Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Janine Gutierrez





Bilang isang celebrity, aminado ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez na hindi siya sigurado kung paano aasal noong unang idineklara na sasailalim ang ilang bahagi ng bansa sa enhanced community quarantine.

Janine Gutierrez
Dahil dito, nag-social media hiatus siya nang isang buwan para manatiling sensitibo sa pinagdaraanan ng bansa at ng mga tao. 

“I was so careful with what to post, what to say kasi I didn't wanna be insensitive. Eventually, I started posting again on Instagram, realizing nga na parang hindi pa ito matatapos. We have to adjust to this new normal.”

Naniniwala siyang may responsibilidad ang bawat artista o celebrity na maging sensitibo lalo na sa panahong marami ang nahihirapan.

"I think one of the roles is, first of all, to just really be sensitive and to use whatever platform you have to spread information. 

“In a way, lahat tayo parepareho ng pinagdadaanan. It's just nice to be able to talk to people now. I know a lot of people may feel isolated, being away from their families so na-e-enjoy ko din 'yung konting chika sa Instagram or sa Twitter. I just try to be there.”


*****

Masayang binalita ng Kapuso singer na si Maricris Garcia na sa wakas ay buntis na siya.

Pinost ng 2010 Pinoy Pop Superstar grand champion sa kanyang Instagram ang pregnancy stick na nagpapatunay na positive ang pregnancy niya.

Maricris Garcia
Matagal ngang hinintay at pinagdasal ni Maricris at ng kanyang mister na si TJ Cruz ang moment na ito simula noong kinasal sila in 2016.

“Walang mapagsidlan ang aming tuwa! Sa wakas, dininig Niya ang matagal na naming dasal. Ngayon palang mahal na mahal na kita," caption pa ng singer.

Nakatanggap ng maraming congratulatory messages si Maricris mula sa kantang mga celebrity friends tulad nila Yasmien Kurdi, Ruru Madrid, Max Collins at mula sa kanyang best friend na si Aicelle Santos.

Mensahe pa ni Aicelle: “This makes me soooo happy teh. Love you!"

*****

Kahit nasa ilalim pa rin ng community quarantine ang ilang parte ng bansa, masiglang umaga naman ang hatid ng Kapuso Network sa pinakabago nitong morning programming line-up.

Pia Arcangel
At 6:00 AM, tutukan ang mga latest updates tungkol sa COVID-19 at ilan pang kaganapan sa bansa sa paboritong morning barkadahan ng Unang Hirit. 

Ang exciting adventures ni Jackie Chan at ng kanyang pamangkin sa animated series na Jackie Chan Adventures tuwing 8:00AM. 

Mas masayang bonding time naman with the kids ang hatid ng pagbabalik ng paboritong educational program na Art Angel tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes at 8:25 AM.

Arts and crafts nina Pia Arcangel, Tonipet Gaba at Krystal Reyes, tuwing Martes at Huwebes naman ay science experiments dala nina Chris Tiu at kwelang tambalan ng Moymoy Palabay ng iBilib ang mapapanood. 

Matapos ang bonding time with kids, masayang chikahan 


naman with celebrity mommies na sina Camille Prats at Iya Villania ang hatid ng Mars Pa More tuwing 8:45AM. 

Beat the cabin fever at tutok na sa mas pinasaya at pinasiglang morning programs sa Kapuso Network.


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply