|
Nagbigay ng kanyang opinyon ang Descendants of the Sun PH star na si Jennylyn Mercado hinggil sa VIP testing para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na kinakaharap ngayon ng ating bansa.
"Hindi po kami magsasawang uliting sabihin na sana dumami na ang mga test kits na ipapamahagi ng ating gobyerno sa medical community para mas madaming ma-test na nangangailangan nito," sey pa ng Kapuso Ultimate Star.
Jennylyn Mercado, doing her role as a celebrity |
Dagdag pa ni Jen: “At habang limited pa ito, lahat sana ay sundin ang guidelines. No one is exempted. Pantay-pantay po tayo. Muli po naming pinapaala doon sa mga taong may power o pribilehiyo na maging “VIP” na 'wag ninyo unahin ang inyong pangpersonal na interes."
*****
Habang ang ilan ay nag-e-enjoy na magpahinga sa kani-kanilang tahanan simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine noong nakalipas na linggo, nag-share naman ang Kapuso star na si Klea Pineda na miss niya na raw ang magtrabaho.
Klea Pineda |
Sa kanyang Instagram post, sinabi ng StarStruck 6 Ultimate Female Survivor at Magkaagaw star na hindi raw ito sanay na nasa bahay lamang kaya nami-miss na nitong umarte sa telebisyon.
Sa kabila ng kinahaharap na krisis ng buong mundo, pinaalalahanan pa rin ni Klea na maging positibo ang lahat.
“Looking at the brighter side of this quarantine... we get to spend more time with our loved ones, nakakatuwa na sabay sabay kami kumakain sa hapag kainan. Matagal ko na rin sila hindi nakakasama dahil nasa trabaho ako,” caption pa niya.
Agree ang maraming netizens sa sinabi ni Klea at kahit daw miss na rin nila ang mga kapana-panabik na eksena sa top-rating GMA series na Magkaagaw, mabuti rin na gamitin ang pagkakataong ito upang makipag-bonding sa family.
Habang on season break ang Magkaagaw, pansamantalang mapapanood ang highest rating daytime teleserye na Ika-6 Na Utos bilang kapalit ng Magkaagaw tuwing hapon sa GMA Afternoon Prime.
No comments: