Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Tom Rodriguez




Nag trending ang episode ng Love of My Life kung saan may necrological service para kay Stefano, ang karakter na ginagampanan ni Tom Rodriguez.

Matindi ang episode kung sasn nagpaalam kay Stefano (Tom) ang kanyang mga mahal sa buhay.

Bumaha mg luha sa nasabing episode dahil sa lungkot na dinanas nina Coney Reyes, Rhian Ramos,  at Mikael Daez.

Gabi-gabi ay trending ang Love of My Life. At panalo rin ito sa ratings.
Sabi nga mga regular viewers ng show ay ma-maintain nila ang magandang takbo ng kwento.

Marami naman sa regular viewers ng Love of My Life ang pumuri sa mahusay na performance ni Tom.


Attention-getter din naman kasi ang papel ni Tom and to be fair sa karelasyon ni Carla Abellana, he was able to pull if off with flying colors.

Maraming mga netizens ang nagwi-wish na sana ay mapansin ng mga tv award-giving bodies ang acting ni Tom sa Love of My Life.

Maigsi man ang kanyang role, nag -iwan naman ito ng marka. His character as Stefano may be gone in Love of My Life pero patuloy siyang maalaala dahil sa husay na kanyang ipinamalas.

*****

Bakasyon muna ang beauty ni Kyline Alcantara sa Camarines Sur.

Since wala pa naman taping ng Bilangin ang Bituin sa Langit dahil sa lockdown kaya go muna sa kanyang grandparents sa mother side ang Kapuso young actress.

After ng taping niya ng Bilangin ang Bituin sa Langit last week ay go na agad sa Camarines ang Bicolanang Kapuso actress.


Kyline Alcantara
Samantala, hanggang Tuesday na lang daw muna ang airing ng Bilangin at ibang Kapuso prime time shows.

Replays muna ng mga past shows ng GMA 7 ang mapapanood sa Kapuso channel.
Hindi pa raw sure kung kailan mag resume ang taping ng Bilangin. Tapos wala pa rin naman live telecast ng All Out Sunday kaya can afford muna magbakasyon ni Kyline.

Pero ipalalabas muli sa prime time ang Kambal Karibal na naging top-rater at inabot ng one year ang airing.


***

Wala talagang ligtas sa COVID-19 kahit pa ikaw ay nag-iingat.

Mismong si Sen. Miguel Zuburi mismo ang nag-announce sa kanyang social media account that he tested positive sa Covid-19. Nagpa-test siya noong Biyernes habang siya ay naka-self quarantine at si Sec. Duque mismo ang tumawag sa kanya noong Lunes and told him that he is infected.

Bagamat nalungkot siya, Migs said na best decision na ginawa niya na nag-self-quarantine matapos ang kanilang session para maprotektahan ang kanyang pamilya.

Dahil isa siya sa naunang nagsulong para magkaroon ng strong response ang gobyerno sa pagkontrol ng Covid 19 virus, agad siyang nag-practice ng social distancing.

Gayunpaman ay tinamaan din siya ng virus. Ibig sabihin nito ay mabilis kumalat ang virus.
Kaya ang panawagan ni Sen. Migs sa lahat ay mag-stay na lang sa bahay at panatilihin malinis ang ating mga sarili.

Mag-self quarantine siyang muli for 10 days and hopefully ay negative na ang sunod niyang test,

Let us be careful and be safe.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply