 |
| James-Ivan and Alden-Derrick |
|
Now that we are on the 24th
day of the enhanced community quarantine, and yes, the date of its lifting is
very near, are we all excited by it? Or the reports that it will be extended to
another two weeks, are we welcoming this development with open arms and hearts,
and purses, wallets and savings account screaming for help and mercy?
Hanggang wala pa ang sagot sa tanong at
haka-haka pa lamang ang extension, ang buong fuerza ng sangkabekihan, isama
na natin ang mga kababaihang may likas
na kaharutan, at idagdag na rin natin ang mga pamhinta na mahilig rin sa kapwa
nila pamhinta, maliban sa mga dance video ni DJ Loonyo na marami ang giliw na
giliw at elyang-elya sa kanyang mga pag-giling, paglabas ng dila, at pagsapo sa
kanyang crotch habang umiindak, haling na haling rin ngayon ang nasabing
demographic sa isang Thai boy love drama, ang 2geder na pinagbibidahan nina Win Metawin Opas-iamkajorn bilang si Tine at si Bright
Vachirawit Chivaaree na ang katauhan naman ay si Sarawat. Sa true, papable kung
papable ang dalawa at talaga namang super eye-candies ang mga Bangkok-based artistang
mga ito.
 |
| Bonggang pairing for an M2M serye on free television |
Isang malaking industriya ang boy love
dramas sa Thailand, hindi lang sa bansa nila ang following, pang-international
ang reach, sangrekwa ang mga product endorsement ng BL actors at ito ngang pagsasama
nina Win at Bright, laging inaabangan tuwing Biyernes ng gabi sa YouTube at
usap-usapan palagi ng lahat sa nanalig sa a different kind of love na celebrated
at highlighted sa 2geder at iba pang BL dramas.
Thus I cannot help but wonder, panahon
na ba para magkaroon ng Pinoy boy love
drama? Kung ang My Husband’s Lover dati, eh bonggang-bongga ang pagtingkilik at
pagmamahal, sa BL drama kaya, mas lalong maging mainit at maigting ang pagtanggap?
Sa Kapamilya male stars, para sa inyong
Showbiz Blah! columnist, ang best bets para sa isang boy love drama ay sina
James Reid at , keri rin sa equation sina Donnie Pangilinan at
Markus Paterson.
Best friends for real sina Reid at
Dorschner, literal na parehong magandang lalaki. If they will not mind being touchy-feely
and will not squirm sa mga lip locking sequences, raise to the roof ang kilig at
elyang hatid nila.
 |
| Best of friends: James and Ivan |
Si Donnie at Markus, are like the
young new altas. Mga Igliserong totoo, cosmopolitans at sophisticates kaya,
sharing a bromosexual relationship with sexually fluidity as an add on feature to
their characters, this duo, tiyak sobrang believable.
Kung hindi lang kilig at may hatid na
pang-hebigat na acting showdowns at laplapang alam mong pwede kang mag-init, JM de Guzman at Carlo Aquino can surely bring the
wallop.
Sa Kapuso stars, sina Alden Richards at Derrick Monasterio ang
best bets for a BL drama kasi pinaka-hottest
at most beautiful male actors sa Kamuning station. May urban legend pa about the
two na maaring mabuhay muli ang bangkay at mapagtanto kung totoo nga ba ang
lahat o biru-biruan at tsismis na walang basehan mula sa mga mapaglarong imahanisyan
ng mga katkatera at dalahira?
 |
| Excited to see Aden and Derrick in a beki serye |
Ang dati pang bagay na bagay na since
Destiny Rose days pa nila, sina Ken Chan at Jeric Gonzales, will surely make a
lovely and super kilig to the bones BL pairing.
May network nga kaya o film production outfit
na mag-gamble sa isang BL drama? Kaabang-abang, hindi ba naman?
Comments