Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Vice Ganda, sablay ang unang sultada

Vice Ganda




After the State of the Nation Address from the man of the Palace, what happens next?

No idea on what he recited during the address because there were better counter programming offers that coincided with the speech. Preferred to watch my latest online fascination, the vlog collaborations of Benedict Cua and Mimiyuh which provided a lot of guffaw and kilig inducing moments. 

Happy ba si VG sa nzngyari sa Network niya
And did not bother to read the bullet points about it and all the opinions made after the recitation since we all know that such democratic expressions are futile anyway and those who continue to rally behind him, they couldn’t care less about all the political brouhaha for as long as their monthly stipend and social amelioration moolah come on time, walang kapantay ang pagmamahal nila sa Poong naka-upo.

Eh ang baklang nag-aambisyon at nag-iilusyon rin na maging poon of his own network, si Vice Ganda, kamusta naman kaya ang pakiramdam at pakiwari? Ang sa Vice Ganda Network, hindi lang sumablay ang una nitong pasabog, supot ang una nitong papatok.

Hindi pa pala talaga sila handang umere at super lame ang excuse na “technical difficulties” ang tinututurong dahilan kaya ang Little Ponies niyang busog na busog at pinalaki niya sa kanyang balahurang manner of pagpapatawa at hosting style na alam naman nating hindi of international standards at parang pang-sing along bar lang ang mga kaganapan. Nganga sa pag-aabang. Beh! Buti nga sa inyong lahat.

Sino ba kasi ang umuto kay Vice at binigyang ilusyon ang baklang nagkaka-itsura lamang dahil sa kanyang magagarang peluka at tunay na karakas na tinatago sa makapal na make up ay pwedeng magpatakbo ng isang network? Does he even have the experience and expertise of a Charo Santos? The respectability and the family background of a Carlo Katigbak? The media savvy and the knowhow what shows to acquire like a Lauren Dyogi? Does he even have they eye of who could be a “star” and who hss the potential to be an “actor” like Johnny Manahan?

Anong bago ang ihahain niya?

Kung no, nada at nay ang sagot niyo sa mga tanong, kung may investors man si Jose Marie Viceral sa kanyang network, hindsi ba kayo nag-aalala na baka malusaw lamang ang inyong ibinigay na capital lalo na nga’t pambungad na telecast pa lamang, pumalpak with a capital P and the lamest excuse talaga na “technical difficulty” ang may sala. Kung hindi pala “secure” at “sound”ang connection capacity para sila ay ma-broadcast, bakit tila minamadali na mailunsad ang network kuning-kuning?

Asan ang clamor? Meron ba? Kung meron man baka sila-sila lang ang nakaka-alam, hindi ba naman?

And please, pray tell, ano ba naman ang originality at pagkakaiba ng “Gabing-gabi na Vice” sa “Gandang Gabi Vice?” as a flagship program and the network’s carrier show? Alam naman natin what happened to the last remaining season of GGV, eat your dust na ito ratings wise sa “The Boobay and Tekla Show” tapos newly minted network supposedly ang pambungad na alay, BAGONG LUMA NA PALABAS?

Hay naku, more BL shows please na lang kesa patulan ang network na alam naman nating doomed na agad-agad. Hindi pa ba indikasyon na hindi off to a good start at will not bear good fruit ang kiyeme latik na “network” na ito? If Vice Ganda wants his public to believe na is “serious” this time. TAKE OF THE WIG AND THE MAKE UP, at be behind the camera and offer program content na out of the box and revolutionary. Ang tanong, kaya niya ba?

Cesar, Robin, Alfred at Paulo, mga bayaning 3rd World

Paulo Avelino, Alfred Vargas, Cesar Montano and Robin Padilla



 When this Divalicious column appears online, we already know that those afflicted by the COVID-19 affliction may have reached the 70K mark and maybe even more. With these digits, we have become the number one nation in Southeast Asia with the most pisting veerus cases. 

Must we be delirious of this so called feat? Should we be all going crazy and paranoid, fearful of our lives and the once we love because these figures are more than alarming, it shouts end of days?

Are there rooms and spaces in our collective hearts and minds to still trust the best and the brightest in the gobiyerno nacional that they still are on top of this game called a pandemic and they still know what to do, what strings and ropes to pull and what solutions are in the must be implemented stage?

Kaya nga, hindi ko maiwasang maging nostalgic, and be filled with a huge of melancholia, habang inaalala ang mga pelikulang tungkol sa ating mga pambansang bayani na dugo at buhay ang inialay para sa Pilipinas nating mahal. 

Cesar Montano

Si Cesar Montano, bida sa Marilou Diaz Abaya’s Jose Rizal, the movie. Si Albert Martinez, Rizal sa Dapitan na obra naman ni Tikoy Aguiluz. Si Joel Torre, ang Jose Rizal sa Bayaning 3rd World ni reclusive film master Mike de Leon, Alam na nating ang kanser ng lipunan natin sa kasalukuyan ay talagang pagkalaki-laki nila, malban sa pagiging pambansang bayani, ano na nga ba ang political color at conviction nina Montano, Martinez at Torre? Bukas na aklat kung sino ang poon ni Cesar. 

Robin Padilla

Si Albert, wala tayong malay. Alam rin natin kung nasa kanino ang puso at simpatiya ni Joel.

Si Robin Padilla, naging si Andres Bonifacio sa Bonifacio: Unang Pangulo. Si Alfred Vargas, not once but twice na binigyag buhay si Gat Andres, sa Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio ni the late film icon Mario ‘O Hara at sa Ang Supremo ni Richard Somes.


Sa kanilang mga political choice, hahayaan natin ang kasaysayan at panahon, ang humusga sa dalawang mabunying actor. Si John Arcilla, mas lalong nakilala at bumango ang pangalan bilang si Heneral Luna talaga namang isa sa pinag-usapan, minahal at yinakap na pelikula ni Jerrold Tarog. Mula rin sa imahinasyon, pagsasaliksik, sulat at dikreksyon ni direk Jerrold 
 
Paulo Avelino

ang Goyo: Ang Batang Heneral na ang bida, si Paulo Avelino. Si Arcilla, ang publiko alam kung sino at ano sinusuportahan, pagkiling at simpatiya. Kay Paulo, tikom ang bibig, tahimik at kahit sa kanyang social media platforms, walang mababasang salita o paglalahad tungkol sa kanyang damdamin at opinyong politikal at usaping pambansa. Nasa demokrasya naman tayo kaya wala tayong finger-pointing at pagdidiin sa mga artistang ito na minsan sa kanilang mga karera at propesyon bilang artista, ay mahusay na binigyang buhay, kaluluwa, puso at damdamin ang ating history text book heroes. Kung bakit may ilan sa kanila ang tila hindi isinapuso at hindi tumimo sa kanilang pagkatao at pagkalalaki at pagiging mga lalaki ang mga ipinaglaban, mga naging hinaing at pangarap nina Gat Jose Rizal, Andres Bonifacio at iba pa, sila lamang ang may alam at kung ano man ang kanilang paliwanag at katwiran, ating tanggapin. Pero sa usaping ka-respe-respeto ba ang kanilang naging desisyon at pagpili, sa atin na lang ang paghuhukom na iyon. 

Anne, Anna, ang mga babae sa buhay ni Clint Bondad

Clint Bondad and Ann Valdez





It took the Man from the Palace to realize that indeed, the pisting veerus is the major culprit for all the economic, lifestyle and political woes of the Pilipinas nating mahal.

Now that he acknowledges it, what happens next? What will be deemed as urgent by the poon and his minions? Change of the national airport’s name? Call for federalism? Creation of a department of culture? Classes in August even if there is no vaccine in sight? 

\Clint and Anna Vadez
Habang patuloy ang pag-ja-jack-en-poy with matching pitik-bulag ang the best and the brightest kung ano ang next big political drama, dalirutin muna natin ang maalindog na kababaihan na mala-gamo-gamo sa buhay na apoy at naglalagablab na si Clint Bondad.

First things first, ang short lived infamy of an earthy and dusky lady na kalaplapan ni Bondad in a titillating video na nag-circulate at pinanood of all na may crush means pagnanasa sa ex ni Ms. Universe 2018 Catriona Gray.

Ang babaeng kalaplapan ni Clint at ang team gurlis, hinahanting na siya. Ang kanyang ngalan ay Anna Valdez.

Model of a now defunct men’s magazine na ang tanging ambisyon ay patigasin ang mga natutulog na ugat ng mga kalalakihan at bold starlet wannabe pala ito, In fairness to the her, sexy with a capital S siya talaga. Kaya nga lang, sa biglaang tingin, aakalain mo talaga naging babae siya dahil sa hiwaga at advancement ng modern agham. No offense meant sa kapwa nating diwata at sirena, si Valdez kasi, mukhang bakla na kahit pa nga naging successful ang sexual reassignment hindi pwedeng ikubli ang mga sumpa ni Adan.

Ang kanyang pasabog, totoo ang kanyang pagiging babae at pagkababae. May menstrual cycle. May matris, bahay bata, obaryong may itlog na pwedeng punlayan at maging baby. Walang dudang naging maingat sila ni Bondad kaya after the video that showed a sampling of their tryst, after nine months, walang umuha, Palakpakan para kay ate girl, Nagka-Clint Bondad German sausage experience siya, huh!

Si Anne Jakrajutatip, ang billionaire at network owner mula sa Bangkok ay isang berdaderang transwoman na siyang nag-aaruga kay Bondad. Kung si Valdez na tunay na babae ay pinagkakamalang tranny, ang tranny na si Anne, mula ulo hanggang paa, babaeng-babae talaga. Siya ay living proof na ang transwoman ay woman.

Nine months na ang binata na under her tender, loving, care. Ang may tumbling na may kasunod na split factor, per her IG posts, “sister” at ”brother” ang kanilang relasyon at turingan. Yes, you read it right. Hindi erotic. Mas lalong hindi romantic. At 100 percent platonic ang kanilang closeness, ayon iyan sa dramarama ni Anne. 

Happy sa status nila ng Thai Billonaire si Anne

Sa pahayag na sila ay “magkapatid”,umarko ang sangrekwang kilay. Ang bangs, non-existent man o mayroon talaga ang mga kakababaihan, lalong-lalo sa mga sangkabekihan, nagdabog in a major, major way. At yes, oh yes, sina Zaido at ang mga Pulis Pangkalawakan, tumili ng walang sound!

Ayaw paawat ang Ms. J, ang cryptic messages ni Bondad, hindi raw dapat maging cause of alarm and concern kasi nga he was just humoring himself and his followers.

Ay! Master of black comedy pala itong si Clint, ang taray. Sila lang pala ni Anna ang nakaka-intinditi sa mga paandar niya. Gullible pala tayong lahat. Hiyang-hiya naman ako sa mag-ate at kuyang ito, huh! Basbasan na natin si Anne at Clint, lalo na ang kanilang platonic relasyon. Kahit pa nga naisin nilang mag-go forth and multiply, alam nating BIOLOGICALLY IMPOSSIBLE. Dahil diyan, has been na si Clint Bondad after this.

Clint Bondad:Tuliro, windang at wasak dahil sa pag-ibig

Clint Bondad

It made me laugh, really! As in guffaws galore that made most bellies, specially the majority tickled by the trending topic in a social media site.

And the subject of the hashtag? A high ranking government official whose mamma mia received the foulest cuss words. What happens next is more mind boggling as this HRGO requested the top investigating agency to run after the people who are expressing their words of discontent and disgust in social media that are all thrown at him. Is this a case of “balat sibuyas” or a witch hunt determined to proclaim this and that individual as scarlet people who sinned against him. Pare, sinaktan ang pride at pagkalalaki niya kaya ayan, nagsumbong and gusto kong ipakita who is boss? 

Clint, winasak ng pag-ibig

Hay naku, parang mas gugustuhin ukulan ng pansin ang mga nakaka-intrigang posts ni actor-model Clint Bondad, na formerly known as Catriona Gray’s ex-boyfriend.

Sa unang basa ko sa mga kuda at hanash ni Bondad sa kanyang Instagram Stories, parang hindi naman bothersome at dapat mag-worry dahil nga karapatan naman niyang i-express ang kanyang namamarkulyuong damdamin. At ano naman kung laging plain dark backgrounds ang ginagamit niya sa kanyang posts. Hayaan na natin siya sa trip niya dahil at first read, para namang he just had too much of whatever he takes kaya may hanash siya tungkol kay Buddha, Hell, being next level, controlling media, being a millionaire since 12, teaching ninjas how to drink peppermint tea, being a yogi, Keanu Reeves, John Wick at kung ano-ano pang habla na hindi mo ma-decipher kung totoo o sadyang fertile ang kanyang imahinasyon. 
Kapraningan o' di lang maka-move on?

Obviously, he knows how to play with words, make images that stir the emotions of those who follow him. Sa totoo lang, kung bordering na kasi ang mga pinagsusulat niya sa parang hindi na “matino” at “nakakatakot,” that he needs serious intervention or psychological help, siguro naman ang immediate family niya and the closest friends, ang unang mag-re-reach out sa kanya. Sila ang mag-tatanong, sila ang mas may karapatang mag-aalala at mag-console, kumausap dahil they know him better. He is their family and blood, after all.

Yung post niya na gustong niyag maka-chat si Sam Milby, makatarungan lang na hindi na dapat patulan,


Clint and Catriona

Ang mga pangangana niya kay Catriona Gray na: “I have Zero allergies except Cats...Irony,” “Cat’s friends used to call me walking Google,” “P.S. I create Queens” and “I am virus in everyone’s head I am the Ex,” dapat hindi na rin patulan ni Ms. Universe 2018. Silence must be her best defense and no point in dignifying the words of her ex.



In time, Mr. Bondad must man up. If this is his way of exorcising his personal demons, in a very public manner like IG, let him be. Kung talagang minahal niya nga si Bb. Gray, hindi niya ito sisirain at mas lalong hindi niya ito sasaktan.

Kung ang purpose niya is to destroy the one he used to love, now we know why Catriona had to put an end to their relationship, if that is the real case. Let us just hope that those who know him well, will not turn a blind eye and look the other way ngayong may mga sinusulat at sinasabi niyang pwedeng ma-misconstrue. If this is a cry for help in disguise, sa mga Bondad at kaibigan niya, you know what is the next step. 



Jennylyn Mercado:Palaban ang Hanash at Kuda

Jennylyn Mercado



 We are on the fourth month of the general community quarantine (GCQ) and yes, we all aware that its extension is up to the end of this month.
As we celebrate the 124th day of the pisting veerus that continues to unleash its wrath and havoc, getting fiercer and stronger, plus the political shenanigans that pop out like mushrooms on manure, do we still have the energy and heart to count our blessings and be thankful for what we have?

Enough to make ends meet, merci. Sufficient supplies to last another day or so, gracias. Waking up to the chirping of the birds and smell of freshly brewed Batangas barako, salamat. Survivors of the game the gobiyerno nacional is playing, gamsahabnida. Kaya nga kesa madagdagan pa ang wrinkles at mag-open ang pores at manghinayang sa collagen-infused moisturizer at sun block, plus the unscented soap bar for sensitive skin kaya ang inyong Divalicious Showbiz Blah ay maintained ang glow, join na lang tayo sa pangangamusta at pagmamagandang ayon naman talaga sa kanyang ganda na ang may kuda at hanash, si Jennylyn Mercado.

Sa artista based reality show kung saan siya galing, si Jennylyn na lang ang last woman standing sa batch niya in terms of kasikatan at may kabogerang title na the Ultimate Star.

Si Mark Herras, supporting roles na ang ginagawa at hanggang ngayon, sa sayaw lang gumaling, sa pag-arte? Next question please. Si Yasmien Kurdy, naging maybahay, ina, nakapagtapos ng pag-aaral, naging one of the ka-Siyete reliables but no way near the estrella and stature of Mercado. Eh si Mr. Killer Smile Rainier Castillo? Killed na ang career.

Jennylyn, laban kung laban

Kaya, ngayong may hanash si Mercado na: “Kumusta na po kaya ang nagMañanita, ang senador na gumala, at ang blogger na nag mass gathering?” at ang karugtong pa ay: “Hindi sila punasa sa vibe test” ay! Stop, look and listen ang lahat, huh!

After Janine Gutierrez, Jasmine Curtis Smith, si Jennlyn ang pangatlong J mula sa Kamuning situated network na ayaw papigil at gigil na gigil sa kaganapan.

Sa true lang, hindi lahat eh naaliw sa pagmamaganda niya. May mga kumakana sa kanya sa Twitter na mag-STFU (shut the fuck up) na lang, pero ayaw niya talagang paawat :“Kelan naging mali ang ‘mangealam’ o speak out? Have you forgotten that one of our basic rights ay ang Kalayaan ng Pananalita? The moment you hinder someone from speaking their mind is the moment you failed to respect the rights of your fellow Filipino.”

Keber sa mga may ayaw sa stand niya sa isyu
Oh my, ang dream, believe and survive StarStruck first female victor! Mananalig na ba ako na she has the mastery na of expressing herself using the King’s language? Inglisera na siya!

Ang pinaka-bet kung pagpatol ni Mercado, ang sagot niya sa: “Better maging neutral ka na lang para iwas bashing. At the end of the day ur not kapamilya star.”


Gusto kong manalig na essence of being a woman ni Sushmita Sen, ang pagiging confidently beautiful ni Pia Wurtzbach at ang silver lining eme ni Catriona Gray, lumevel ang reply ni Jen na: “But I am a Filipino and that alone is enough. To be neutral or silent in times of injustice is injustice. If being ‘bashed’ is a small price to pay for practicing my right to freedom of speech, then I am fine with it.”

Slow clap for you Jennylyn Mercado, it’s you na already!



Gretchen, Vivian at Isabel, mga Rosas sa Pandemya

Isbel Rivas, Gretchen Barretto an Vivisn Velez



It was not the usual drizzle when this Showbiz Blah columnist wrote my Divaiclious. It was a rainy and wet day. Loving the smell of the air, it seemed fresh and unpolluted. And as always, the pitter-patter sound of the rain dropping on my home’s rooftop, made me more contemplative.

Rains free my mind from the clutter. It calms the heart from all the anxieties and uncertainties that are held at bay. Soothes the spirit from its continuous spinning, stirring and twirling. 


Kaya nga, hindi ko maiwasang mapansin ang tatlong seasoned rosas in full blooming or wilting nga ba ngayong pandemya season, sina Gretchen Barretto, Vivian Velez, and Isabel Rivas. Ano ang common denominator of these trois femme matures? Lahat sila were sexy stars of yore.

Of course, hindi na ako nagtataka kung pinangangalandakan ni La Barretto na siya ang pro-Duterte supporter at pangmalakasang tinanggi ang sinasabi niyang fake social media account. We all know ang babaing hindi na gumagalaw ang mukha loves to be in the limelight and being controversial, iyan yata ang gusto niyang mastery sa buhay.

Nasa demokrasya naman tayo kayo kung maligaya siya sa pagiging rah-rah girl of the poon sa palasyo when majority of the denizens are revolted by the leader of the gobiyero nacional, so be it! Huwag na patulan pa ang babaing ang mga pelikula ay pawang skin flicks at kahit kailan, hindi nakilala bilang mahusay na aktres. Kaya kahit naghuhumiga siya sa yaman at rangya, her biggest validation na hirangin siyang “aktres” just like her kasabayang si Dawn Zulueta, ay never mangyayari dahil hamonada siya of the Excellente order pagdating sa pag-arte. 

Isabel, maanghang din ang hanash laban kay Vivian

Not wanting to pollute my column with her vitriol, pakihanap niyo na lang sa suki niyong search engine kung ano ang kuda at hanash ni Vivian Velez matapos mangyari na hindi binigyang prangkisa ang isang istasyon.

Ang axe to grind you against the former network grabehan, Anor in ang dahilan kung bakit may drama siyang babangon ako at dudurugin kita para sa dating istasyon sa Mother Ignacia? Paki-personal message na lamang si Cristine Reyes.

Ang hindi ko kinaya sa kanyang posts, eh pag-quote ng bible quotes to solidify her posts. Drama-drama ka na may kaalaman ka sa mga bagay na “biblical” tapos you find it in your heart na magbunyi na 11,000 plus people ang naidagdag sa ballooning population of jobless and the unemployed? Ang ganitong klaseng bible-quoting ka-ipokritahan, hindi dapat pinalalagpas, at dapat pinamumukha sa nagsabi na hiyang-hiya naman ako sa relasyon mo sa Panginoon at ganyan ka umasta at mag-inarte. Ano pa ba naman ang aasahan mo sa ibang babaeng ang tanging claim to infamy lang naman ay ang back to back titles niyang Body Beautiful and the original Betamax Queen.

Sa trio, pinaka-panalo na ang pagmamaganda ni Rivas whose wrath is directed sa kasalukuyang Film Academy of the Philippines head. 

Vivian-isabel: Bangayan ng mga rosas ng pandemya

Ano ang sinabi ni Ms. Rivas kay Ms. Velez sa kanyang Facebook account? Naka-public naman ito kaya madali niyong mahahanap at masasaliksik. Ang masasabi ko lang, ang subject of her rage and vitriol, sobrang deserving.

Barretto, Rivas and Velez belong to a generation of nymphets na hindi pa salamat po doctor, magaganda talaga at talagang maraming barako ang sila ay hinangaan, pinantasya at pinagnasaan.

What happened between their hubadera days up to now, chronicled and documented na lahat, what with all the available search engines and movie platfroms give you a sample of their body of work as artists.

Kaya, nasa inyo na kung gusto niyong gawing aspiration ang mga buhay nila at inspirasyon ang kanilang diskarte bilang mga babae.

Basta in my book, siguradong ekis si La Barretto at si La Bombera Velez. Si La Rivas, amuses. Yun lang.

Mark Bautista-Derrick Monasterio : Mayroong 'Yummy Something'

Mark Bautista-Derrick Monasterio





 No more commentary with regard to the franchise renewal because the Mother Ignacia based station did not get it.

It is indeed a devastating and painful day for all the artists and employees of ABS-CBN. And yes, the entertainment sector as well will definitely feel the impact of this reality.

If you are curious as to how and why it happened, please just look for it at your favorite search engine. I cannot write about it. The pain is just too raw as of this moment. When evil becomes victorious, it always make me wonder, what steps did we miss? Were our collective prayers not enough? What happens next? Do we just accept this, be remorseful and then what? Are there other options that we can and must do? 

Derrick to Mark: 'Yummy!'

At dahil wala pang kasagutan sa mga tanong na iyan, pampangiti at kapilyuhan muna ang ating pag-usapan.

Ito naman kasing itong si Derrick Monasterio sadyang pilyo at paminsan-minsan nakakabigla ang mga kuda.

Sa Instagram, ang balladeer na si Mark Bautista, may larawang hubad baro at jogging pants ang pang-ibaba. Ito ba namang si Monasterio, ang reaction sa photo ni Bautista ay “Yummy po.”

Sa millennial na panahon, dapat pa bang pagtaasan ng kilay ang ganitong comment mula sa isang binatang matipunong si Derrick para sa kanyang kapwa artistang si Mark na tunay namang borta?

Ano ba ang appropriate term ang dapat gamitin mo sa kapwa mo lalaki kung may dating sa iyo ang kanyang built at musculature? Is “yummy” fitting at hindi naman siguro naglulumandi si Monasterio kay Mark dahil may “po” ang kanyang deklarasyon, 

Yummy Papa Msrk

2020 na naman, we are two decades in the year 2000, so new normal na nga bang ma-co-consider na ang mga lalaki, eh open ang vocal to express what they think of another man’s body in such a very public social media platform like Instagram?

Sadya bang progressive si Monasterio? Maaring malapit silang magkaibigan ni Bautista kaya pwede niyang purihin ito with a word such a yummy na kadalasan, mga babae at bakla ang gumagamit kapag kanilang nakikita ang mga homme na may crush means pagnanasa na sila.

So ang man-crushing is a millennial thing and hindi tayo dapat kabahan o nerbiyusin if this is indeed a reality sa mga kabinataan sa kasalukuyan?
Okey lang ba na magka-something sa dalawa?

Sa hindi pa sanay sa ganito, ang hirap hindi ma-misconstrue ang kaganapan dahil as a matter of fact ang pagsabi sa “yummy po” at sa totoo lang, mas marami ang malisyo at titillated sa ganitong exchanges kasi it is not something that we are accustomed to in the Philippine-Manila culture set up.

Ang Boomers, the generation before us, parang ang mga kalalakihan, hindi kayang sabihin na katakam-takam ang katawan ng kanilang kaibigang lalaki, Ang Generation X, kung 




saan kasali ang inyong Divalicious Showbiz Blahber kolumnista, ang demographic naming says the word yummy to someone na yes oh yes, talagang masarap ang pangangatawanan at may feeling kami na maaring he is great in bed. Karnalan talaga ang yummy.

Iba pala sa Generation Z, ang henerasyon ni Derrick Monasterio, na ang yummy, eh walang malisya at natural na paghanga lamang,

Iyan na lang ang gusto kong panaligan dahil baka maungkat na naman ang urban legend between Monasterio and another Kapuso actor dahil sa yummy-yummy adjective na iyan, huh!

Kaya, if we call Mark Baustisa the yummiest Pinoy alive, we cannot contest dahil may vote of confidence from a hunky dory guy like Derrick at maraming followers ang sumang-ayon kaya go for gold na iyan. 



John Lloyd Cruz vs. Piolo Pascual, eskrimahan sa paninindigan

John Lloyd Cruz- Piolo Pascual



 If you buy the narrative told by the spokesperson of the gobiyerno nacional, hook, line and sinker that they are “winning” the fight versus the pisting veerus, bless your good soul. You are entitled to your naïveté or maybe, since your existence is so vapid, it will take a lot of time before you accept or understand the gravity of the situation that we all facing.

What happens next to us all? Only God and the Universe know the answer. What we can do is to protect ourselves and loved ones by being hygienic, eating healthy food and taking supplements, practice social distancing, wear masks and avoid crowded places as much as possible. We cannot deny that the numbers of those with affliction continue to shoot up and since no vaccine is still available, it is indeed better to be safe than sorry?


Papa Lloydie, para sa bayan
Speaking of sorry, who is sorry now? Si John Lloyd Cruz ba na isa sa featured artists sa Filpino version ng Great Dictator video na ang orihinal ay gawa ni entertainment legend Charlie Chaplin?

O si Piolo Pascual na nagkamali lang daw sa pagsama kay Bb. Joyce Bernal sa Sagada. Wala daw kinalalaman si Pascual sa  SONA video clip shoot ni Bernal, Iba ang business nito dun, iyan ang sabi ni Alessandra de Rossi na hindi ko sure kung abogada, publicist o umaarteng parang kabiyak ni Papa P kaya ganun na lang ang pagtatanggol dito.

Papa P,pro-Poon?

Si JLC has always been vocal of his fear sa political clime that we are currently all in and ang kanyang takot, stems from the fact na too young pa ang kanyang panganay na si Elias Modesto. He wants to protect his beloved from the shenanigans na alam niya kung sino ang may gawa. Kaya ang Great Dictator video project ni direk n Gutierrez, sa panulat ni Rody Vera, ginawa niya gratis et amore, for free, in simple terms. He just wants, together with other artists like direk Joel Lamangan, Janine Gutierrez, Jasmine Curtis-Smith, Iza Calzado, Agot Isidro, Bibeth and Carlitos Siguion-Reyna, Mae Paner and political personalities such as Randy David, Senators Rissa Hontiveros and Kiko Pangilinand and Maria Ressa, to express their feelings and thoughts about the anti-terror law.

Eh si Piolo? Is he terrorized now with all the bashing, cursing, hating and vitriol thrown at him? Lalo nga’t we all know na ang network na nagpasikat at nagpayaman sa kanya, eh wala pang katiyakan, biglang ang ang kanyang true political colors and leanings ay revealed in such a fashion? May balita pa nga sa ibang portal kung saan ipinangalandakan na siya ay supporter ng Ginoo sa Palasyo.

Hindi ba such a disappointment ang ama ni Inigo Pascual na by process of osmosis and virtue of association kay Bernal, tinabla niya talaga ang embattled Mother Ignacia based network who plucked him from obscurity and made him the Piolo Pascual that he is.,

Kaya nga sa eskirmihang ito ng mga political na paninindigan nina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual, ang drama kings sa Dos, kanino kaya mas bilib at buong-buo ang pag-simpatiya at pananalig?

James at Nadine : Nagkabalikan EK at ang mga kadramahan ng dalawa

James Reid and Nadine Lustre

 Day 115. Yes we are the nation who holds the record as the Republic under quarantine status for the longest time. We jave experienced and survived the enhance, modified and its general phases and sadly, the numbers of those who are afflicted, continue to rise exponentially.  Must we treat these digits and persons with the disease as part of our way of life and already, and to some, maybe consider them as collateral damages?

For as long as there is no vaccine and once PDR testings have become more frequent, affordable with its results being released in a 24-hour time frame, expect the digits to quadruple.
Nagmahalan, naghiwalay, nagkabalikan (naniwala ka?)


Pag lumabas na ang Divalicious column na ito on line, alam na natin ang kapalaran na sinapit ng ABSCBN.  Kung ibinigay ng Kongreso sa kanila ang kanilang prangkisa, naway ang Ginoo sa Palasyo, tanggapin ito ng maluwag sa dibdib at huwag na i-veto. He has that option, you know.

Kung hindi naman ibinigay sa kanila, naway ang 11,000 employees, may separation pays, may malilipatang pagtratrabuhan o ibang means para sila ay may pagkakitaan. Not sure how the Philippine television landscape will change with only GMA 7 and  TV 5/Cignal as the only sources of free entertainment lalong-lalo na para sa descamisados at hoi pollois. Ang rich and famous naman, they have Netflx and other cable networks for they viewing fixes.

Kaya, aliwin muna natin ang ating mga  sarili sa chikang reunited and it feels so good, and yes oh yes, and now they are starting over again ang pinaka-mapusok at pinaka-pasaway na reel and real tambalan, sina James Reid at Nadine Lustre. 


Napaglaruan tayo nina JaDine?

Maglulundag ba tayong lahat na sila na nga muli? Nagkahiwalay ba talaga o baka naman lumipat lamang sa iba’t-ibang abode for the much needed breather and space pero friends with benefits pa rin ang status kahit hiwalay na ang dekolor at puti nila?

Sa sinasabing pagbabalikan nila, eh ano naman? Nawala ba ang pisting veerus dahil nagmamhalan silang muli? No. Mas kakaunti na ba ang magiging pasaway at hindi na magpapahara-hara here, there and every where now that the twosome are back in each others arms? Nay. At higit sa lahat, lilinaw, lilinis at maging amoy fresh na ba ang Ilog Pasig ngayong nagkakalembangan muli ang kanilang mga puso at nagdidikit muli ang kanilang loins? Nada! Dahil lahat ng sagot sa tanong ay negative, alam na alam na natin kung saan patutungo ang pagbabalikang ito.  Maaring ang punlay ni Reid, mapuruhan ang itlog ni Lustre at mauwi sa buntisan yan ay kung hindi sila nag-iingat at hindi safe sex ang kanilang habit o practice or maghihiwalay na naman silamg muli pag nagkasawaan na naman.

Maliban sa kanilang balikan, ano pa ba ang exciting sa dalawang millennial stars na ito? Ang recording label ni Reid, cue the paghihikab now! Ang pag-volt out ni Lustre sa kanyang kontrata sa kanyang dating mother studio, may resolusyon na ba? Ay naku, will anyone hire her pa kung walang go signal ang Viva? Eh kamusta namang ang talakan festival nila ni seasoned entertainment writer Jobert Sucaldito, simula pa lang ang war of the roses nila, huh!

Kaya sa tambalang James Reid at Nadine Lustre, good luck na lang sa inyong dalawa. You had your chances and opportunities, but sadly, you blew them all. 




Darna ni Jane at Pedro Penduko ni Matteo, may saysay pa ba?

Matteo Guidicelli at Jane de Leon



 How the people in the US, supposedly the most powerful nation in the world, will celebrate this special day, of course we will know in various social media platforms. We all know that July 4 is the American Independence Day.

If I remember it right, there was a time that the Filipino-American day is a cause for celebration in this Republic of ours. Of course, most people are not too embracing of any occasion that requires mass attendance because the COVID 19-pisting veerus, refuses to leave the archipelago. Despite the oh so many loans acquired by the gobiyerno nacional from this is that funding agency that is supposedly earmarked for the COVID 19 relief, one wonders, with the so many millions of dollars in the government coffers, where did all these loans go? 

Matteo is the new Pedro Penduko

Kaya nga minsan, parang ang bongga sana talaga kung merong mga tunay na super hero para nga matapos na ang naghaharing kasamaan, hindi ba naman?

Kaso, relevant pa ba sa kasalukuyang panahon ang mga tulad nina Darna at Pedro Penduko? May pag-asa pa ba talaga silang inihahatid sa masang Pilipino na sa kasalukuyan ay tulirong-tuliro on how they will make ends meet?

Si Jane de Leon, ang millennial Darna, walang kasiguraduhan kung kailan natin maririnig na isigaw ang “Ding, ang bato, dali” at mas lalong matatagalan pa bago natin masisilayan kung may pagbabago nga sa suot ni Narda pag siya ay ang mythical heroine na.  Ang bra ba ni Jane ay may magic bituin pa rin para hindi bumakat ang mga utong? Ang panty ba ay parang may kurtina pa rin para naman hindi masyadong halata kung ang bagong Darna nga ay pwede ring tawaging bagong Tambok Queen?


Jane, nabantilwan. ang lipad ng bagong Darna?
Ang mas nakakabaliw na katotohanan sa dapat na bagong reincarnation of the Mars Ravelo made iconic character na binigyang buhay na nina Vilma Santos, Nanette Medved at Anjanette Abayari to mention a few, at sina Angel Locsin at Marian Rivera naman sa telebisyon, ang film outfit na gagawa nito, ang kanyang mother network sa Mother Ignacia, kahit pa nga makuha nila ang numerong kailangan nila sa members of the House of Representatives, sigurado ba tayong ang Pangulo, will not exercise his power to veto it?

And if that happens, paano na si Darna at ang dapat sanang naging newly minted millennial star? Gone with the wind, gone in 60 seconds and lost in space na ba ang kanyang karerang hindi man lang nag-take off?

And what about Matteo Guidicelli’s Pedro Penduko? May mananalig pa ba na we need a hero like him? Ang mga millennial pa ba, would they care about a hero na for sure, hindi man lang nila kakilala?

What does Pedro Penduko stand for ba talaga? What makes him a hero? And why must he be given a millennial reboot?  Will they make him like billionaire Bruce Wayne now? O gagawin ba siyang mutant na may kakaibang tibay at lakas? O will it stick to the original vision of Francisco Coching, the National Artist for Literature (posthumously awarded) as a “normal human being who has no superpowers, but is resourceful and quick-witted in battling evil forces.”

Well, well, well…. aabangan pa ba natin si Jane de Leon bilang Darna at si Matteo Guidicelli bilang Pedro Penduko, o mas gugustuhin na lang nating mag-piko at mag-kandirit o kaya magmataray with matching pamewang na there are more better things to do.