|
Stop muna ang mga morbid stories about COVID-19.Pa-good vibes naman tayo so
that our Showbiz Blah followers ay makabasa naman ng positive stories from showbiz celebrities.
Tulad ng
journalist-broadcaster na si Korina Sanchez kung saan ibinahagi niya ang video
ng kambal nila ng ex-politician Mar Roxas na sina Pepe at Pilar.
Tuwang-tuwa si
Korina habang kinukunan ng video ang kawa-one year old pa lang na twins nila ngn husband na si Mar.
Caption ni Korina
sa video: “Now they walk into the room! Palakpakan.” bSuper bonding ang
mag-iina dahil sa enhance community quarantine.
Nag-umpisang kunan
ni Korina ng video sina Pepe at Pilar the day when the ECQ (Enhanced Community Quarantine) ay pina-implement ni President Duterte.
Step by step ay
kinukunan niya ang kambal kung papanong very eager na makapaglakad ang mga ito.
Kuwento ni Korina: "For months, Pepe and Pilar would knock on the sliding door
from their nursery into the bedroom. Well, milestone alert: Now they walk into the room!
Palakpakan!"
Enjoy na enjoy si
Korina habang pinapanood sina Pepe at Pilar sa paggapang ng mga ito at
unti-unting tatayo para makalakad.“ I love to watch the twins get up on their
feet,” sabi ng ina.
*****
Very happy si Matteo Guidicelli dahil first time niya nagcelebrate bilang mister ng Pop Royalty Sarah Geronimo.
Sa
pag-open ni Matteo ng kanyang IG account ang nakita niya agad ay ang post sweet
birthday greetings ng kanyang misis.
“Happy
Birthday to my loving and caring husband!!” sa mismong socmed ni Matteo.
Birthday cake for Sarah's husband |
Na-touch
si Matteo at ang akala niya ay hinack ni Sarah ang kanyang account para
doon siya i-greet ng happy birthday.
Mensahe ni Matty: “First birthday with you as your husband and I will forever
cherish.
Matteo added: “Family,
friends, loved ones and everyone out there, thank you very much for the
greetings! God bless us all. Stay safe everyone.”
*****
Nagsama ang ABS-CBN at GMA star para
gawin ang music video na “We Heal As One.”
Ang
music video ay dinerehe ni Frank Lloyd
Mamaril.
Ang
“WHAO” ay isang inspirational song na produced ng isang community group para
ma-inspire ang mga Pinoy “to come together and
contribute in the fight against COVID-19,” ayon sa grupo.
Ang nasabing
kanta ay revival sa official theme song
ng 2019 SEA Games na "We Win As One” kung saan si
Maestro Ryan Cayabyab ang nag-compose na ang lyrics ay sinulat ni Direk Floy
Quintos.
Alden Richards |
Paliwanag ng organizer:"It
is our collective hope that the new lyrics reflect a timely and humane artistic
response to the war we all must win together.”
No comments: