Nora Aunor |
Mas gusto raw nila na mapanood ang kanilang idol na umaarte sa harap ng kamera. Mas gusto nila na mapanood ito sa TV at sa pelikula.
Pakiramdam ng mga fans, gagamitin lang ng party list group si Ate Guy para makakuha ng sapat na boto para magkamit ng pwesto sa Kongreso.
Nora, future kongresista? |
Ang inaabangan nila ay kung matutuloy bang ipalabas sa mga sinehan ang Isa Pang Bahaghari, na entry sa naudlot na First Summer Metro Manila Film Festival.
Sa ngayon ay wala pang anunsiyo o abiso man lang ang Metro Manila Development Authority o MMDA kung ano ang kanilang plano sa mga entries na kanilang napili para sa naudlot na SMMFF 2020.
Dapat lang na may statement ang MMDA kung ano ang plano nila sa entries which were chosen sa SMMFF. Siyempre naghihintay ang mga film producers kung matutuloy pa ba ang summer festival or hindi na.
Ang tanong din ng marami ay-- kung sakaling makasenla na tuluyan ang summer MMFF, yun bang entries na napili ng Execom ay magiging awtomatikong entries ng December MMFF in case there will be one.
Kailan kaya maipapalabas ang pelikula ni Nora? |
Nag-anunsiyo ka na may festival, tumanggap ka ng entries at nag-announce ng finalists. Nagkaroon man ng pandemya, duty-bound ang MMDA na inform ang mga producers kung ano na ba ng kanilang balak gawin sa entries chosen as finalists.
Nakatali ang kamay ng mga producers dahil walang pasabi ang MMDA kung ano ang susunod na hakbang nila matapos pumutok ang COVID-19.
*****
As of now ay sarado pa ang mga sinehan. Hindi pa rin pwede ang large gatherings sa mga sinehan dahil baka magkahawaan ng virus.
Pinaka-hardest hit ng pandemic ang entertainment sector dahil maraming tao ang nawalan ng hanapbuhay.
Sad ang nangyari sa comedy bars ni AK |
Nakalulungkot na walang maayos na plano ang gobyerno para tugunan ang problema ng kawalan ng trabaho dulot ng pandemya. Walang masakyan ang mga gustong pumasok sa trabaho.
Mas gusto pa ng gobyerno na ipasa ang Anti-Terror bill kaysa tugunan ang malawakang problema sa employment at transportation.
Saan na kaya tayo pupulutin pagkatapos ng pandemya?
No comments: