Shaniah Rollo
Matapos ilabas ang una niyang single this year titled Too Young, nasa Spotify na rin ang second single ni Shaniah Rollo titled Complicated.
Sa panahon ng pandemya, maganda rin naman na makapakinig ng musika na masarap pakinggan. Kaya naman pasok na pasok ang awiting ito ni Shaniah, na sumabak sa Ireland Got Talent two years ago.
The song talks about how a love can get complicated while experiencing it. It also tells the process of being in love and the complications and the risks one has to go to just to be able to achieve it. Ang kanta ay prinodyus ng RJA Productions LLC.
Shaniah, a Pinay talent from "Ireland Got Talent" |
Noong bata pa siya ay hindi naman daw siya mahilig sumali sa singing contests. Kaya marami ang nagulat nang malaman na nag-compete siya sa Ireland Got Talent. Sa tulong at suporta ng kanyang mga magulang, most especially ang kanyang ama, she was able to conquer the whole of Ireland stage via Ireland Got Talent. Nakilala rin siya sa buong Europa nang mapabilang siya sa Eurovision Ireland.
Nadiskubre si Shaniah ng RJA top honcho na si Ms. Rosabella Jao Arribas. Matapos ang stint ni Shaniah sa Ireland Got Talent at Eurovision Ireland, pinapirma niya ito ng kontrata at ipinakilala sa Pilipinas via the song Too Young.
She is likewise thankful to Ms. Rosabella Jao Arribas of RJA Productions believing in her.
Ang bago niyang awitin na Complicated ay composition ni Dan Tanedo and musically arranged by Nino Salazar.
Proud Pinay |
Shaniah Llane Rollo is a big fan of Megastar Sharon Cuneta. Based sa Ireland ang kanyang mga magulang pero may mga kapatid siya na narito pa rin sa Manila.
Dahil sa kanyang mommy kaya naging fan si Shaniah ni Sharon Cuneta. Personal favorite ng kanyang mommy ang Bituing Walang Ningning, na title rin ng hit movie ng megastar.
Hindi pa raw siya sigurado kung she will embark on a career as a professional singer. Sa ngayon ay naka-focus pa rin siya sa studies niya back in Ireland.
Bukod sa pagkanta, nag-compose din siya ng original Irish Gaelic song para sa 2018 Ireland’s Junior Eurovision Song Contest. She joined the contest as a gesture of appreciation and love for her adopted country.
No comments: