Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Dennis Trillo- Jennylyn Mercado






Hindi napigilan na maki-join sa TikTok craze ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Ipinakita ni Jen sa kanyang mahigit 89,000 followers ang kanyang comedic side sa pamamagitan ng kanyang TikTok videos, pati na rin ang kanyang pakikipagkulitan  kasama ang boyfriend na si Kapuso Drama King Dennis Trillo at kanilang mga alagang pusa.

Maraming followers ng dalawa ang nag-aabangan parati sa kanilang CoLove segment nila every Sunday sa no-contact online show ng All-Out Sundays. 

Lagi na lang pinapakilig nina Jen at Dennis ang Kapuso netizens sa kanilang rendition ng “Need You Now” ni Lady Antebellum. Sa kanilang number, tumugtog din si Jen ng bass guitar habang acoustic guitar naman ang kay Dennis.

Tangal inip ang bisyo laban sa lockdown
Sa isang Facebook post, sinabi ni Jen na nag-aral siyang tumugtog ng bass guitar habang hindi muna nagte-taping ang Descendants of the Sun Philippine Adaptation dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine. 

Pinayuhan niya rin ang kanyang followers na gamitin ang pagkakataong ito para matuto ng mga bagong hobby habang nasa bahay.

“Sino ba namang mag-aakala na magkakaroon tayo ng ganitong kahabang free time kaya dapat samantalahin na natin 'to. Maging productive tayo and discover other things na kaya nating gawin."

*****





Patuloy ang pagtulong ng Kapuso actress na si Mika dela Cruz sa mga kababayan niya sa Malabon at sa mga frontliner laban sa COVID-19. 

Sunud-sunod ang pamimigay niya ng relief goods sa mga apektado ng pandemic at tulad na lang ng mga nawalan ng kabuhayan. 


Mika dela Cruz
Ni-launch naman ni Mika ang crowdfunding website na tinawag niyang ‘SHARE THE CARE (PPE for our frontlines), kung saan puwede ang sino man gustong magbigay ng tulong pampinansyal para sa pagbuo ng ‘care pieces.’ 

Kuwento ni Mika na inabot siya ng ilang linggo para itayo ang fundraiser na ito.

“Our CARE PIECES include CARE MASKS / CARE SHIELDS / CARE SUITS that will all be donated to our chosen hospitals/medical centers here in Metro Manila. Our in-house team is capable of producing these pieces everyday. It would be great and much-appreciated if you can help us fulfill our mission by funding some of the said CARE PIECES! The more funds we raise, the more PPE's we can donate and the more medical practitioners we can help!” 

Nire-remind pa niya ang mga tao na magsama-sama para muling bumangon mula sa pagsubok na ito.

*****

Lumabas na finally ang pinaka-hihintay ng Sunflower fans ni Kapuso Breakout Star Kyline Alcantara na official music video ng kaniyang single na pinamagatang ‘123.’ 

Sa ilalim ng GMA Music, patuloy ang paglaki ng career ni Kyline hindi lang sa pag-arte kundi pati na rin sa music industry.

Naka-season break muna si Kyline sa pinagbibidahan niyang ‘Bilangin ang Bituin sa Langit,’ hindi pa rin titigil si Kyline sa pagpapasaya ng Kapuso fans. 

Patuloy na maglalabas ang GMA Music ng mga bagong pinroduce na music videos every week. 

Susunod na mapapanood sa Abril 8 ang kanta naman ni Bianca Umali na ‘Kahit Kaillan’! 

Abangan ‘yan sa social media pages ng GMA Music!



«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply