Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » » Juday at Marian : May pa adobo at menudo

 Judy Anne Santos and Marian Rivera are great cooks



Sa kabila ng COVID-19 pandemic, Judy Ann Santos at Marian Rivera pinaramdam sa bayan ang kanilang kalinga bilang mga ulirang ina. Dalawa sa mga iniidolo pagdating sa kanilang pag-arte at kinikilala din sa kanilang pagtulong sa ibat ibang organisasyon ay nagbigay pugay sa ating Front Liners. 


Cairo Best Actress, Judy Ann Santos nag volunteer sa paggawa  DIY face shields para sa mahal nating  Front Liners. Masaya nyang ibinahagi sa kanyang Instagram account ang kanyang pagtulong bilang volunteer sa @faceshieldforfrontliners upang makagawa ng mas marami pang face shield.

Mga Kailangan sa paggawa ng DIY Face Shields, bFoam, Acetate, Old Folder
Ruler,Garter and Puncher.

Nagluto din si Juday ng kanyang signature Adobo meals para sa mga Front Liners. Pinakita sa kanyang Instagram ang video ng pag prepare ng Adobo. Madami ang bumilib sa kanyang pagluluto at kasipagan nilang mag-asawa sa pagtulong. Isa dito ay si @iamgladyreyes, “Bilib talaga ako sayo magluto sis di ka napapagod”.


Juday cooking her famous adobo 

Kapuso Primetime Queen at isa sa may pinaka magandang mukha sa showbiz, Marian Rivera nagluto rin ng kanilang family specialty – Menudo. Proud na pinost nila Marian ang video ng kanyang paggawa ng 200 meals para sa mga Front Liners ng Quezon City General Hospital.

Ayon sa kanyang Instagram post @mariandantes: “Kitchen duties for our dear frontliners at the Quezon City General Hospital today who are sacrificing so much for us. Tonight’s meal for them is our family’s specialty – Menudo – a recipe that’s been passed on by my nanay. Big thanks to Ms Joanne who told me about the Waltermart App to Tough Mama for sending extra stoves. Stay safe everyone!”

Marian's Menudo for our Frontliners
Bilang fan at kapwa nanay, nakaka proud makita ang ganitong klase ng positive sharing. Bukod sa kanilang kinang sa showbiz ay kumikinang din ang kanilang bituin sa pagtulong sa kapwa Pilipino. Nakakatuwa na ang mga katulad nilang celebrities ay nagbibigay suporta para sa mga tinuturing natin ngayon na bayani sa Covid19 pandemic, Front Liners. Syempre nakaka- inspire ang kanilang pagtulong sa kabila ng kanilang busy task bilang ilaw ng kani-kanilang tahanan. Sana mas marami pa ang kanilang mahikayat na tumulong at mag share ng kanilang blessings. 



«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply