pa ni Aicelle: “This makes me soooo happy teh. Love you!"

*****

Kahit nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang ilang parte ng bansa, masiglang umaga naman ang hatid ng Kapuso Network sa pinakabago nitong morning programming line-up.

Pia Arcangel
At 6:00 AM, tutukan ang mga latest updates tungkol sa COVID-19 at ilan pang kaganapan sa bansa sa paboritong morning barkadahan ng Unang Hirit. 

Ang exciting adventures ni Jackie Chan at ng kanyang pamangkin sa animated series na Jackie Chan Adventures tuwing 8:00AM. 

Mas masayang bonding time naman with the kids ang hatid ng pagbabalik ng paboritong educational program na Art Angel tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes at 8:25 AM.

Arts and crafts nina Pia Arcangel, Tonipet Gaba at Krystal Reyes, tuwing Martes at Huwebes naman ay science experiments dala nina Chris Tiu at kwelang tambalan ng Moymoy Palabay ng iBilib ang mapapanood. 

Matapos ang bonding time with kids, masayang chikahan 


naman with celebrity mommies na sina Camille Prats at Iya Villania ang hatid ng Mars Pa More tuwing 8:45AM. 

Beat the cabin fever at tutok na sa mas pinasaya at pinasiglang morning programs sa Kapuso Network.


Angel at John Lloyd: Lilipat sa Kapuso Network

Angel Locsin and John Lloyd Cruz





 Nine days from now, we will all know if the whole of National Capital Region and other key cities will have a change in quarantine status. If you are regular news followers, the digits being announced continue to escalate and the idea of “flattening the curve” continues just to be an idea, if not a dream which as of the moment, is too difficult to realize.

All the prayers for an antidote, cure and vaccine have not been heard. Pitiful to view long queues from different parts of the metro with people, unmindful of the stifling heat and hunger just to get the social amelioration package promised to them and one wonders why it is taking ages to be What is most baffling and upsetting for most, the prevailing perception that crystal and concrete plans from the gobiyerno nacional on how to put an end  to the pisting veerus and the manner on how they speed up the giving of assistance, not just to the descamisados and the outcasts, but to all the hundred and million Filipinos who are bracing this situation of biblical proportions, are nowhere to be read, heard and found.

Para maalis ang bagot, dismaya at imbiyerna, ang tanong ng bayan, sino-sino kaya sa mga ka-Dos ang magsisi-alsa ballutan sa Mother Ignacia station  at magkakandirit papunta sa Kamuning network?


Atom Araullo, happy sa GMA
Ilan sa mga dating taga-Dos na nailigtas ang kanilang sarili sa delubyo ay si papable papa Derek Ramsay, ang kinapopootan ni direk Mike de Leon, ang newscaster at heart throbbish documentarian Atom Araullo, ang starlets na forever is not sa kanilang pagiging starlets, sina Kisses Delavin at Myrtle Sarrosa, ang mga nakaka-elyang sina Jon Lucas at Paul Salas and how true, nakapag-balik loob nga ba si Rufa Mae Quinto bago maganap ang mga dapat maganap?


Angel, hindi nag-renew ng kontrata sa Kapamilya Network
Kahit cry me a river si Angel Locsin sa nangyari sa Dos at nakikipag-sagutan pa siya sa bashers sa social media tungkol sa sitwasyon ng ABS-CBN, hindi maitatanggi na she is no longer under contract with the network. Hindi siya pumirma ng bagong contract.

May gift of foresight ba ang sinasabing best Darna ever at kung saka-sakaling magbabalik Kapuso siya, malulumbay ba ang kanyang mga panatiko at nenerbiyusin ang reyna – reynahan ngayon sa Kamuning na si Marian Rivera-Dantes in case Locsin wants her former throne? Imposible bang talikuran ni Angel ang Dos o highly probable na magbalik siya sa Siyete? Ang pangmalakasang tanong, may offer ba?

Ang actor in sabbatical at Kapamilya drama king, si John Lloyd Cruz, matagal na ang bulong-bulungan mula sa mga dalahira at katkatera na diumano, may standing offer ang mga ka-Siyete sa mahusay na actor?

Panahon na ba para kay Lloydie na iwan ang network na kanyang kinalakihan, iwan ang ala-ala nila ni Ellen Adarna sa Mother Ignacia at ipadama sa lahat na wala pa rin talaga siyang kupas sa aktingan at GMA 7 is the new network where he truly belongs?

Dimples,biktima ng playtime
May larawan si Dimples Romana, naka-red dress at hila-hila ang kaniyang luggage, in full Daniela Mondragon mode, na ang drama, nasa harap ng istasyon sa Kamuning? Paglalaro lang ba ito mula sa mga walang magawa at matataba ang utak, o talaang mag-oober da bakod na ang mahusay na aktres?

Well, kung may lilipat ngang mga taga-Dos sa GMA 7, buhay na patotoo na naman ito na sa showbizlandia, walang permanent friends or enemies, ang loyalties talaga maaring mabago, once you toss the proverbial money coin.


Dayanara Torres: Ligtas sa cancer

Dayanara Torres




 Masayang binalita ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres na tapos na ang pinagdadaanan niyang cancer treatment.

Sa huling check-up nga raw ni Yari, negative na siya sa anumang cancer cells.

February 2019 nang unang isiwalat ni Yari na na-diagnose siya with skin cancer. 

“For a year, I’ve been battling cancer. It was found last year. It was out of the blue. I was working. I was being a judge on a show which is like ‘Dancing with the Stars’ in Spanish, flying every week at the beginning of the year. The next morning, I found out it was cancer.

Dayanara is now cancer free


“I started treatment for a year and I thank the Lord and everyone for all the prayers. It’s amazing the amount of love and support that I received.

“Last week, on Monday, I had my last test to just check if there’s anything kind of like left over hanging around, and everything was negative." 

Nagpasalamat si Yari sa kanyang longtime friend na si Pops Fernandez na lagi siyang kinukumusta simula noong magkaroon siya ng sakit. Kelan lang ay nagkasama via sa isang live online show.

Nangako si Yari na kapag nawala na ang COVID-19 pandemic, nais niyang bumisita ulit sa kanyang tinuturing na second home, ang Pilipinas.

*****

Dahil sa ECQ (enhanced community quarantine) sa Metro Manila, naging tahimik lang ang 46th birthday celebration ni Sheryl Cruz.

Nagpasalamat si Sheryl sa mga bumati, nagpadala ng roses at gifts sa kanyang birthday last April 5.

“My heartfelt gratitude for all your thoughtful messages for my natal day. See you all soon on the small screen courtesy of my Kapuso family. Abangan niyo po kami sa Magkaagaw.”

Sheryl is a Hot 46!
Sobrang nami-miss naman ni Sheryl ang kanyang daughter na si Ashley na naka-base ngayon sa US dahil sa pag-aaral nito. Pinagdarasal ng aktres na ligtas at healthy ang kanyang anak kahit na magkahiwalay sila.

Dasal din ni Sheryl ang kaligtasan ng maraming tao sa buong mundo at sana'y makahanap na ng cure sa COVID-19.

“I pray that the advancement of Science and Technology, the advancement of proper medication, as well as immunization are achieved likewise battle and keep us safe from the new types of viruses coming our way."

*****

Pampawala ng bagot at pampa-good vibes ang mga videos nila Barbie Forteza at Jak Roberto na naka-upload sa YouTube.

Marami ang natatawa sa naging bakasyon nila noong nakaraang December 2019 sa Niseko, Japan kunsaan naka-experience sila ng snow.

Jak and Barbie
Lahat ng puwedeng nilang gawin sa snow ay hindi nila pinalagpas kaya marami ang aliw-aliw sa mga reactions ni Barbie at natatawa rin sa kanya ang boyfriend niyang si Jak.

Sa sobrang sweet nga raw nila ay napagkamalan sila roon na mag-asawa ng kanilang naging tour guide. 

Masyado raw kasing maalaga si Jak pagdating kay Barbie, kaya tuwing may makakasalubong sila, napapangiti sa ginagawa nila dahil para silang mag-asawa in real life.

Anyway, muling pinapalabas ang teleserye kunsaan nagsimula at nabuo ang relasyon nila Barbie at Jak na Meant To Be.

Bekihan Serye: James, Ivan, Alden, Derrick, pak na pak!

James-Ivan and Alden-Derrick





Now that we are on the 24th day of the enhanced community quarantine, and yes, the date of its lifting is very near, are we all excited by it? Or the reports that it will be extended to another two weeks, are we welcoming this development with open arms and hearts, and purses, wallets and savings account screaming for help and mercy?
         
Hanggang wala pa ang sagot sa tanong at haka-haka pa lamang ang extension, ang buong fuerza ng sangkabekihan, isama na  natin ang mga kababaihang may likas na kaharutan, at idagdag na rin natin ang mga pamhinta na mahilig rin sa kapwa nila pamhinta, maliban sa mga dance video ni DJ Loonyo na marami ang giliw na giliw at elyang-elya sa kanyang mga pag-giling, paglabas ng dila, at pagsapo sa kanyang crotch habang umiindak, haling na haling rin ngayon ang nasabing demographic sa isang Thai boy love drama, ang 2geder na pinagbibidahan nina Win Metawin Opas-iamkajorn bilang si Tine at si Bright Vachirawit Chivaaree na ang katauhan naman ay si Sarawat. Sa true, papable kung papable ang dalawa at talaga namang super eye-candies ang mga Bangkok-based artistang mga ito.

Bonggang pairing for an M2M serye on free television
Isang malaking industriya ang boy love dramas sa Thailand, hindi lang sa bansa nila ang following, pang-international ang reach, sangrekwa ang mga product endorsement ng BL actors at ito ngang pagsasama nina Win at Bright, laging inaabangan tuwing Biyernes ng gabi sa YouTube at usap-usapan palagi ng lahat sa nanalig sa a different kind of love na celebrated at highlighted sa 2geder at iba pang BL dramas.
         
Thus I cannot help but wonder, panahon na ba  para magkaroon ng Pinoy boy love drama? Kung ang My Husband’s Lover dati, eh bonggang-bongga ang pagtingkilik at pagmamahal, sa BL drama kaya, mas lalong maging mainit at maigting ang pagtanggap?
         
Sa Kapamilya male stars, para sa inyong Showbiz Blah! columnist, ang best bets para sa isang boy love drama ay sina James Reid at , keri rin sa equation sina Donnie Pangilinan at Markus Paterson.
          
Best friends for real sina Reid at Dorschner, literal na parehong magandang lalaki. If they will not mind being touchy-feely and will not squirm sa mga lip locking sequences, raise to the roof ang kilig at elyang hatid nila.
         
Best of friends: James and Ivan
Si Donnie at Markus, are like the young new altas. Mga Igliserong totoo, cosmopolitans at sophisticates kaya, sharing a bromosexual relationship with sexually fluidity as an add on feature to their characters, this duo, tiyak sobrang believable.
          
Kung hindi lang kilig at may hatid na pang-hebigat na acting showdowns at laplapang alam mong pwede kang mag-init,  JM de Guzman at Carlo Aquino can surely bring the wallop.
        

Sa Kapuso stars,  sina Alden Richards at Derrick Monasterio ang best bets for a BL drama kasi  pinaka-hottest at most beautiful male actors sa Kamuning station. May urban legend pa about the two na maaring mabuhay muli ang bangkay at mapagtanto kung totoo nga ba ang lahat o biru-biruan at tsismis na walang basehan mula sa mga mapaglarong imahanisyan ng mga katkatera at dalahira?

Excited to see Aden and Derrick in a beki serye

Ang dati pang bagay na bagay na since Destiny Rose days pa nila, sina Ken Chan at Jeric Gonzales, will surely make a lovely and super kilig to the bones BL pairing.

May network nga kaya o film production outfit na mag-gamble sa isang BL drama? Kaabang-abang, hindi ba naman?


Kim Chiu: Pinagdududahan

Kim Chiu





Kapamilya actress Kim Chui seems to have recovered from the shooting incident that almost killed her and two of her other companions (her PA and driver) almost three weeks ago in Quezon City. In a You Tube video released by Kim, she said it was confirmed to her that it was a case of mistaken identity and the bullets were not meant for them.

Laking pasasalamat ni Kim dahil iniligtas sila sa kapahamakan at naniniwala ang aktres, ito ay milagro mula sa Panginoon. Days before she spoke up, Kim acted normal after the incident happened.


Kumbaga, ipinaubaya na niya ang lahat sa awtoridad. At dahil sa pagbuhos ng pagdamay at pagmamahal ng kapamilya’t kaibigan niya, she was able to move on fast. Pero may ilang tila hindi nasiyahan. There were some netizens that would write nasty comments at nagpaparinig pa about “tamaan ng bala” and something to that effect to get Kim’s attention or to make her feel upset. Why do you like to make others feel bad? Gosh.


At para matuludukan na nga ang issue, naglabas si Kim ng You Tube video para marinig naman ang kanyang saloobin.

Anyway, kilala si Kim sa pagiging matulungin at involved sa charity work. By way of thanksgiving for sparing their lives, namahagi si Kim ng relief goods sa mga nawalan ng trabaho sa kalapit na barangay ng village nila dahil sa Enhance Community Quarantine na ipinatupad para maiwasan ang pagkalat ng Covid -19. Keep it up, Kim!


*****

Being home quarantined hasn’t stopped celebrities from doing their jobs.

Patunay lang dito ang pag-eere ng mga news at TV shows kahit “work from home” ang mga artista at broadcasters. May kanya-kanyang style mapa Zoom man yan, FB live or You Tube para ma-share sa televiewers ang saya at impormasyong kailangang malaman lalo na sa gitna ng COVID-19 scare at nationwide lockdown.


Toni and Alex Gonzaga, tumulong sa apektado ng lockdown
Also, the stars from Kapamilya and Kapuso networks have united as one in extending help to our kababayans who are greatly affected by the lockdown.

Ilan sa mga nag-donate ay sina Angel Locsin, Willie Revillame, Kris Aquino, Coco Martin, Judy Ann Santos, Dingdong Dantes, KC Concepcion, Ara Mina, Aiai delas Alas, Richard Quan, Toni and Alex Gonzaga at marami pang iba. Walang maliit o malaking tulong sa panahong nangangailangan ang higit na nakararami.

What’s important is we have the heart to give and care to those who have less.



*****

Sarah and Matteo: Love na love ang isa't isa
After being married for a month now, Matteo Guidicelli and his wife Sarah Geronimo-Guidicelli are enjoying their honeymoon stage. Sa totoo lang, I’ve never seen Sarah so beautiful and glowing, ngayon lang. Iba talaga ang nagagawa ng love, in fairness, for some po hahaha!

Kaya ayan, may mga nagtatanong kung preggy na raw ba si Sarah o balak na nila magka-baby?


Well, mas okay ‘yung enjoyin muna nila ‘yung buhay mag-asawa na sila lang, di ba?

Ang mahalaga, they now have each other to face whatever it is that life may bring- ke maganda o hindi. Hmmn, ano kaya ang say ni Mommy Divine na blooming si Sarah sa piling ni Matteo? Charot!.

Korina Sanchez, naaaliw kina Pepe n' Pilar

Korina with twins Pepe and Pilar



 Stop muna ang mga morbid stories about COVID-19.Pa-good vibes naman tayo so that our Showbiz Blah followers ay makabasa naman ng positive stories  from showbiz celebrities.
                 

Tulad ng journalist-broadcaster na si Korina Sanchez kung saan ibinahagi niya ang video ng kambal nila ng ex-politician Mar Roxas na sina Pepe at Pilar.
                 
Tuwang-tuwa si Korina habang kinukunan ng video ang kawa-one year old pa lang na twins nila ngn husband na si Mar.
                 
Caption ni Korina sa video: “Now they walk into the room! Palakpakan.” bSuper bonding ang mag-iina dahil sa enhance community quarantine.
                 
Nag-umpisang kunan ni Korina ng video sina Pepe at Pilar the day when the ECQ (Enhanced Community Quarantine) ay pina-implement ni President Duterte.
                 
Step by step ay kinukunan niya ang kambal kung papanong very eager na makapaglakad ang mga ito.
                

Kuwento ni Korina: "For months, Pepe and Pilar would knock on the sliding door from their nursery into the bedroom. Well, milestone alert: Now they walk into the room! Palakpakan!"

                
Enjoy na enjoy si Korina habang pinapanood sina Pepe at Pilar sa paggapang ng mga ito at unti-unting tatayo para makalakad.“ I love to watch the twins get up on their feet,” sabi ng ina.

*****
Very happy si Matteo Guidicelli dahil first time niya nagcelebrate bilang mister ng Pop Royalty Sarah Geronimo.

Sa pag-open ni Matteo ng kanyang IG account ang nakita niya agad ay ang post sweet birthday greetings ng kanyang misis.
                 
“Happy Birthday to my loving and caring husband!!” sa mismong socmed ni Matteo.
                  
Birthday cake for Sarah's husband
Na-touch si Matteo at ang akala niya ay hinack ni Sarah ang kanyang account para doon siya i-greet ng happy birthday.

Mensahe ni Matty: “First birthday with you as your husband and I will forever cherish.

Matteo added: “Family, friends, loved ones and everyone out there, thank you very much for the greetings! God bless us all. Stay safe everyone.”  
                

*****

Nagsama ang ABS-CBN at GMA star para gawin ang music video na “We Heal As One.”
Ang music video ay dinerehe ni Frank Lloyd Mamaril.
         
Ang “WHAO” ay isang inspirational song na produced ng isang community group para ma-inspire ang mga Pinoy “to come together and contribute in the fight against COVID-19,” ayon sa grupo.

Ang nasabing kanta ay revival  sa official theme song ng 2019 SEA Games na "We Win As One” kung saan si Maestro Ryan Cayabyab ang nag-compose na ang lyrics ay sinulat ni Direk Floy Quintos.
           
Alden Richards
Kasama ang mga artista at mg singers na sina Lani Misalucha, Apl de Ap, Lea Salonga, Gary Valenciano, KZ Tandingan, Jamie, Rivera, Martin Nievera. Pops Fernandez, Sarah Geronimo, Menchu Lauchengco, Jed Madela, Robert Seña, Isay Alvarez, Ogie Alcasid, Iñigo Pascual,  Michael Williams, Bamboo at Paolo Valenciano, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Christian Bautista, Mark Bautista, Rita Daniela at Ken Chan.
Paliwanag ng organizer:"It is our collective hope that the new lyrics reflect a timely and humane artistic response to the war we all must win together.”