Sharon Cuneta-Angel Locsin |
Nag-donate ng sanitation tent si Megastar Sharon Cuneta sa New Bilibid Prison at si Angel Locsin mismo ang nagbuking sa pagtulong na ginawa ni Sharon kahit ayaw ng megastar na ipaalam ang ginawa niya.
Pero dahil overwhelmed si Angel sa pagtulong na ginawa ng
Megastar, hindi na rin napigil si Angel na ipabatid ang tulong na inihandog ni
Sharon. Hindi lang isang sanitation tent ang maido-donate ni Angel thru Sharon’s
donation.
Hindi naman ugali ni Sharon na i-broadcast ang kanyang
pagtulong. Sapat na sa kanya na siya ay pasalamatan for kindness and
generosity.
Mga tunay na Darna sa panahon ng COVID-19 |
Patunay lamang ito na maraming artista ang generous at
genuine sa kanilang pagtulong kahit na ayaw naman nila itong ipaalam sa mga
tao. Pero hindi mo rin naman maiiwasan kung ‘yung mga taong nakatanggap ng
tulong ang magsalita tungkol dito bilang appreciation sa unexpected help na
kanilang natanggap.
Pero hindi lang naman si Sharon ang naghandog ng tulong
kundi pati rin ang kanyang mister na si Sen. Francis Pangilinan. Bumili itong
mga gulay mula sa mga vegetable vendors from Baguio na kanyang ipinamamahagi as
cooked sa mga frontliners.
Maraming mga celebrities ang tumutulong in their own quiet
way para sa mga frontliners who are risking their lives para makatulong sa mga
COVID-19 patients sa iba’t-ibang mga ospital.
*****
Dahil sa Covid-19, maraming scheduled shows and concerts
ang na-postponed. Dahil sa social distancing na umiiral, bawal muna ang mga
large gatherings like shows and concerts dahil hindi natin batid kung
makakasama natin sa isang event ay positive or negative sa Corona Virus.
Mas mabuti na ang mag-ingat. Isa pa, hindi naman natin
gugustuhin na tayo pa mismo ang maging dahilan para kumalat ang virus.
Pero may naisip na paraan ang ABS-CBN music para
makapagbigay ng kasiyahan via “All Music: Artists at Home Sessions,” isang
daily concert series na ang layunin ay makalikom ng additional donations para
sa “Pantawid ng Pag-ibig” campaign.
“All Music: Artists at Home Sessions” performers |
Handog ng mahigit 60 artist sa mga manonood at tagapakinig
sa bahay ang libreng musical performances 8pm gabi-gabi sa Facebook at YouTube
pages ng Star Music, MYX, MOR 101.9, One Music PH, and TFC, pati na sa iWant.
Kabilang sa mga unang nag-perform noong April 1 sina Lani
Misalucha, DJ/singer Ana Ramsey at si Jake Cyrus kasama sa DJ Cha Cha
Sinundan naman ito ng mga batang Pinay vocalists na sina Zephanie, Ianna Dela Torre, at Jayda nitong Huwebes (April 2) kasama naman si MYX VJ Ai bilang host.
Noong Biyernes (April 3), naghandog ng mga awitin sina
Miguel Odron, JMKO, at Kakai Bautista kasama si DJ Jhai Ho.
Tampok din ang iba pang mga mang-aawit sa “All Music:
Artists at Home Sessions” na sina Janine
Berdin at Ryle Santiago kasama si DJ Maki Rena noong April 4; at sina Kyle Echarri, KD Estrada, at
Sam Mangubat kasama si MYX VJ Dani last (April 5).
DJ Jhai Ho |
Dapat ding abangan sa mga susunod na araw sina Angeline
Quinto, Dingdong Avanzado, Erik Santos, Jamie Rivera, Jessa Zaragoza, Inigo
Pascual, Kiana Valenciano, Moophs, Morissette, at iba pang Kapamilya artists.
Kamakailan lang, nagsama-sama rin ang mga Kapamilya singer
sa pag-awit ng “Ililigtas Ka Niya,” kung saan ang makukuhang royalties mula sa
recording ng kanta ay ido-donate rin sa “Pantawid ng Pag-ibig” program.
No comments: