Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Judy, Ara, Gladys, Gloc 9, Pokwang at Ai Ai: Tuloy ang kayod para mabuhay

Judy Ann Santos, Ai Ai De Las Alas,Pokwang, Ara Mina Gladys Reyes at Gloc 9




  The deadly Covid-19 pandemic has shaken our lives and the country’s economy when it hit us and the entire world early this year. Nabulabog at nawindang higit lalo ang mga negosyante at ‘yung mga nagta-trabaho sa mundo ng turismo, mga kainan, entertainment at siyempre pa ang mundo ng showbiz.

Because of the speed in which this virus can be transmitted, the government had to implement quarantine measures and safety protocols that include social distancing, wearing of face mask and hand washing/sanitizing among others. Sa showbiz, syempre tumigil ang mundo ng nakararami dahil stop muna ang mga palabas sa TV at kailangan mag-isip kung paano ma maintain ang presence nila habang naka lock-down. ‘Yun na, merong nag work from home, nag vlog sa kanilang mga You Tube channel, nag taping from home at post ng kanilang mga activities sa mga social media platforms. Ang iba, cook and bake from home ang ganap. 

Hindi lang ang lockdown at quarantine ang nagdala sa marami para makaisip mag-negosyo. We all know that ABS-CBN has shut down its major operation since Congress did not grant them the renewal of their franchise. 

Judy Anne Santos' Angry Adobo

Sadly, maraming nawalan ng trabaho. Hindi lang mga empleyado ang apektado. Sobrang apektado rin ang mga artista, performers at crew ng mga shows na sakop ng network. 

Because of this unfortunate turn of events, may mga artistang nag-try ng ibang negosyo, para na rin maka-dagdag sa kita. 
Patok talaga ang cooking at baking. Meron 


ding nag-online shop at cooked food for take out and delivery.


Bago pa mag lockdown, sina Pokwang, Ara Mina, Judy Ann Santos, Gladys Reyes and hubby Christopher Roxas ang iilan sa mga sikat na celebrities na active na sa kusina. 

Kumbaga, ito ‘yung other source of income nila aside from acting and hosting dahil sabi nga, nothing is permanent in showbiz. Kailangan may fallback ka. Juday, Ara and the Sommereux couple (Gladys and Chris) run their restaurants while Pokie is into cooked food and condiments business.
Glays and Christopher's Estela Restaurant
 Ngayong panahon ng pandemic may mga nasa entertainment industry na nag venture na rin sa business dahil nga tigil or nabawasan ang trabaho. 

Rapper Gloc-9 just ventured into selling fried chicken which he cooks himself while comedian Eric Nicolas is now selling his homemade beef tapa. Kapuso comedienne Aiai delas Alas joins the list as she sells her Ube Cheese Pan de Sal under the label Martina’s Breads and Pastries.

Ara's Hazelberry Cafe

Actor turned restaurant owner and chef Marvin Agustin is selling his famous munchies--banana bread, carrot loaf cake, classic chocolate cake and tres leches which he learned to bake during the lockdown. 

 Where to order food from your favorite artistas? Check out your fave celeb’s Instagram account or their food business IG account to know more about the product he/she is selling. This is also your chance na maka-chika ang fave celebs niyo, so go…order na!



Nora Auor: Isang Anti-Terror Act Advocate

Nora Aunor





  Hinihimok daw ng isang party list si Superstar Nora Aunor na kumandidatong senador sa Halalan 2020.

May lumabas na balita na tatakbo raw senador ang multi-awarded actress at People’s National Artist kaya may tinanong kami na isang malapit kay Ate Guy kung totoo ito.

Ayon sa aming nakausap, may isang party list group raw na lumapit sa actress para kumbinsihin ito na tumakbong senador. 


Nora Aunor

Pero hindi raw totoo na sumagot na si Ate Guy sa offer. Pinag-iisipan muna raw ng aktres kung papayag siya sa alok na muling pumalaot sa politics.

Years back ay tumakbong vice governor si Ate Guy sa probinsiya kung saan siya’y isinilang. Sad to say, hindi nagwagi ang aktres.

Iba naman ang panahon ngayon at iba noon pero tama naman ang desisyon ni Ate Guy na pag-isipan muna kung dapat ba niyang patulan ang alok ng party list.

Pero natutuwa kami dahil may comment si Ate Guy sa issue ng Anti-Terrorism Act na isinusulong para maging batas.

Marami na ang nag-comment na hindi ito dapat pumasa dahil may mga panukala sa nasabing batas na labag sa karapatang pantao (human rights).

“Sa panahon ngayon na sobrang paghihirap ang pinagdadaanan ng ating mga kababayan na marami ang nagkakasakit, nawawalan ng trabaho at walang makain ay sana huwag muna madalin ang pagpapasa ng anti-terrorism bill. Magandang mapag-aralan muna itong mabuti para masiguradong hindi nga ito lalabag sa mga karapatang pantao ng mamayang Pilipino,” pahayag ni Ate Guy nang hingan ng komento tungkol sa anti-terrorism bill.

Saludo kami kay Ate Guy sa pagiging mulat niya sa mga issue sa lipunan na posibleng makaapekto sa mga mamamayang Pilipino.


 *****

Si Judy Ann Santos ang nagwaging Best Actress sa Gawad Tanglaw para sa pelikulang Mindanao ni Brillante Mendoza.

Ito ang ikalawang best actress award ni Juday for Mindanao. She won Best Actress sa 2019 Metro Manila Film Festival last December.

Judy Ann Santos

Gagawin ang Gawad Tanglaw sa isang by-invitation-only awards night sa September.
Si Allen Dizon, lead actor ng Mindanao, ang hinirang na Best Actor ng Gawad Tanglaw, katabla si Jansen Mampusao, ang bida ng John Denver Trending.

Best Film ang John Denver Trending na entry sa Cinemalaya last year. Best Director si Arden Rod Condez, of John Denver Trending.


Best Supporting Actress si Dimples Romana sa Persons of Interest while Best Supporting Actor si Joross Gamboa for Hello, Love Goodbye.

Hindi pa natin alam kung magkakaroon ng GEMs Awards, Famas Awards at Urian Awards this year. Una na nag-anunsiyo ang Eddys na hindi sila magbibigay ng award. So that is one less possible best actress win for Juday.

Nakatanggap naman ng Jury Award for Best Performance si Ms Iza Calzado for Culion and Pandanggo sa Hukay. 

Juday at Ryan: Negosyong resto, apektado ng pandemya

Judy Ann Santos





 Tulad ng ibang celebrities na may sariling food business, apektado rin ang Angrydobo restaurant ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Noong ipatupad ang ECQ sa Metro Manila, napilitang magsara ng kanilang branches sina Juday at Ryan, pero hindi nila pinabayaan ang kanilang mga empleyado.
   
Juday and Ryan for Angrydobo
Ang mga food supplies nila sa resto ay binigay nila sa kanilang mga tauhan. Kesa naman daw na mabulok at hindi mapakinabangan, makakatulong pa raw ang mga iyon kahit paano sa kanilang mga tauhan habang may lockdown.

Ngayon ay nagbukas na ang isang branch nila sa Taft Avenue, pero for take out and deliveries daw muna. Nag-iisip raw ng magagawa sina Juday at Ryan para mapanatili nila ang kanilang staff.

“We are thinking of ways on how we’re gonna keep our staff, we don’t want naman talaga hangga’t maaari na magtanggal ng tao,” sey ni Juday.

Nag-take din daw ng online classes si Juday habang naka-quarantine siya kasama ang mister at mga anak.

“I took up basic home schooling in preparation for what’s gonna happen sa susunod na pasukan ng mga bata. Parang I had to educate myself. How am I gonna do this? Ako pang hindi mahilig mag-aral noong kabataan?” tawa pa niya.

Kuwento ni Juday na hati sila ni Ryan sa pag-asikaso sa pag-aaral ng kanilang mga anak habang wala pang school opening. Si Ryan daw ang bahala sa English subjects at sa Pilipino naman daw si Juday.

*****
Masuwerte ang Fil-Canadian actor na si Manny Jacinto dahil pagkatapos ng comedy series na The Good Place, may bago siyang sisimulan na TV show for Hulu.

Fil-Canadian actor Manny Jacinto
Ang title ay Nine Perfect Strangers at makakasama niya sina Nicole Kidman and Melissa McCarthy

Bukod sa TV series, kasama rin si Manny sa bagong Tom Cruise film na Top Gun: Maverick, ang much-awaited sequel ng 1986 film na Top Gun.

Manny’s new show is an adaptation of the novel of the same name by Liane Moriarty, who also wrote the book that was the basis for Nicole’s HBO series na Big Little Lies.

Jacinto was born in Manila and at 3-years old, nag-migrate ang kanyang family to Canada in 1990. 

He was raised in Richmond, British Columbia and attended an all-boys Catholic high school, Vancouver College.


He earned a bachelor's degree in Applied Science in civil engineering at the University of British Columbia.

*****
Magkakaroon ng online concert ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara ngayong Biyernes (June 5), 4pm. 

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, inanunsyo ng concert director na si Marvin Caldito na pangungunahan ng Kapuso actress ang fundraiser upang suportahan ang Love Plus Charity Foundation at CRIBS Foundation Inc. bilang bahagi ng Legion Music Festival. 

“Proceeds will go to a foundation that helps fight COVID-19 and a non-profit organization that provides a loving and safe environment for the abandoned babies and female minor survivors of sexual abuse.”

Ang online fundraising concert ay sabay-sabay na mapapanood sa official YouTube, Facebook, and Instagram accounts ng Legion Music Festival.

Wedding Anniversaries and Birthdays: Celebrations in the time of COVID-19





 Almost 2 months na tayong naka -ECQ at ang dami ng okasyon ang nagdaan. Malamang isa na kayo o sa mga kakilala nyo ang nag-celebrate ng birthday sa loob ng bahay.


Laging inaabangan ng mga fans ang mga birthday celebration ng kanilang mga idol. Andyan ang pag-hintay nila kung sino ang mga dadating na bisita at gaano ka bongga ang party.
Marian and son Sixto Dantes 
Heto ang ilan sa mga nag birthday quarantine, unahin natin ang pinaka bata. Ang poging anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Sixto Dantes. Simpleng selebrasyon ang kanilang ginawa para sa unang birthday nito sa kanilang bahay. Si Dingdong mismo ang nagbigay ng unang gupit sa kanilang anak at mismong si Marian naman ang gumawa ng cake na ayon kay Dingdong ay success ang first attempt ni Marian sa cake. 


A simple but memorable 30th birthday for  Kim

Masaya naman ipinagdiwang ni Kim Chui ang kanyang 30th birthday kasama ang kanyang kapatid at mga angles sa bahay. Pinasalamatan din ni Kim ang mga nagpadala ng cakes, flowers at food sa kanya. Tanging wish ni Kim ay sana matapos na ang nangyayari sa ating bansa at bumalik sa normal ang lahat. Kinabukasan after ng birthday ni Kim ay nilaunch nya ang kanyang latest single na "Wag Kang Bumitaw" under Star Pop.

Ipinagdiwang din ni Daniel Padilla ang kanyang 25th birthday kasama ang kanilang buong angkan.

There's a side of you that not everyone gets to see, and it's probably my favorite. So today I want to show the world what a beautiful person you really are. If only they can see you the way I see you -- your smile, your laughter, your heart. Your soft and fragile side. Thank you for being a living proof that guys like you still do exist in this world. I love you sooo much! Happy birthday, my mahal! -- sweet birthday message from Kathryn Bernardo @bernardokath


Daniel with his family celebrating his simple birthday

Si Ara Mina naman ay nag organize ng birthday fundraising in partnerships with fashion designer Pia Gladys Perez para makagawa ng PPE suits for Frontliners. Sa mismong kaarawan naman nya ay hinandugan sya ng birthday song kanyang anak na si Amanda. 

Ayon kay Ara kahit ECQ quarantine birthday sya ramdam nya ang love at mas close sya ngayon kay Lord
Maging ang wedding anniversary nila Juday at Ryan ay matagumpay nilang na-celebrate sa pamamagitan ng pagkain sa labas (literal na pagkain sa labas ng kanilang bahay). Masaya din sila na nagkaroon ng simple and solemn mass with father Caluag via online.


Ryan and Juday recently celebrated their wedding anniversary
Gaya nila Juday at Ryan, April 28 din ang wedding anniversary nina  Richard Gomez/Lucy Torres at Sharon Cuneta/Kiko Pangilinan. 

Nagtanim ng Dita Tree sila Richard at Lucy para i-celebrate ang Kamilah anniversary. Samantalang Chicharong Bulaklak ang nareceive ni Sharon sa kanyang Sutart. The best daw ngayon taon at sana ganun daw every year ang bulaklak nya.

Kumpara sa mga nakasanayan nila noon na bonggang party at kasama ang napakaraming nilang kapamilya, kaibigan at sumusuporta sa kanila eto yung panahon na tanging pamilya lang nila ang karamay nila sa espesyal nilang araw. Tunay na hindi nila makakalimutan ang taon na ito.



Throwback Sunday: My love affair with T.G.I.S. and Gimik

The cast of Gimik and T.G.I.S.



 Show business is a world of its own. The glitter and glamour makes you forget reality once you step into the red carpet where all the lights shine brightly, it’s as if you are stepping into a different dimension.

Ganito ang naramdaman ko nu’ng baguhan akong reporter more than two decades ago pero masaya akong binabalik-balikan ang mga araw namin sa showbiz dahil kahit madalas ngarag kami sa deadlines, showbiz personalities then were very open and accommodating and even studios for tapings were lenient for press people to visit the artistas that time.


Rico is super sikat during his time
Mid-90s ako nu’ng pumasok sa showbiz bilang movie reporter sa 


StarNews  movie magazine.

 That same time youth oriented shows were launched and a new batch of stars was introduced.

Masuwerte ako dahil we were trained and sent to field work to interview artistas sa mga tapings, shootings and in the luxury of their home where we can relax while they warmly welcome us with cooked meals and chika-chika. Ganoon ka- personalized ang relasyon noon ng mga artista at movie reporters.

STARS AND TAPINGS. Then and Now We were taping tambays in the mid-90’s until 2010. As far as I can remember, it was around this time that studios became strict already and followed different network guidelines. On location, tapings were scheduled at hindi na puwedeng basta-basta na lang lumusot na walang pasabi unlike before na mismong artista ang nag-iinvite. Now, it’s different. Talent management was professionalized and everything had to be done formally and kailangan may advance notice sa mga handler/manager ng mga artists.

Sabi nga ng isang kasamahan namin sa panulat, masarap balikan ang mga panahong simple pa noon ang showbiz. Na nakakasama pa natin ang mga artista na walang kiyems, ngayon kasi iba na.

Angelu and Rico are the teen superstars  of the mid-90's
HOW STARS ARE TODAY.  In fairness, hindi naman lahat ng artista sa ngayong panahon eh dedma. Okay naman sila, they are very civil, respectful and courteous sa mga press. Pero wala na ‘yung personal na relasyon sa kanila. I’m speaking from experience, hindi ko alam sa iba kung hanggang ngayon na -establish nila ‘yung gaya ng relasyon ng mga artista sa reporters nu’ng 80’s and 90’s. But of course, as long as they are courteous, okay lang.

Iba na rin kasi ang mga stars at kabataan ngayon, di ba? Millenial na ang isip at kilos.

 MEMORABLE MOMENTS AT WORK. Oh, kung iisa-isahin ko, marami. I’ll just write down a few na minsan eh, ‘pag naalala ko napapangiti ako dahil mababait sa akin ang mga taong nakasama ko sa aking showbiz journey.


The T.G.I.S stars
Well, unforgettable ‘yung mga biglaang out of town invites by the late great talent manager Douglas Quijano. Ang mga late night tapings sa ABS-CBN studios na tatlong shows ang aming pinupunahan para mag-interbyu, pictorial at makipag-chikahan. After that, we’d eat meryenda with Star Magic talents- Bojo Molina, Jericho Rosales and Rico Yan at kuwentuhang kaswal lang. Nakakatuwa ring balikan ang ngarag days ‘pag pupunta kami sa tapings ng TGIS para interbyuhin sina Bobby Andrews, Onemig Bondoc, Michael Flores at Red Strenberg tapos lilipat sa isang location para puntahan ang mga bida ng GIMIK na sina Rico, Judy Ann Santos, Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

 When reporters would gather in Palibhasa Lalake studio during tapings and we’d have dinner after tapings, it became a Thursday habit until the show’s last day of taping sometime in 1999.
The Gimik original cast

Of course, showbiz parties were then well-attended. Kung sino ang ka-close ng reporter na artista, siguradong present sa mga okasyon at parties ng celebrant. These are just a few of the many wonderful memories I have as a showbiz reporter that to this day makes me smile even if a lot has already changed. Oh, the good old days!


Juday at Marian : May pa adobo at menudo

 Judy Anne Santos and Marian Rivera are great cooks



Sa kabila ng COVID-19 pandemic, Judy Ann Santos at Marian Rivera pinaramdam sa bayan ang kanilang kalinga bilang mga ulirang ina. Dalawa sa mga iniidolo pagdating sa kanilang pag-arte at kinikilala din sa kanilang pagtulong sa ibat ibang organisasyon ay nagbigay pugay sa ating Front Liners. 


Cairo Best Actress, Judy Ann Santos nag volunteer sa paggawa  DIY face shields para sa mahal nating  Front Liners. Masaya nyang ibinahagi sa kanyang Instagram account ang kanyang pagtulong bilang volunteer sa @faceshieldforfrontliners upang makagawa ng mas marami pang face shield.

Mga Kailangan sa paggawa ng DIY Face Shields, bFoam, Acetate, Old Folder
Ruler,Garter and Puncher.

Nagluto din si Juday ng kanyang signature Adobo meals para sa mga Front Liners. Pinakita sa kanyang Instagram ang video ng pag prepare ng Adobo. Madami ang bumilib sa kanyang pagluluto at kasipagan nilang mag-asawa sa pagtulong. Isa dito ay si @iamgladyreyes, “Bilib talaga ako sayo magluto sis di ka napapagod”.


Juday cooking her famous adobo 

Kapuso Primetime Queen at isa sa may pinaka magandang mukha sa showbiz, Marian Rivera nagluto rin ng kanilang family specialty – Menudo. Proud na pinost nila Marian ang video ng kanyang paggawa ng 200 meals para sa mga Front Liners ng Quezon City General Hospital.

Ayon sa kanyang Instagram post @mariandantes: “Kitchen duties for our dear frontliners at the Quezon City General Hospital today who are sacrificing so much for us. Tonight’s meal for them is our family’s specialty – Menudo – a recipe that’s been passed on by my nanay. Big thanks to Ms Joanne who told me about the Waltermart App to Tough Mama for sending extra stoves. Stay safe everyone!”

Marian's Menudo for our Frontliners
Bilang fan at kapwa nanay, nakaka proud makita ang ganitong klase ng positive sharing. Bukod sa kanilang kinang sa showbiz ay kumikinang din ang kanilang bituin sa pagtulong sa kapwa Pilipino. Nakakatuwa na ang mga katulad nilang celebrities ay nagbibigay suporta para sa mga tinuturing natin ngayon na bayani sa Covid19 pandemic, Front Liners. Syempre nakaka- inspire ang kanilang pagtulong sa kabila ng kanilang busy task bilang ilaw ng kani-kanilang tahanan. Sana mas marami pa ang kanilang mahikayat na tumulong at mag share ng kanilang blessings. 



Kim Chiu: Pinagdududahan

Kim Chiu





Kapamilya actress Kim Chui seems to have recovered from the shooting incident that almost killed her and two of her other companions (her PA and driver) almost three weeks ago in Quezon City. In a You Tube video released by Kim, she said it was confirmed to her that it was a case of mistaken identity and the bullets were not meant for them.

Laking pasasalamat ni Kim dahil iniligtas sila sa kapahamakan at naniniwala ang aktres, ito ay milagro mula sa Panginoon. Days before she spoke up, Kim acted normal after the incident happened.


Kumbaga, ipinaubaya na niya ang lahat sa awtoridad. At dahil sa pagbuhos ng pagdamay at pagmamahal ng kapamilya’t kaibigan niya, she was able to move on fast. Pero may ilang tila hindi nasiyahan. There were some netizens that would write nasty comments at nagpaparinig pa about “tamaan ng bala” and something to that effect to get Kim’s attention or to make her feel upset. Why do you like to make others feel bad? Gosh.


At para matuludukan na nga ang issue, naglabas si Kim ng You Tube video para marinig naman ang kanyang saloobin.

Anyway, kilala si Kim sa pagiging matulungin at involved sa charity work. By way of thanksgiving for sparing their lives, namahagi si Kim ng relief goods sa mga nawalan ng trabaho sa kalapit na barangay ng village nila dahil sa Enhance Community Quarantine na ipinatupad para maiwasan ang pagkalat ng Covid -19. Keep it up, Kim!


*****

Being home quarantined hasn’t stopped celebrities from doing their jobs.

Patunay lang dito ang pag-eere ng mga news at TV shows kahit “work from home” ang mga artista at broadcasters. May kanya-kanyang style mapa Zoom man yan, FB live or You Tube para ma-share sa televiewers ang saya at impormasyong kailangang malaman lalo na sa gitna ng COVID-19 scare at nationwide lockdown.


Toni and Alex Gonzaga, tumulong sa apektado ng lockdown
Also, the stars from Kapamilya and Kapuso networks have united as one in extending help to our kababayans who are greatly affected by the lockdown.

Ilan sa mga nag-donate ay sina Angel Locsin, Willie Revillame, Kris Aquino, Coco Martin, Judy Ann Santos, Dingdong Dantes, KC Concepcion, Ara Mina, Aiai delas Alas, Richard Quan, Toni and Alex Gonzaga at marami pang iba. Walang maliit o malaking tulong sa panahong nangangailangan ang higit na nakararami.

What’s important is we have the heart to give and care to those who have less.



*****

Sarah and Matteo: Love na love ang isa't isa
After being married for a month now, Matteo Guidicelli and his wife Sarah Geronimo-Guidicelli are enjoying their honeymoon stage. Sa totoo lang, I’ve never seen Sarah so beautiful and glowing, ngayon lang. Iba talaga ang nagagawa ng love, in fairness, for some po hahaha!

Kaya ayan, may mga nagtatanong kung preggy na raw ba si Sarah o balak na nila magka-baby?


Well, mas okay ‘yung enjoyin muna nila ‘yung buhay mag-asawa na sila lang, di ba?

Ang mahalaga, they now have each other to face whatever it is that life may bring- ke maganda o hindi. Hmmn, ano kaya ang say ni Mommy Divine na blooming si Sarah sa piling ni Matteo? Charot!.