Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » » Bekihan Serye: James, Ivan, Alden, Derrick, pak na pak!

James-Ivan and Alden-Derrick





Now that we are on the 24th day of the enhanced community quarantine, and yes, the date of its lifting is very near, are we all excited by it? Or the reports that it will be extended to another two weeks, are we welcoming this development with open arms and hearts, and purses, wallets and savings account screaming for help and mercy?
         
Hanggang wala pa ang sagot sa tanong at haka-haka pa lamang ang extension, ang buong fuerza ng sangkabekihan, isama na  natin ang mga kababaihang may likas na kaharutan, at idagdag na rin natin ang mga pamhinta na mahilig rin sa kapwa nila pamhinta, maliban sa mga dance video ni DJ Loonyo na marami ang giliw na giliw at elyang-elya sa kanyang mga pag-giling, paglabas ng dila, at pagsapo sa kanyang crotch habang umiindak, haling na haling rin ngayon ang nasabing demographic sa isang Thai boy love drama, ang 2geder na pinagbibidahan nina Win Metawin Opas-iamkajorn bilang si Tine at si Bright Vachirawit Chivaaree na ang katauhan naman ay si Sarawat. Sa true, papable kung papable ang dalawa at talaga namang super eye-candies ang mga Bangkok-based artistang mga ito.

Bonggang pairing for an M2M serye on free television
Isang malaking industriya ang boy love dramas sa Thailand, hindi lang sa bansa nila ang following, pang-international ang reach, sangrekwa ang mga product endorsement ng BL actors at ito ngang pagsasama nina Win at Bright, laging inaabangan tuwing Biyernes ng gabi sa YouTube at usap-usapan palagi ng lahat sa nanalig sa a different kind of love na celebrated at highlighted sa 2geder at iba pang BL dramas.
         
Thus I cannot help but wonder, panahon na ba  para magkaroon ng Pinoy boy love drama? Kung ang My Husband’s Lover dati, eh bonggang-bongga ang pagtingkilik at pagmamahal, sa BL drama kaya, mas lalong maging mainit at maigting ang pagtanggap?
         
Sa Kapamilya male stars, para sa inyong Showbiz Blah! columnist, ang best bets para sa isang boy love drama ay sina James Reid at , keri rin sa equation sina Donnie Pangilinan at Markus Paterson.
          
Best friends for real sina Reid at Dorschner, literal na parehong magandang lalaki. If they will not mind being touchy-feely and will not squirm sa mga lip locking sequences, raise to the roof ang kilig at elyang hatid nila.
         
Best of friends: James and Ivan
Si Donnie at Markus, are like the young new altas. Mga Igliserong totoo, cosmopolitans at sophisticates kaya, sharing a bromosexual relationship with sexually fluidity as an add on feature to their characters, this duo, tiyak sobrang believable.
          
Kung hindi lang kilig at may hatid na pang-hebigat na acting showdowns at laplapang alam mong pwede kang mag-init,  JM de Guzman at Carlo Aquino can surely bring the wallop.
        

Sa Kapuso stars,  sina Alden Richards at Derrick Monasterio ang best bets for a BL drama kasi  pinaka-hottest at most beautiful male actors sa Kamuning station. May urban legend pa about the two na maaring mabuhay muli ang bangkay at mapagtanto kung totoo nga ba ang lahat o biru-biruan at tsismis na walang basehan mula sa mga mapaglarong imahanisyan ng mga katkatera at dalahira?

Excited to see Aden and Derrick in a beki serye

Ang dati pang bagay na bagay na since Destiny Rose days pa nila, sina Ken Chan at Jeric Gonzales, will surely make a lovely and super kilig to the bones BL pairing.

May network nga kaya o film production outfit na mag-gamble sa isang BL drama? Kaabang-abang, hindi ba naman?


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply