Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » JC Santos is a happy daddy

JC Santos









Since this serves as my first article as a columnist of ShowbizBlah.com , let me greet you all a very warm hello and here's wishing everyone a great mood! 

Ako po ang inyong magiging kasama sa kolum na ito na pinamagatang... #OnPoint ! Sana ay hayaan n'yo akong maghatid sa inyo ng mga sensible at kapansin-pansin na mga topics, issues, at balitang showbiz. Maaari rin naman po tayong magkaroon ng interaction kung inyong gugustuhin, may "comment box" po tayo sa baba. Good vibes lang po tayo ha mga mars at pars. 

*****
JC's latest film is Motel Acacia

 Truly, no other amount of words can best describe one's feeling of being a brand new parent just like that of dramatic actor JC Santos' feeling right now.

In a recent interview with him, JC excitedly narrated stories of his newborn baby girl with wife Shyleena Herrera, " Sa kanya na rin ang buong madaling araw ko. I would just rest during taping breaks if I could." Naikwento ito ng magaling na aktor kaugnay ng interview sa bagong-bago n'yang pelikula under Black Sheep Productions ang "Motel Acacia."

Naikwento rin ng magaling na aktor na sa ngayon, ang kape ang nagpapatakbo sa kanya sa dahilang ang buong araw n'ya ay inuukol n'ya sa pagtatrabaho, umuuwo pa s'ya sa Pampanga sa kanyang pamilya, kaya naman ang pag-aalaga sa kanilang bagong anghel na ngayon ay halos dalawang linggo pa pang ang nagpapasaya sa kanya na di na alintana ang pagod at puyat.
A happy dad, a contented husband.

Kitang-kita sa reaksyon at pagkukwento ng 31 year old na aktor kung gaano s'ya ka-hands on sa kanilang baby girl. Napapawi daw ang anumang pagod kapag nasilayan na n'ya ang ngiti ng kanilang baby girl.

Matatandaang kinasal si JC sa kanyang girlfriend na theater actress/ registered nurse last September 2019 at ngayon ay nabiyayaan ng isang malusog na baby girl na talaga namang nagbibigay ng ibayong saya at kulay sa buhay nilang mag-asawa ngayon.

Si JC ay isa sa mga in-demand na aktor sa showbiz industry, naging parte s'ya ng isang remake film na "Miracle in Cell No. 7" last December 25 na naging official entry sa 45th MMFF (Metro Manila Film Festival) at tumabo sa takilya. 

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply