Fifteen years old na pala ang dating child actress na si Mona Louise Rey.
Makikita sa Instagram account ang malaking pagbabago ng dating 6-year old na bumida sa GMA primetime series na Munting Heredera noong 2012. Fifteen years old na siya ngayon.
Marami pa ring fans ni Mona kahit na nagpahinga ito sa showbiz para mas tutukan ang kanyang pag-aaral. Sa katunayan ay meron itong 1.5 million followers sa IG.
Mona Louise, is Type 1 diabetic |
Kaya hindi nagpatalo si Mona sa kanyang Ate Ivana Alwani. Kung sexy ang image ni Ivana, pang-wholesome naman si Mona.
Marami na ang nakaka-miss kay Mona dahil naalala pa ng kanyang mga fans ang mga teleserye na ginawa niya tulad nga ng Munting Heredera, Aso Ni San Roque at Luna Blanca kunsaan nagsama sila ni Jillian Ward.
Huling teleserye na ginawa ni Mona ay ang Hahamakin Lahat noong 2017.
Alam din ng mga tagahanga ni Mona ang tungkol sa kanyang sakit na diabetes.
Kinuwento kasi noon ni Mona na meron siyang Type 1 diabetes at siya mismo ang nag-i-inject ng insulin sa sarili niya dalawang beses sa isang araw.
Kinuwento kasi noon ni Mona na meron siyang Type 1 diabetes at siya mismo ang nag-i-inject ng insulin sa sarili niya dalawang beses sa isang araw.
Hanggang ngayon daw ay ginagawa pa rin niya ang pag-inject ng insulin at pitong taon na raw niya iyon ginagawa.
*****
May bagong show na aabangan sa Kapuso network ang 2019 Miss World Philippines Michelle Dee.
A new show for Michelle |
“Been thinking of different ways to entertain everyone during the ECQ and this is one of them! Everyone's used to seeing my Beauty Queen persona, so this might be interesting to most of you but trust me, i have some really exciting content coming your way!!! Oh, and i'll be working together with @gmanetwork and @artistcenter too so watch me play with your favorite celebs! LETS GOOOOO,” post ng beauty queen sa kanyang IG.
Marami ang na-excite sa project na ‘Michelle's Gaming World’ kasama na rin dito ang kapwa niya celebrities na nagiging hobby ang online gaming lalo na ngayon at may lockdown.
Patuloy pa rin napapanood si Michelle kasama sina Winwyn Marquez at Thia Thomalla sa informative lifestyle show na Glow Up.
*****
Pinamagatang ‘Salamat, ‘Nay’, sinundan nito ang kuwento ng isang ina na humiwalay sa pamilya niya para kumita ng pera.
Mikoy Morales |
Tampok sa ‘Salamat, ‘Nay’ sina Gilleth Sandico bilang ang ina, at sina Mikee Quintos, Mikoy Morales, at Raphael Landicho, kasama rin si Neil Ryan Sese.
Base sa comments sa Facebook video, marami ang naantig at naka-relate.
Kahit daw lumipas na ang Mother’s Day, dapat ay araw-araw pa rin nating iparamdam sa mga ina natin ang pagmamahal natin para sa kanila.
Panoorin ang video sa official Facebook page ng GMA Network.
No comments: