Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Juday at Ryan: Negosyong resto, apektado ng pandemya

Judy Ann Santos





 Tulad ng ibang celebrities na may sariling food business, apektado rin ang Angrydobo restaurant ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Noong ipatupad ang ECQ sa Metro Manila, napilitang magsara ng kanilang branches sina Juday at Ryan, pero hindi nila pinabayaan ang kanilang mga empleyado.
   
Juday and Ryan for Angrydobo
Ang mga food supplies nila sa resto ay binigay nila sa kanilang mga tauhan. Kesa naman daw na mabulok at hindi mapakinabangan, makakatulong pa raw ang mga iyon kahit paano sa kanilang mga tauhan habang may lockdown.

Ngayon ay nagbukas na ang isang branch nila sa Taft Avenue, pero for take out and deliveries daw muna. Nag-iisip raw ng magagawa sina Juday at Ryan para mapanatili nila ang kanilang staff.

“We are thinking of ways on how we’re gonna keep our staff, we don’t want naman talaga hangga’t maaari na magtanggal ng tao,” sey ni Juday.

Nag-take din daw ng online classes si Juday habang naka-quarantine siya kasama ang mister at mga anak.

“I took up basic home schooling in preparation for what’s gonna happen sa susunod na pasukan ng mga bata. Parang I had to educate myself. How am I gonna do this? Ako pang hindi mahilig mag-aral noong kabataan?” tawa pa niya.

Kuwento ni Juday na hati sila ni Ryan sa pag-asikaso sa pag-aaral ng kanilang mga anak habang wala pang school opening. Si Ryan daw ang bahala sa English subjects at sa Pilipino naman daw si Juday.

*****
Masuwerte ang Fil-Canadian actor na si Manny Jacinto dahil pagkatapos ng comedy series na The Good Place, may bago siyang sisimulan na TV show for Hulu.

Fil-Canadian actor Manny Jacinto
Ang title ay Nine Perfect Strangers at makakasama niya sina Nicole Kidman and Melissa McCarthy

Bukod sa TV series, kasama rin si Manny sa bagong Tom Cruise film na Top Gun: Maverick, ang much-awaited sequel ng 1986 film na Top Gun.

Manny’s new show is an adaptation of the novel of the same name by Liane Moriarty, who also wrote the book that was the basis for Nicole’s HBO series na Big Little Lies.

Jacinto was born in Manila and at 3-years old, nag-migrate ang kanyang family to Canada in 1990. 

He was raised in Richmond, British Columbia and attended an all-boys Catholic high school, Vancouver College.


He earned a bachelor's degree in Applied Science in civil engineering at the University of British Columbia.

*****
Magkakaroon ng online concert ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara ngayong Biyernes (June 5), 4pm. 

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, inanunsyo ng concert director na si Marvin Caldito na pangungunahan ng Kapuso actress ang fundraiser upang suportahan ang Love Plus Charity Foundation at CRIBS Foundation Inc. bilang bahagi ng Legion Music Festival. 

“Proceeds will go to a foundation that helps fight COVID-19 and a non-profit organization that provides a loving and safe environment for the abandoned babies and female minor survivors of sexual abuse.”

Ang online fundraising concert ay sabay-sabay na mapapanood sa official YouTube, Facebook, and Instagram accounts ng Legion Music Festival.

Ruru, Derrick, Kyline at Kris : Member ng Club Bantilawan

Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Kyline Alcantara at Kris Bernal




  Yes, it is the second day of June and we are in day two of the general community quarantine season of our daily lives. Where you able to come work knowing the fact that buses and jeeps are not available for mass commuters?

Did you join the riding the bike bandwagon that the gobiyerno nacional is aggressively campaigning as the next best way for you to travel? For crying out loud, with the scorching heat, bike lines are not even available and ready plus the pollution that covers the entire metroplis, will you risk your limb and life with this not so ideal suggestion?

And with the cases of COVID 19 virus affliction definitely reaching its more than 20K mark, better stay safe and sorry and follow the healthy habits we are all doing the past two months or so.

Hindi natin masisi kung bakit atat na atat na ang lahat na bumalik sa kani-kanilang trabaho at katungkulan dahil nga wala na talagang peran pwedeng gamitin para sa araw na araw na kabuhayan ang mas nakararami. Pilinng-pili rin naman ang binigyang ayuda kaya kahit kahambal-hambal ang katotohanan na pahirapan ang pumasok sa kaniya-kaniyang pinagtratrabuhan, lalaban pa rin ang ordinaryong Juan at Juana, ang mga descamisadong si Pedro at Petra dahil hindi nila kakayaning mamatay sa gutom ang kani-kanilang pamilya.

Ano kaya ang problema kay Derrick at hidi sumikat-sikat?
Kaya nga, hindi ko mapigilang magtaka, complete packages naman itong sina Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Kyline Alcantara at Kris Bernal, bakit ang mga karera, hindi bumongga-bongga. Forever starlets ang stature at kung naniniwala sila sa sarili nilang press releases na sila ay sikat, dapat siguro silang palaklakin ng sagrekwang mugs of kapeng barako, walang sugar dapat at creamer, para nerbiyusin sila kasi nga hindi pwedeng ikaila na sila ay outstanding members ng Club Bantilawan. Mga hindi pa nga sumisikat in a major, major way parang pa la ocean deep na agad, huh!

Parehong matangkad, matipuno at talagang kaguapuhang lalaki sina Madrid at Monasterio pero bakit mailap ang superstardom sa kanila?  Pareho ring kayang magpa-sexy, panalo ang mga katawang pang-romansa at marami ang pangmalakasan ang pagnanasa sa kanila, pero bakit parang mas maingay pa at mas may audience impact ang mga karera nina Joshua Garcia, Marco Gumabao at Tony Labrusca sa dalawang Kapuso hunky papas?

From boy next door, what if Ruru goes sexy?
Sa true lang, parang mga taglay na pambihirang palo-palo pa nga ang beefcakes na ito, mahusay ring mag-sing and dance, at hindi rin pahuhuli sap ag-arte, lalo na si Madrid kaya nakakapagtaka na pag tinitimbang sila, parag laging may kulang?

Hindi kasi mukhang pambida si Kyline
Si Kyline, na malakas daw sa social media at may solid na Sun Flower followers, kaya niya man lang tumapat sa Kapamilya young misses na sina Maris Racal at Loisa Andalio? Parang milya-milya ang estrella nina Andalio at Racal kung ikukumpara kay Alcantara na maganda, may stage presence, better singer and performer pero bakit parang sila-sila lang na mga Kapuso ang may kakilala sa kanya?
Putsi-putsi kasi ang mga projects ni Ktis di makausad

Si Kris, na marami ang takang-taka at gustong mahibang dahil nuknukan sa kapayatan, ang kanyang mga suso, busog lusog at nag-de-defy sa laws of physical anatomy. Hindi ba dapat pag sing payat ka ni Bernal, flat chested ka eh bakit ang chest babies niya, bilog na bilog at bundat na bundat.

Buti nga at napapansin pa ang mga bundok ng susong dalaga niya dahil kung hindi sa kanyang boobies, baka nagka-general amnesia na ang lahat at siya ay forgotten and gone for good na.

How do you solve the stale and sorry states of the careers of Ruru Madrid, Derrick Monasterio, Kyline Alcantara and Kris Bernal? Any suggestion, my dear Blahbers? Sayang na sayang talaga sila, huh!


Willie Revillame: Ginagamit sa panloloko

Willie Revillame







 Naglabas ng warning ang Wowowin sa Kapuso viewers na mag-ingat at huwag magpaloko sa online scams at fake social media accounts. 

Gagawin nilang magsampa ng kaso laban sa mga pekeng accounts na gumagamit ng pangalan ng programa o ni Willie Revillame para manloko.


Ayon sa kanilang babala: “Masugid na hinahanap ng aming team ang pekeng pages na ito. At kung mapatunayan na ginagamit ang programa o si Kuya Wil upang makapanloko, agad-agad namin kayong sasampahan ng kaukulang kaso.”

Pinaalalahanan din ng Wowowin na para sa proteksyon ng mga nais sumali sa 'Tutok To Win' ay ipadala lamang ang kanilang contact details sa pamamagitan ng private message o PM sa official Wowowin Facebook page.

Tumutok nang live sa Wowowin mula Lunes hanggang Biyernes sa TV, YouTube, Facebook at Twitter.

*****

Dahil sa enhanced community quarantine, sa bahay na lang nag-honeymoon ang Kapuso singer Aicelle Santos at asawa nitong si Mark Zambrano.

Kinasal noong November 2019 sina Aicelle at Mark.


Babawi na lang sa na postpone na honeymoon 
Ayon kay Aicelle, okey lang daw na ma-postpone ang kanilang honeymoon dahil kontento na sa bahay na lang sila. 

“Mas nakikilala namin ang isa't isa kasi mula naman nu'ng kinasal kami at tumira sa iisang bubong, busy pa rin kami pareho. May trabaho kami, so hindi rin kami nakakapag-spend ng time together. Ito 'yung aming 'pseudo honeymoon',” sey ni Aicelle. 


Dagdag pa niya, mas marami raw silang oras na gawin ang mga newlywed couple activities gaya ng paghuhugas ng pinggan, pagluluto, at maging paglalaro ng computer games. 

Naka-schedule sanang lumipad sina Aicelle at Mark patungong Japan para sa kanilang honeymoon dahil mahilig daw sila sa mga Japanese food. 

“Wala na muna kaming iniisip na pagre-rebook kasi hindi natin alam kung ano bang mangyayari after nito. Siguro safety muna, magandang dito muna tayo sa kani-kanilang mga bahay,” diin ni Aicelle.

*****

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-post ng picture ang Kapuso actress na si Solenn  kasama ang 4-month old daughter na si Baby Thylane. 

Sa caption ni Solenn, sinabi nito ay: “Best days at home getting to know your pure gentle sou. Te amo Thylane....”
Soleen with baby Thylane
Cute na cute ang netizens sa precious moment ng mag-ina, at inulan ng heartwarming messages ang comment section ni Solenn mula sa fans at mga kaibigang artists. 

Sana daw ay dalasan pa ni Solenn ang pag-upload ng photos na kasama niya ang baby girl.

*****

Para gumaan ang pangangamba ng publiko dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa, naglabas ng isang initiative ang GMA Music gamit ang ba’t ibang mga kanta sa ni-release na compilation album.

GMA Music Artists for the fund raising proj\ect
Ayon sa post via Instagram: “A compilation album with the most #Heartfelt songs we've ever produced will be available for streaming in 3 days!" 

Makakasama ang mga singles nina Alden Richards, Kyline Alcantara, Rita Daniela, Princess Velasco, Kristoffer Martin, Golden Canedo, The Clash alumni, Migo Adecer, at Jolina Magdangal. 

Siguradong tatagos sa puso ng mga makikinig ng album na ito kaya abangan ang launch nito. 

Sundan ang mga updates ng GMA Music online!


Jennylyn at Dennis: May bagong bisyo

Dennis Trillo- Jennylyn Mercado






Hindi napigilan na maki-join sa TikTok craze ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Ipinakita ni Jen sa kanyang mahigit 89,000 followers ang kanyang comedic side sa pamamagitan ng kanyang TikTok videos, pati na rin ang kanyang pakikipagkulitan  kasama ang boyfriend na si Kapuso Drama King Dennis Trillo at kanilang mga alagang pusa.

Maraming followers ng dalawa ang nag-aabangan parati sa kanilang CoLove segment nila every Sunday sa no-contact online show ng All-Out Sundays. 

Lagi na lang pinapakilig nina Jen at Dennis ang Kapuso netizens sa kanilang rendition ng “Need You Now” ni Lady Antebellum. Sa kanilang number, tumugtog din si Jen ng bass guitar habang acoustic guitar naman ang kay Dennis.

Tangal inip ang bisyo laban sa lockdown
Sa isang Facebook post, sinabi ni Jen na nag-aral siyang tumugtog ng bass guitar habang hindi muna nagte-taping ang Descendants of the Sun Philippine Adaptation dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine. 

Pinayuhan niya rin ang kanyang followers na gamitin ang pagkakataong ito para matuto ng mga bagong hobby habang nasa bahay.

“Sino ba namang mag-aakala na magkakaroon tayo ng ganitong kahabang free time kaya dapat samantalahin na natin 'to. Maging productive tayo and discover other things na kaya nating gawin."

*****





Patuloy ang pagtulong ng Kapuso actress na si Mika dela Cruz sa mga kababayan niya sa Malabon at sa mga frontliner laban sa COVID-19. 

Sunud-sunod ang pamimigay niya ng relief goods sa mga apektado ng pandemic at tulad na lang ng mga nawalan ng kabuhayan. 


Mika dela Cruz
Ni-launch naman ni Mika ang crowdfunding website na tinawag niyang ‘SHARE THE CARE (PPE for our frontlines), kung saan puwede ang sino man gustong magbigay ng tulong pampinansyal para sa pagbuo ng ‘care pieces.’ 

Kuwento ni Mika na inabot siya ng ilang linggo para itayo ang fundraiser na ito.

“Our CARE PIECES include CARE MASKS / CARE SHIELDS / CARE SUITS that will all be donated to our chosen hospitals/medical centers here in Metro Manila. Our in-house team is capable of producing these pieces everyday. It would be great and much-appreciated if you can help us fulfill our mission by funding some of the said CARE PIECES! The more funds we raise, the more PPE's we can donate and the more medical practitioners we can help!” 

Nire-remind pa niya ang mga tao na magsama-sama para muling bumangon mula sa pagsubok na ito.

*****

Lumabas na finally ang pinaka-hihintay ng Sunflower fans ni Kapuso Breakout Star Kyline Alcantara na official music video ng kaniyang single na pinamagatang ‘123.’ 

Sa ilalim ng GMA Music, patuloy ang paglaki ng career ni Kyline hindi lang sa pag-arte kundi pati na rin sa music industry.

Naka-season break muna si Kyline sa pinagbibidahan niyang ‘Bilangin ang Bituin sa Langit,’ hindi pa rin titigil si Kyline sa pagpapasaya ng Kapuso fans. 

Patuloy na maglalabas ang GMA Music ng mga bagong pinroduce na music videos every week. 

Susunod na mapapanood sa Abril 8 ang kanta naman ni Bianca Umali na ‘Kahit Kaillan’! 

Abangan ‘yan sa social media pages ng GMA Music!



Tom Rodriguez, agaw-pansin

Tom Rodriguez




Nag trending ang episode ng Love of My Life kung saan may necrological service para kay Stefano, ang karakter na ginagampanan ni Tom Rodriguez.

Matindi ang episode kung sasn nagpaalam kay Stefano (Tom) ang kanyang mga mahal sa buhay.

Bumaha mg luha sa nasabing episode dahil sa lungkot na dinanas nina Coney Reyes, Rhian Ramos,  at Mikael Daez.

Gabi-gabi ay trending ang Love of My Life. At panalo rin ito sa ratings.
Sabi nga mga regular viewers ng show ay ma-maintain nila ang magandang takbo ng kwento.

Marami naman sa regular viewers ng Love of My Life ang pumuri sa mahusay na performance ni Tom.


Attention-getter din naman kasi ang papel ni Tom and to be fair sa karelasyon ni Carla Abellana, he was able to pull if off with flying colors.

Maraming mga netizens ang nagwi-wish na sana ay mapansin ng mga tv award-giving bodies ang acting ni Tom sa Love of My Life.

Maigsi man ang kanyang role, nag -iwan naman ito ng marka. His character as Stefano may be gone in Love of My Life pero patuloy siyang maalaala dahil sa husay na kanyang ipinamalas.

*****

Bakasyon muna ang beauty ni Kyline Alcantara sa Camarines Sur.

Since wala pa naman taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit dahil sa lockdown kaya go muna sa kanyang grandparents sa mother side ang Kapuso young actress.

After ng taping niya ng Bilangin ang Bituin sa Langit last week ay go na agad sa Camarines ang Bicolanang Kapuso actress.


Kyline Alcantara
Samantala, hanggang Tuesday na lang daw muna ang airing ng Bilangin at ibang Kapuso prime time shows.

Replays muna ng mga past shows ng GMA 7 ang mapapanood sa Kapuso channel.
Hindi pa raw sure kung kailan mag resume ang taping ng Bilangin. Tapos wala pa rin naman live telecast ng All Out Sunday kaya can afford muna magbakasyon ni Kyline.

Pero ipalalabas muli sa prime time ang Kambal Karibal na naging top-rater at inabot ng one year ang airing.


***

Wala talagang ligtas sa COVID-19 kahit pa ikaw ay nag-iingat.

Mismong si Sen. Miguel Zuburi mismo ang nag-announce sa kanyang social media account that he tested positive sa Covid-19. Nagpa-test siya noong Biyernes habang siya ay naka-self quarantine at si Sec. Duque mismo ang tumawag sa kanya noong Lunes and told him that he is infected.

Bagamat nalungkot siya, Migs said na best decision na ginawa niya na nag-self-quarantine matapos ang kanilang session para maprotektahan ang kanyang pamilya.

Dahil isa siya sa naunang nagsulong para magkaroon ng strong response ang gobyerno sa pagkontrol ng Covid 19 virus, agad siyang nag-practice ng social distancing.

Gayunpaman ay tinamaan din siya ng virus. Ibig sabihin nito ay mabilis kumalat ang virus.
Kaya ang panawagan ni Sen. Migs sa lahat ay mag-stay na lang sa bahay at panatilihin malinis ang ating mga sarili.

Mag-self quarantine siyang muli for 10 days and hopefully ay negative na ang sunod niyang test,

Let us be careful and be safe.