|
Kapamilya hunk Vin Abrenica was launched a few a months ago
as the newest endorser of an intimate apparel for men.
He was beaming with excitement dahil ito ang unang major
endorsement na alok sa kanya.
“Lahat ng first time natin ay special – first love, first
kiss, first taste of ice cream and first endorsement. It feels great na I was
given this chance to endorse a popular intimate apparel brand. Dreams do come
true talaga,” said the younger brother of Aljur Abrenica.
“I prayed for this. I have been working out every day,
ipinagdarasal ko talaga ito. I am very thankful to the trust that Hanford has
given me. I hope makatulong ako sa success ng kompanya.
Vin, katawang yum-yum |
Excited si Vin na maglibot ng malls para i-promote ang bago
niyang endorsement. Pero dumating na parang bangungot ang Covid 19 pandemic.
Bawal ang social gatherings tulad ng mga mall shows. Apektado ang pagrampa sa
stage ni Vin to promote the intimate apparel brand.
Pero hindi naman nawawala ang kanyang pag-asa na one of
these days, kapag pwede na, ay magkakaroon na rin siya ng chance to sing
onstage.
Nami-miss na rin ni Vin ang taping ng A Soldier’s Heart,
ang action serye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.
Kahit na hindi pa masyadong expanded ang kuwento ng
character niya sa series (na nahinto ang telecast at taping dahil sa enhanced
community quarantine, humanga naman si Vin sa dedikasyon ng mga sundalo sa
kanilang tungkulin.
“It’s amazing na iiwan nila ang family nila para magtrabaho
para makatulog tayo nang mahimbing. Iniiwan nila ang taong mahal nila para
mabantayan tayo, protektahan tayo, ang bawat Pilipino. Ganoon kaimportante ang
trabaho ng mga sundalo.”
Vin with his co-stars in A Soldier's Heart |
“Working with Gerald is an experience. Alam niya kung paano
kami atakihin pagdating sa role. We are seven guys na iba’t-iba ang personality
so alam niya kung paano niya kami kausapin lahat.”
Binanggit pa ni Vin na perfect na perfect si Gerald sa role
nito bilang leader ng 7-man squad.
Katulad ng iba niyang co-stars sa A Soldier’s Story,
naghihintay pa rin ng go signal si Vin kung kailan ang resumption ng kanilang
taping.
With girlfriend Sophie Albert |
Dahil nagpapatupad na ang pamahalaan ng general community quarantine
kung saan possible ng payagan ang tapings ng TV shows at shooting ng pelikula,
inaabangan kung sino kaya ang mangangahas na mag-iskedyul na ng taping or
shooting.
Marami pa rin ang nangangamba sa GCQ dahil wala pa naman vaccine na natutuklasan for Covid 19. Kung sakaling may taping na, kaya ba ng mga artista at production crew na mag-practice ng social distancing.
Marami pa rin ang nangangamba sa GCQ dahil wala pa naman vaccine na natutuklasan for Covid 19. Kung sakaling may taping na, kaya ba ng mga artista at production crew na mag-practice ng social distancing.
Mas maganda siguro na may matuklasang munang lunas for
Covid-19 bago isaisip ng mga TV stars at crew na magbalik na sila sa trabaho.
No comments: