Nora Aunor |
May 21 is Nora Aunor's birthday |
Kaya kesa maimbiyera pa tayo in a
major, major way, mas mabuti pang i-selebra na lang natin ang makasaysayang
araw na ito, ipagbunyi ang natal day ni Ms. Nora Aunor, ang nag-iisang superstar,
ang People’s National Artist.
In na at super relevant pa rin si Ate Guy nowadays dahil nga kamakailan, naging fundraiser para sa frontliners ang “Gabi ng Himala,” kung saan ang pelikula nila ni direk Ishmael Bernal, ang hindi makalilimutan niyang pag ganap bilang Elsa at ang sitwasyon sa fictional barrio that was Cupang was not only dissected and proclaimed as an important sampling of the finest cinematic creation of Bernal and Aunor, ang dami ring artista ang nag-acting exercise at binigyang interpretasyon ang iconic “Walang Himala” monologue ni
Aunor. Kung sino ang may best version sa mga bagong gunawa? Bahala na kayo diyang magkagulo. Hahahaha.
Catch Nora on YouTube tonigh at 6:00pm for her mono-vlog |
Ngayong
mismong kaarawan niya, eksaktong 6pm., sa YouTube channel ng Tanghalang
Pilipino, mapapanood ang Philippines’ greatest actress sa isang mono-vlog na
pinamagatang "Lola Doc."
Walang duda na masterclass in acting na
naman ito,mula sa kanyang mga mata na that always speaks in volumes, mahusay na
pagbibitaw at pagbigkas ng linya at emotional commitment na bigyang buhay ang
kanyang ginagampanan. Kaya sa mga gustong may matutuhan what is the essence of
real acting, huwag kaligtaan panoorin.
Kahit
ako taga-hanga nina Vilma Santos, Sharon Cuneta at Maricel Soriano, sa kanilang
huling apat na
reyna sa showbizlandia, di tulad ng ibang fans, bukal sa puso ko ang pagtanggap na sa kanilang apat, si Nora Aunor talaga ang pinaka-mahusay sa aktingan. Siya talaga ang epitome of being a best actress.
Sa
mga hindi nanalig, lalo na nga’t available naman yata ang mga sumusunod sa mga
social media film platforms, for your viewing pleasure at tiyak mabubura ang
pagdududa niyo sa igting at galing ni Aunor, hahangaan niyo siya bilang mayaman
at glamorosang si Adora sa Leroy Salvador’s Beloved. Mas lalo niya kayong
pahahangain bilang si Magnolia dela Cruz sa Elwood Perez’s “Bilangimn Ang Mga
Bituin Sa Langit” at maliban kay Elsa sa Himala, ang karakter niyang si “Bona”
sa direksyon ni Lino Brocka, pati na rin si Esther sa “Ina Ka ng Anak Mo,” ewan
ko na lang kung hindi pa kayo makumbinsi sa katotohanang sakdal husay ang
Superstar!
Happy
birthday Ms. Nora Aunor. Abang na abang na ang lahat na maipalabas ang “Isa
Pang Bahagari.”
With you, here goes my sincerest greetings to our Best Philippine People's National Artist Ms. NORA AUNOR, Happy Birthday po mahal naming Superstar🌟♥️ God bless you po!!! 🙏
ReplyDeleteHappy birthday..GUY..MY SUPERSTAR
ReplyDelete