Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Angel at John Lloyd: Lilipat sa Kapuso Network

Angel Locsin and John Lloyd Cruz





 Nine days from now, we will all know if the whole of National Capital Region and other key cities will have a change in quarantine status. If you are regular news followers, the digits being announced continue to escalate and the idea of “flattening the curve” continues just to be an idea, if not a dream which as of the moment, is too difficult to realize.

All the prayers for an antidote, cure and vaccine have not been heard. Pitiful to view long queues from different parts of the metro with people, unmindful of the stifling heat and hunger just to get the social amelioration package promised to them and one wonders why it is taking ages to be What is most baffling and upsetting for most, the prevailing perception that crystal and concrete plans from the gobiyerno nacional on how to put an end  to the pisting veerus and the manner on how they speed up the giving of assistance, not just to the descamisados and the outcasts, but to all the hundred and million Filipinos who are bracing this situation of biblical proportions, are nowhere to be read, heard and found.

Para maalis ang bagot, dismaya at imbiyerna, ang tanong ng bayan, sino-sino kaya sa mga ka-Dos ang magsisi-alsa ballutan sa Mother Ignacia station  at magkakandirit papunta sa Kamuning network?


Atom Araullo, happy sa GMA
Ilan sa mga dating taga-Dos na nailigtas ang kanilang sarili sa delubyo ay si papable papa Derek Ramsay, ang kinapopootan ni direk Mike de Leon, ang newscaster at heart throbbish documentarian Atom Araullo, ang starlets na forever is not sa kanilang pagiging starlets, sina Kisses Delavin at Myrtle Sarrosa, ang mga nakaka-elyang sina Jon Lucas at Paul Salas and how true, nakapag-balik loob nga ba si Rufa Mae Quinto bago maganap ang mga dapat maganap?


Angel, hindi nag-renew ng kontrata sa Kapamilya Network
Kahit cry me a river si Angel Locsin sa nangyari sa Dos at nakikipag-sagutan pa siya sa bashers sa social media tungkol sa sitwasyon ng ABS-CBN, hindi maitatanggi na she is no longer under contract with the network. Hindi siya pumirma ng bagong contract.

May gift of foresight ba ang sinasabing best Darna ever at kung saka-sakaling magbabalik Kapuso siya, malulumbay ba ang kanyang mga panatiko at nenerbiyusin ang reyna – reynahan ngayon sa Kamuning na si Marian Rivera-Dantes in case Locsin wants her former throne? Imposible bang talikuran ni Angel ang Dos o highly probable na magbalik siya sa Siyete? Ang pangmalakasang tanong, may offer ba?

Ang actor in sabbatical at Kapamilya drama king, si John Lloyd Cruz, matagal na ang bulong-bulungan mula sa mga dalahira at katkatera na diumano, may standing offer ang mga ka-Siyete sa mahusay na actor?

Panahon na ba para kay Lloydie na iwan ang network na kanyang kinalakihan, iwan ang ala-ala nila ni Ellen Adarna sa Mother Ignacia at ipadama sa lahat na wala pa rin talaga siyang kupas sa aktingan at GMA 7 is the new network where he truly belongs?

Dimples,biktima ng playtime
May larawan si Dimples Romana, naka-red dress at hila-hila ang kaniyang luggage, in full Daniela Mondragon mode, na ang drama, nasa harap ng istasyon sa Kamuning? Paglalaro lang ba ito mula sa mga walang magawa at matataba ang utak, o talaang mag-oober da bakod na ang mahusay na aktres?

Well, kung may lilipat ngang mga taga-Dos sa GMA 7, buhay na patotoo na naman ito na sa showbizlandia, walang permanent friends or enemies, ang loyalties talaga maaring mabago, once you toss the proverbial money coin.


Vin Abrenica: Apektado ang trabaho

Vin Abrenica




 Kapamilya hunk Vin Abrenica was launched a few a months ago as the newest endorser of an intimate apparel for men.

He was beaming with excitement dahil ito ang unang major endorsement na alok sa kanya.
“Lahat ng first time natin ay special – first love, first kiss, first taste of ice cream and first endorsement. It feels great na I was given this chance to endorse a popular intimate apparel brand. Dreams do come true talaga,” said the younger brother of Aljur Abrenica.


Vin, katawang yum-yum
“I prayed for this. I have been working out every day, ipinagdarasal ko talaga ito. I am very thankful to the trust that Hanford has given me. I hope makatulong ako sa success ng kompanya.

Excited si Vin na maglibot ng malls para i-promote ang bago niyang endorsement. Pero dumating na parang bangungot ang Covid 19 pandemic. Bawal ang social gatherings tulad ng mga mall shows. Apektado ang pagrampa sa stage ni Vin to promote the intimate apparel brand.

Pero hindi naman nawawala ang kanyang pag-asa na one of these days, kapag pwede na, ay magkakaroon na rin siya ng chance to sing onstage.

Nami-miss na rin ni Vin ang taping ng A Soldier’s Heart, ang action serye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.

Kahit na hindi pa masyadong expanded ang kuwento ng character niya sa series (na nahinto ang telecast at taping dahil sa enhanced community quarantine, humanga naman si Vin sa dedikasyon ng mga sundalo sa kanilang tungkulin.


Vin with his co-stars in A Soldier's Heart

“It’s amazing na iiwan nila ang family nila para magtrabaho para makatulog tayo nang mahimbing. Iniiwan nila ang taong mahal nila para mabantayan tayo, protektahan tayo, ang bawat Pilipino. Ganoon kaimportante ang trabaho ng mga sundalo.”

“Working with Gerald is an experience. Alam niya kung paano kami atakihin pagdating sa role. We are seven guys na iba’t-iba ang personality so alam niya kung paano niya kami kausapin lahat.”

Binanggit pa ni Vin na perfect na perfect si Gerald sa role nito bilang leader ng 7-man squad.

Katulad ng iba niyang co-stars sa A Soldier’s Story, naghihintay pa rin ng go signal si Vin kung kailan ang resumption ng kanilang taping.


With girlfriend Sophie Albert

Dahil nagpapatupad na ang pamahalaan ng general community quarantine kung saan possible ng payagan ang tapings ng TV shows at shooting ng pelikula, inaabangan kung sino kaya ang mangangahas na mag-iskedyul na ng taping or shooting.

Marami pa rin ang nangangamba sa GCQ dahil wala pa naman vaccine na natutuklasan for Covid 19. Kung sakaling may taping na, kaya ba ng mga artista at production crew na mag-practice ng social distancing.

Mas maganda siguro na may matuklasang munang lunas for Covid-19 bago isaisip ng mga TV stars at crew na magbalik na sila sa trabaho.




Ivana Alawi: Sexy body na pwede pagkakitaan

Ivana Alawi and sister Mona Louise Rey




 Last Tuesday, muling nagpost ang sexy actress Ivana Alawi  ng kanyang vlog kung saan gumawa sila ng kanyang younger sister, Mona Louise Rey, ng ‘Mukbang’ challenge.


Tanong ng kanyang kapatid, “Magkano ang sweldo mo sa YouTube?”

Sagot ni Ivana: “Hindi ako magbibigay ng specific na amount kasi may mga videos na lumalabas na pwede kang kumita ng 5-6 digits per video, hindi totoo guys.”

Dugtong pa niya, “May lumabas kasi na video parang ‘ay si Ivana kumita siya ng P1M dahil sa 5 millions views niya.’”

Hindi raw totoo ‘yun.


Kaseksihan na nilalako sa YouTube

In-explained din ng younger sister ni Ivana na may mga several factors na kino-consider para kumita ng malaki sa YouTube.

“Hindi naman totoo yung sinasabi nila na every 1 million views kikita ka ng this amount. Hindi siya ganun. Per ad siya, per view, kung gaano katagal pinapanood ng tao, alin ‘yung ad, kung magcli-click sila,” paliwanag ni Mona.

Dugtong naman ni Ivana, kailangan din daw ng patience. “Patience rin kasi sa YouTube kaya kapag sumali ka sa pera, I don’t know, I think huwag na lang,” sambit ng sexy actress.


Tatalbugan ka sa kinikita ni Ivana online
Walang exact amount na binanggit si Ivana ng kinikita niya as a YouTuber.
Hanggang 6 digits lang daw ang nakukuha niya.

“Hindi siya totoo na parang kumikita ka ng 1M per day.”

Sinabi rin ni Ivana na hindi niya ginagastos ang kinikita as a YouTuber.

“Pambibili ko yun ng bahay ni mama,” aniya.

Seven month pa lang ang tinatagal ng kanyang YouTube channel, pero may 6 million na siyang subscribers.

Ang the best na pinapanood ng viewers sa kanyang vlog ay ang ‘A Day In My Life” na umabot na sa 20 million views mula ng kanyang ipost.

By the way, ang soon-to-be teleserye ni Ivana sa Kapamilya Network  ay malapit nang mapanood titled “Ligaya”  kung saan kapareha ang actor na si Kit Thompson.



Sunshine Cruz: Dahil sa COVID-19 may binalikan

Sunshine Cruz with her Tres Marias





Since most of us are cooped up in our homes as it is forbidden to go out because of the existing lockdown (which has been extended until the end of April), we can try to be productive in our own little way. Since we have a lot of time in our hands, we can certainly find things to do while at home. Or we can start a hobby we have been putting off, or do something that we’ve always wanted but don’t have the time for it.

Sunshine Cruz has certainly found something she loves doing and that is cook for her children.

“Cooking is one thing I haven’t done so often since 2013. Kaya ngayon na mas marami akong oras, naipapagluto ko ng breakfast, lunch and dinner ang mga anak ko. And they always look forward sa susunod na araw dahil ipagluluto ko ulit sila. Namiss nila ang mga recipes ko,” said the sexy actress na mainstay ng afternoon drama na “Love Thy Woman” sa ABS-CBN.


Sunshine bonding with her daughters
Basically, mas maraming bonding time since Sunshine with her daughters kasama na ang kasama ang panonood ng movies, kwentuhan and exercising with them.

Lahat naman ng ating mga trabaho ay naapektuhan ng Covid-19. Nag-stop ang taping nina Sunshine for Love Thy Woman and she is looking forward na to resuming taping once tapos na ang lockdown. 




May pending TVC shoot din with one of her daughters which was also cancelled, pati na rin ang series of shows for a casino. All of these were rescheduled.


“Nakakapanghinayang din pero alam ko naman na andyan lang ang work. Babalik din sila. Sa ngayon ang mahalaga maging safe ang lahat at wala ng magkasakit at mamatay. Work can wait. Mas mahalaga ang safety at health sa ngayon kaya kailangan mag sacrifice muna,” said Sunshine.

Cooking is bonding time with her daughters
Kapag natapos na ang lockdown, plano ni Sunshine na dalhin ang mga anak sa beach kahit two days. Extra bonding bago siya bumalik sa trabaho and her girls sa school.

Kahit na may video naman, Sunshine is looking forward to seeing her mom and her sister in the flesh. “Iba pa rin yung personal ko silang makasama at mayakap,” said the beautiful single mom.

How has this lockdown affected you in a major way?

“This crisis made my faith stronger. Att grabe ang paghanga ko now sa ating mga frontliners who are sacrificing their lives to help us. Mas mahalaga ang buhay ng tao dahil kahit anong ganda o mahal ng material na bagay, walang value yun kung mawawala ang mga mahal mo sa buhay,” she shared.



Bekihan Serye: James, Ivan, Alden, Derrick, pak na pak!

James-Ivan and Alden-Derrick





Now that we are on the 24th day of the enhanced community quarantine, and yes, the date of its lifting is very near, are we all excited by it? Or the reports that it will be extended to another two weeks, are we welcoming this development with open arms and hearts, and purses, wallets and savings account screaming for help and mercy?
         
Hanggang wala pa ang sagot sa tanong at haka-haka pa lamang ang extension, ang buong fuerza ng sangkabekihan, isama na  natin ang mga kababaihang may likas na kaharutan, at idagdag na rin natin ang mga pamhinta na mahilig rin sa kapwa nila pamhinta, maliban sa mga dance video ni DJ Loonyo na marami ang giliw na giliw at elyang-elya sa kanyang mga pag-giling, paglabas ng dila, at pagsapo sa kanyang crotch habang umiindak, haling na haling rin ngayon ang nasabing demographic sa isang Thai boy love drama, ang 2geder na pinagbibidahan nina Win Metawin Opas-iamkajorn bilang si Tine at si Bright Vachirawit Chivaaree na ang katauhan naman ay si Sarawat. Sa true, papable kung papable ang dalawa at talaga namang super eye-candies ang mga Bangkok-based artistang mga ito.

Bonggang pairing for an M2M serye on free television
Isang malaking industriya ang boy love dramas sa Thailand, hindi lang sa bansa nila ang following, pang-international ang reach, sangrekwa ang mga product endorsement ng BL actors at ito ngang pagsasama nina Win at Bright, laging inaabangan tuwing Biyernes ng gabi sa YouTube at usap-usapan palagi ng lahat sa nanalig sa a different kind of love na celebrated at highlighted sa 2geder at iba pang BL dramas.
         
Thus I cannot help but wonder, panahon na ba  para magkaroon ng Pinoy boy love drama? Kung ang My Husband’s Lover dati, eh bonggang-bongga ang pagtingkilik at pagmamahal, sa BL drama kaya, mas lalong maging mainit at maigting ang pagtanggap?
         
Sa Kapamilya male stars, para sa inyong Showbiz Blah! columnist, ang best bets para sa isang boy love drama ay sina James Reid at , keri rin sa equation sina Donnie Pangilinan at Markus Paterson.
          
Best friends for real sina Reid at Dorschner, literal na parehong magandang lalaki. If they will not mind being touchy-feely and will not squirm sa mga lip locking sequences, raise to the roof ang kilig at elyang hatid nila.
         
Best of friends: James and Ivan
Si Donnie at Markus, are like the young new altas. Mga Igliserong totoo, cosmopolitans at sophisticates kaya, sharing a bromosexual relationship with sexually fluidity as an add on feature to their characters, this duo, tiyak sobrang believable.
          
Kung hindi lang kilig at may hatid na pang-hebigat na acting showdowns at laplapang alam mong pwede kang mag-init,  JM de Guzman at Carlo Aquino can surely bring the wallop.
        

Sa Kapuso stars,  sina Alden Richards at Derrick Monasterio ang best bets for a BL drama kasi  pinaka-hottest at most beautiful male actors sa Kamuning station. May urban legend pa about the two na maaring mabuhay muli ang bangkay at mapagtanto kung totoo nga ba ang lahat o biru-biruan at tsismis na walang basehan mula sa mga mapaglarong imahanisyan ng mga katkatera at dalahira?

Excited to see Aden and Derrick in a beki serye

Ang dati pang bagay na bagay na since Destiny Rose days pa nila, sina Ken Chan at Jeric Gonzales, will surely make a lovely and super kilig to the bones BL pairing.

May network nga kaya o film production outfit na mag-gamble sa isang BL drama? Kaabang-abang, hindi ba naman?


Kim Chiu: Pinagdududahan

Kim Chiu





Kapamilya actress Kim Chui seems to have recovered from the shooting incident that almost killed her and two of her other companions (her PA and driver) almost three weeks ago in Quezon City. In a You Tube video released by Kim, she said it was confirmed to her that it was a case of mistaken identity and the bullets were not meant for them.

Laking pasasalamat ni Kim dahil iniligtas sila sa kapahamakan at naniniwala ang aktres, ito ay milagro mula sa Panginoon. Days before she spoke up, Kim acted normal after the incident happened.


Kumbaga, ipinaubaya na niya ang lahat sa awtoridad. At dahil sa pagbuhos ng pagdamay at pagmamahal ng kapamilya’t kaibigan niya, she was able to move on fast. Pero may ilang tila hindi nasiyahan. There were some netizens that would write nasty comments at nagpaparinig pa about “tamaan ng bala” and something to that effect to get Kim’s attention or to make her feel upset. Why do you like to make others feel bad? Gosh.


At para matuludukan na nga ang issue, naglabas si Kim ng You Tube video para marinig naman ang kanyang saloobin.

Anyway, kilala si Kim sa pagiging matulungin at involved sa charity work. By way of thanksgiving for sparing their lives, namahagi si Kim ng relief goods sa mga nawalan ng trabaho sa kalapit na barangay ng village nila dahil sa Enhance Community Quarantine na ipinatupad para maiwasan ang pagkalat ng Covid -19. Keep it up, Kim!


*****

Being home quarantined hasn’t stopped celebrities from doing their jobs.

Patunay lang dito ang pag-eere ng mga news at TV shows kahit “work from home” ang mga artista at broadcasters. May kanya-kanyang style mapa Zoom man yan, FB live or You Tube para ma-share sa televiewers ang saya at impormasyong kailangang malaman lalo na sa gitna ng COVID-19 scare at nationwide lockdown.


Toni and Alex Gonzaga, tumulong sa apektado ng lockdown
Also, the stars from Kapamilya and Kapuso networks have united as one in extending help to our kababayans who are greatly affected by the lockdown.

Ilan sa mga nag-donate ay sina Angel Locsin, Willie Revillame, Kris Aquino, Coco Martin, Judy Ann Santos, Dingdong Dantes, KC Concepcion, Ara Mina, Aiai delas Alas, Richard Quan, Toni and Alex Gonzaga at marami pang iba. Walang maliit o malaking tulong sa panahong nangangailangan ang higit na nakararami.

What’s important is we have the heart to give and care to those who have less.



*****

Sarah and Matteo: Love na love ang isa't isa
After being married for a month now, Matteo Guidicelli and his wife Sarah Geronimo-Guidicelli are enjoying their honeymoon stage. Sa totoo lang, I’ve never seen Sarah so beautiful and glowing, ngayon lang. Iba talaga ang nagagawa ng love, in fairness, for some po hahaha!

Kaya ayan, may mga nagtatanong kung preggy na raw ba si Sarah o balak na nila magka-baby?


Well, mas okay ‘yung enjoyin muna nila ‘yung buhay mag-asawa na sila lang, di ba?

Ang mahalaga, they now have each other to face whatever it is that life may bring- ke maganda o hindi. Hmmn, ano kaya ang say ni Mommy Divine na blooming si Sarah sa piling ni Matteo? Charot!.

Korina Sanchez, naaaliw kina Pepe n' Pilar

Korina with twins Pepe and Pilar



 Stop muna ang mga morbid stories about COVID-19.Pa-good vibes naman tayo so that our Showbiz Blah followers ay makabasa naman ng positive stories  from showbiz celebrities.
                 

Tulad ng journalist-broadcaster na si Korina Sanchez kung saan ibinahagi niya ang video ng kambal nila ng ex-politician Mar Roxas na sina Pepe at Pilar.
                 
Tuwang-tuwa si Korina habang kinukunan ng video ang kawa-one year old pa lang na twins nila ngn husband na si Mar.
                 
Caption ni Korina sa video: “Now they walk into the room! Palakpakan.” bSuper bonding ang mag-iina dahil sa enhance community quarantine.
                 
Nag-umpisang kunan ni Korina ng video sina Pepe at Pilar the day when the ECQ (Enhanced Community Quarantine) ay pina-implement ni President Duterte.
                 
Step by step ay kinukunan niya ang kambal kung papanong very eager na makapaglakad ang mga ito.
                

Kuwento ni Korina: "For months, Pepe and Pilar would knock on the sliding door from their nursery into the bedroom. Well, milestone alert: Now they walk into the room! Palakpakan!"

                
Enjoy na enjoy si Korina habang pinapanood sina Pepe at Pilar sa paggapang ng mga ito at unti-unting tatayo para makalakad.“ I love to watch the twins get up on their feet,” sabi ng ina.

*****
Very happy si Matteo Guidicelli dahil first time niya nagcelebrate bilang mister ng Pop Royalty Sarah Geronimo.

Sa pag-open ni Matteo ng kanyang IG account ang nakita niya agad ay ang post sweet birthday greetings ng kanyang misis.
                 
“Happy Birthday to my loving and caring husband!!” sa mismong socmed ni Matteo.
                  
Birthday cake for Sarah's husband
Na-touch si Matteo at ang akala niya ay hinack ni Sarah ang kanyang account para doon siya i-greet ng happy birthday.

Mensahe ni Matty: “First birthday with you as your husband and I will forever cherish.

Matteo added: “Family, friends, loved ones and everyone out there, thank you very much for the greetings! God bless us all. Stay safe everyone.”  
                

*****

Nagsama ang ABS-CBN at GMA star para gawin ang music video na “We Heal As One.”
Ang music video ay dinerehe ni Frank Lloyd Mamaril.
         
Ang “WHAO” ay isang inspirational song na produced ng isang community group para ma-inspire ang mga Pinoy “to come together and contribute in the fight against COVID-19,” ayon sa grupo.

Ang nasabing kanta ay revival  sa official theme song ng 2019 SEA Games na "We Win As One” kung saan si Maestro Ryan Cayabyab ang nag-compose na ang lyrics ay sinulat ni Direk Floy Quintos.
           
Alden Richards
Kasama ang mga artista at mg singers na sina Lani Misalucha, Apl de Ap, Lea Salonga, Gary Valenciano, KZ Tandingan, Jamie, Rivera, Martin Nievera. Pops Fernandez, Sarah Geronimo, Menchu Lauchengco, Jed Madela, Robert Seña, Isay Alvarez, Ogie Alcasid, Iñigo Pascual,  Michael Williams, Bamboo at Paolo Valenciano, Alden Richards, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Christian Bautista, Mark Bautista, Rita Daniela at Ken Chan.
Paliwanag ng organizer:"It is our collective hope that the new lyrics reflect a timely and humane artistic response to the war we all must win together.”




  



Christoper de Leon, nahawa ng COVID-19

Christoper de Leon admits may COVID-19 siya





Ang COVID-19 ay talagang walang patawad. Kahit sino pwede mahawa sa nakamamatay na epidemya.

Remember yong dalawang Hollywood celebs na sina Tom Hanks at ang misis niya na si Rita Wilson na umamin na infected sila ng Corona Virus na nakuha nila sa Australia na sa kasalukuyan ay na-survive nila ang sakit.

Sa Plipinas, madami ang nagulat ng aminin ng batikang aktor na si Christoper de Leon na may Corona Virus siya sa kanyang social media  account.

Panimula ng kanyang posting:




"To all my family and friends, especially in the entertainment business Today, our doctor confirmed that I have COVID-19.


"I’ve had no recent travel history outside of the Philippines and no known contact with anyone who is positive to have the virus.
“However, due to the nature of my work in the entertainment business, I have interacted with many people.
The women in Love Thy Woman
"I therefore ask anyone who has come in contact me within the last week or two to observe stringent self-quarantine, observe for symptoms and follow the triage procedures published by the DOH, whether asymptomatic or not.

“Please cooperate with the authorities in their contact tracing efforts. My wife Sandy, daughter Mica & our kasambahay are in self quarantine at home.
“In this time of trial, we ask for your prayers and we continue to praise and thank the Lord for His goodness in our lives.
“Rejoice always, pray without ceasing, give thanks in all circumstances; for this is the will of God in Christ Jesus for you. (1 Thessalonians 5:18 ).
“Stay safe & GOD bless!-Christopher de Leon
Sa pagkakaalam ko, three times a week ang taping ng aktor ng kanyang serye na Love Thy Woman para sa Kapamilya Network.
Sino kaya sa mga co-stars ng aktor ang maaaring nahawaaan ng COVID-19 niya?
Boyet's co-stars. Sino ang nahawaan/
Walang makakaligtas kina Kim Chiu, Xian Lim, Yam Concepcion, Zsa Zsa Padilla, Sunshine Cruz,Ruffa Gutierrez and Eula Valdez kapag nagkataon bukod pa sa mga production staffs and crews na nakasalamuha ng aktor in his recent tapings.
Proud of Boyet(palayaw ng aktor) sa confession niya para makapagingat ang lahat, lalo na ang mga nakatrabho niya in the past weeks.
Sana safe silang lahat at gumaling kaagad ang aktor.


Love In the Time of Corona "Veerus "

James and Nadine




By the time this DIvalicious column sees print, it has been two days since the metro-wide community quarantine and curfew is in effect and my prayer is that, we don’t get used to this kind of situation.  Our God is more powerful than this veerus (the manner in which the President pronounces the word) and let us all pray that an antidote, cure or vaccine comes to fore and that it will be mass produced, sold  not only in a reasonable but an abot-kaya presyo and things will be back sooner than soon.


 Now that all are following the community quarantine directive, lahat tayo apektado kaya mas mabuting ingatan ang mga sarili para hindi na magkanda-letse-letse pa ang buhay nating lahat.

Sa ngayon, aliwin ko muna ang sarili sa pagbabalik ng “On The Wings of Love” sa telebisyon, ang drama seryeng nagpasikat in a major, major way sa tambalang James Reid at Nadine Lustre na.

I think why most people were hooked sa JaDIne kasi hindi sila as saccharine nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Mas lalong hindi sila orchestrated o manufactured like the phenomenal love team that was, ang AlDub, na binubuo nina Alden Richards at Maine Mendoza. At mas lalong hindi sila parang ang LizQuen, sina Liza Soberano at Enrique Gil, nakakabusog at nakakabundat sa mata, pero wala namang sustansya.

Sina James at Nadine kasi, parang they were never faking it. Noong magkalove-team sila, talagang love team lang. When they became lovers, hindi nagsinungaling. At nung maghiwalay na, nagpakatotoo rin, agad-agad.


Marami nga ang naguguluhan kung bakit kahit nga hiwalay na sila, may mga sighting
pa rin silang magkasama. Ang paliwanag ni Reid tungkol dito: “She was my best friend before anything else.”

Iyong totoo at walang halong kiyeme latik, pwede ba talaga na ang dating magkasintahan, pagkatapos ng much publicized and scrutinized na relasyon, ang bilis-bilis na maging platonic at balikan ang pagiging mag-best friends?
         
Here, there and every where na nasisilayan ang JaDine na casually hanging out, talking, having dinner with their posse, going out of town and country, na parang no break-up ever happened?


The cast of OTWL
Oblivious and drama nila, wa pakels sa mga opinion ng iba kasi nga they have a solid friendship to begin with and that kind of bond cannot be broken?

Again, again, yung totoong-totoo, walang moment of awkwardness? Hindi nabwisit o may galit na naramdaman para sa isa’t-isa? Naka-rise above at hindi lang moving on, moving forward na parang fast and furious lamang sa how they were feeling and what do they mean to each other?

Iba talaga ang JaDine, how cosmopolitan and sophisticated at super emotionally healthy and mature, huh.  Ang dami-daming showbiz couples before na naging mag-best friends muna bago naging mag-dyowa, yung iba nga ikinasal pa pero hindi parang instant pansit canton at three-in-one coffee na nagkasundo, nagkabati, nagsama sa iisang lugar at umarte na parang walang hiwalayang nangyari, huh.

Panalo maging best friend itong James. Mula sa masarap na masarap na pakikipag-relasyon tapos pag hiwalay na, hang out pa rin  kasi nga friends forever kayo. Hmmmm.

Well, kung noon eh pinasikat ni Gabriel Garcia Marquez ang “Love In the Time of Cholera,” maaring itong sina James Reid at Nadine Lustre, ang gusto namang ipauso eh “Love In the Time of Corona Veerus,” hindi ba naman?

Hayaan na natin sila sa kanilang bolahan at lokohan o baka naman tayo ang kanilang niloloko at binobola?