Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

May pa-ABS si Alden




Kasama ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sa listahan ng "Ultimate Asian Heartthrob of 2020", isang poll na mula sa Starmometer.

Nasa ika-anim na puwesto si Alden. Siya ang kaisa-isang Pinoy na nakapasok sa Top 10.

Alden, pasok sa Top 10


Yearly ang botohan dito, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong  Asia.

Umabot sa total of 137,680 votes mula Facebook, Twitter, at Instagram ang nakuha ni Alden. 

Sumunod kay Alden ay ang mga sikat na international performers na sina V, Jungkook, Jin, at Jimin ng BTS, at ang Thailand actor na si Saran Sirilak. 

*****

Dahil sa lockdown, nawalan din ng kabuhayan ang maraming beki at ilang staff na nagtatrabaho sa mga comedy bar.

Ito ang naging abala ni Boobay dahil alam niya kung ano ang pakiramdam na mawalan ng trabaho, lalo na kung ikaw ang inaasahan ng pamilya mo.


Comedian Boobay, may tulong sa mga kasamahan
Kaya habang naka-break si Boobay sa taping ng The Boobay and Tekla Show, nagsama-sama silang magkakaibigan para mag-impake ng mga relief good sa mga pansamantalang nawalan ng kabuhayan.

Kasama ang mga kaibigang komedyante, iba't-ibang pakete ng biskwit, kape, at mga delata ang nire-repack  ni Boobay para ipamahagi sa mga nangangailangan ngayon.

Kasama rin sa relief effort na ito ni Boobay ay si Allan K na maraming tauhan sa kanyang comedy bars na Klownz at Zirkoh na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.



*****

Usung-uso na ang mga online benefit concert na ginagawang pang-aliw ng maraming artista habang extended ang quarantine.

Kabilang ang Kapuso hunks na sina Jeric Gonzales at Derrick Monasterio sa nag-participate sa Healing Hearts session ng GMA Artist Center online para makalikom ng donasyon para sa COVID-19 frontliners.

GMA's TikTok Kings: Jeric Gonzales and Derrick Monasterio
Imbes na workout at TikTok videos ang pino-post nila Jeric at Derrick, boses nila ang kanilang ginamit para makapagbigay ng tulong.

“So, I'm proud na i-share 'yun sa kanila, na may bago akong single and 'yung nga, doon pa sa Healing Hearts para makatulong sa mga kababayan natin," sey ni Jeric na inawit ang single niya na Line To Heaven.

Sey naman ni Derrick: “Kasi usually ang ginagawa ko 'pag nagko-cover ako ina-adjust ko 'yung pitch eh. So pag may request, pag-live mong ginagawin, minus one, minsan mataas. So minsan mid-song babati ka muna.”

Specialty naman ni Derrick ay ang Broadway at Opera songs na parating request sa kanya ng maraming netizen.

*****

Malaki ang pasasalamat ng GMA Public Affairs sa lahat ng sumusuporta sa YouTube channel nito dahil naabot na nito ang 10 million subscribers!

Sinundan nga ng GMA Public Affairs ang GMA Entertainment YouTube channel na nagkaroon naman ng 10 million subscribers noong 2019.  
Jessica Soho, Idol ng Bayan
Dahil dito, ang GMA Network na ang kauna-unahang Philippine network na may dalawang Diamond Creator Awards mula sa YouTube—o dalawang Youtube channel na may over 10M subscribers!

Ang GMA-7 pa lang ang pangalawang TV channel sa Southeast Asia na nakagawa nito. Kaya sobra ang pasasalamat ng Kapuso Network sa suportang ito sa kanila ng netizens. 

Dagdag good vibes din sa atin ang good news na ito sa panahon ngayon. 



«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply