Vice Ganda |
After the State of the Nation Address from the man of the Palace, what happens next?
No idea on what he recited during the address because there were better counter programming offers that coincided with the speech. Preferred to watch my latest online fascination, the vlog collaborations of Benedict Cua and Mimiyuh which provided a lot of guffaw and kilig inducing moments.
Happy ba si VG sa nzngyari sa Network niya |
Eh ang baklang nag-aambisyon at nag-iilusyon rin na maging poon of his own network, si Vice Ganda, kamusta naman kaya ang pakiramdam at pakiwari? Ang sa Vice Ganda Network, hindi lang sumablay ang una nitong pasabog, supot ang una nitong papatok.
Hindi pa pala talaga sila handang umere at super lame ang excuse na “technical difficulties” ang tinututurong dahilan kaya ang Little Ponies niyang busog na busog at pinalaki niya sa kanyang balahurang manner of pagpapatawa at hosting style na alam naman nating hindi of international standards at parang pang-sing along bar lang ang mga kaganapan. Nganga sa pag-aabang. Beh! Buti nga sa inyong lahat.
Sino ba kasi ang umuto kay Vice at binigyang ilusyon ang baklang nagkaka-itsura lamang dahil sa kanyang magagarang peluka at tunay na karakas na tinatago sa makapal na make up ay pwedeng magpatakbo ng isang network? Does he even have the experience and expertise of a Charo Santos? The respectability and the family background of a Carlo Katigbak? The media savvy and the knowhow what shows to acquire like a Lauren Dyogi? Does he even have they eye of who could be a “star” and who hss the potential to be an “actor” like Johnny Manahan?
Anong bago ang ihahain niya? |
Kung no, nada at nay ang sagot niyo sa mga tanong, kung may investors man si Jose Marie Viceral sa kanyang network, hindsi ba kayo nag-aalala na baka malusaw lamang ang inyong ibinigay na capital lalo na nga’t pambungad na telecast pa lamang, pumalpak with a capital P and the lamest excuse talaga na “technical difficulty” ang may sala. Kung hindi pala “secure” at “sound”ang connection capacity para sila ay ma-broadcast, bakit tila minamadali na mailunsad ang network kuning-kuning?
Asan ang clamor? Meron ba? Kung meron man baka sila-sila lang ang nakaka-alam, hindi ba naman?
And please, pray tell, ano ba naman ang originality at pagkakaiba ng “Gabing-gabi na Vice” sa “Gandang Gabi Vice?” as a flagship program and the network’s carrier show? Alam naman natin what happened to the last remaining season of GGV, eat your dust na ito ratings wise sa “The Boobay and Tekla Show” tapos newly minted network supposedly ang pambungad na alay, BAGONG LUMA NA PALABAS?
Hay naku, more BL shows please na lang kesa patulan ang network na alam naman nating doomed na agad-agad. Hindi pa ba indikasyon na hindi off to a good start at will not bear good fruit ang kiyeme latik na “network” na ito? If Vice Ganda wants his public to believe na is “serious” this time. TAKE OF THE WIG AND THE MAKE UP, at be behind the camera and offer program content na out of the box and revolutionary. Ang tanong, kaya niya ba?
No comments: