Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });

Joshua Garcia at Benjamin Alves: Mga bagong ganap nila sa panahon ng pandemya











Ngayong quarantine, matumal ang trabaho ng mga artista given the social distancing rules at ang patuloy na dumadami na kaso ng COVID-19 sa bansa. Some, like Benjamin Alves, choose to be active sa social media accounts nila. Pero me iba na gaya ni Joshua Garcia eh July 7 pa ang last post. Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng dalawa?


Gaya ng kapwa Kapuso artist na si Alden Richards, naglalaro na rin ng Mobile Legends si Benjamin. Sa post ng isang netizen named Jerence Velasquez na finafollow niya, may screenshot ng game results kasama ang GF ng actor na si Chelsea Robato.

Speaking of her, even though ang ilan sa posts ng binata ay masasabing "thirst posts" o yung posts na nakakauhaw kasi nga lantad na lantad ang kanyang yumminess na para bang naghahanap ng spectator, sa caption ng iba eh declaration of love niya sa kanyang kabiyak. We don't know him as a musician, yet napakasweet ng para sa isang MAC promo video ng kanyang GF ay ginawan niya ito ng musical scoring, at siya rin ang nagedit ng short clip.

Benjamin and Joshua

Si Joshua Garcia naman though hindi naman niya GF pa si Janella Salvador ay inaabangan ng fans ang pasabog nilang dalawa as Joshnella sa August. Nagpost kasi ang official fans club nila regarding August 15.

Matatandaan na August kasi ang anniversary month ng kanilang loveteam na nabuo dahil sa characters nila sa The Killer Bride.

Early July ay naglabas ang Mojo 12 Photography sa Twitter ng new pictorial ng Joshnella shot at ABS-CBN studio so mas napataas nito ang possibility na may pagtatambalan nga sila sa August.

Maituturing na latest social media post ni Joshua yung clip niya sa Tiktok singing and playing a guitar. It could be trip lang niya, o baka busy siya kasi nagpapractice siya ng kanyang skills para masabayan si Janella. Feeling ng maraming fans eh kung anuman ang project na yan will possibly be a short series, pero sa tingin ko eh like Ja Mill who recently released a single under Star Music eh magkakaroon din silang dalawa. Kung eto nga ang mangyayari sa kanila eh sana samahan na rin nila ng music video para mamaximize.

 *****

Pinagpistahan ng netizens ang bagong photo ni Bianca Umali na sobrang payat niya. Sa photo na ito ay nagpropromote siya ng isang cosmetics brand at nakatuealya lang siya.

Yung ibang comments ay napakaharsh at tinawag siyang bangkay at tuyot. To the rescue naman sina Ruru Madrid at Kiray Celis na pinagtanggol siya sa bashers.

Pumayat ba?
Hinamon ni Kiray ang mga walang profile pictures na ipakita ang tunay nilang mga mukha bago sila manghusga.

Ruru posted a lengthy comment:

"I don't know what's wrong with people right now. Parang ang dami laging opinyon ng mga tao. Sa totoo lang mas masakit na kung sino pa yung mga kababayan o di kaya mga kalahi natin sila pa yung magddown sa atin. Sana wala ng ganun. Sana sinusuportahan nalang natin ang isa't isa."



Paolo Contis: Bagong Bida sa Pelikuka

Paolo Contis




 Palung-palo si Paolo Contis sa pagpapakita ng acting chops niya sa Netflix. Sakto kasing halos magkasunod lumabas sa streaming giant ang movies in which he had main roles. Ito ay ang Nitong July 11 lang ay nag-Top 1 and Top 2 pa ang mga ito bilang most-viewed na mga palabas sa PH.

In the former he plays a comedic role as newcomer Nicoy sa isang grupo ng holduppers na kilala sa kanilang pagiging sobrang palpak. Sa fictional Barangay Husay kung saan ang primary profession ay panghoholdap ang pangunahing setting ng film and they will try to redeem the tarnished reputation of the group sa pamamagitan ng pagnanakaw ng golden etits ni Datu Puti.

Paolo Contis, wagi!

Undercover cop ang role niya at bagaman sobrang tanga ng tatlong hold-uppers played by Pepe Herrera, Jerald Napoles, and Jelson Bay, ay mapapalapit siya sa mga ito.

Highlight ng role niya ay ang scene with Pepe kung saan tinatry niyang i-comfort si Nicoy bagaman masyadong out-of-the box ang ideas nito by telling a story about L.A. Lopez.

Ang maganda kasi kay Paolo ay sobrang seryoso siya magdeliver ng punchline kaya ito lalong nagiging nakakatawa.

Sa latter naman ay leading man siya ni Alessandra de Rossi as Ben in a heavy drama film set in Iceland. In the midst of all the beauty around them, the engaged couple will be able to see the ugly sides of each other which will test yung tibay ng samahan nila.

Nanominate siya for Star Awards for Movies 2019 as Movie Actor of the Year dahil sa pelikulang ito. Ang first and only acting award niya ay nung 2016 which we he won for Angela Markado in the FAMAS Awards.

Napakalakas ng chemistry niya with Alessandra and you will end up rooting for both of the characters.

Bagong leading man sa pelikula
Bagaman glowing ang reviews ng two films na ito ay nag-flop pa rin sila sa box office kaya mostly film aficionados and movie reviewers lang ang nakaappreciate nito.

Pero salamat sa Netflix at tila second chance ito ng nga pelikula na mas makaabot sa target audience nila na hindi nangyari nung mainstream run dahil sa failure of publicity, owing to the fact na pare-pareho lang ang iniimbita halos na group ng bloggers at press people sa films and though some of them make sense, pagdating sa bloggers, karamihan sa kanilang ay wala namang grasp ng film language at wala din namang reach to actually help the film. Nataon lang na kakilala sila ng mga PR na mala-mafi a ang galawan.

From a cute kid in Ang TV to a natural comedian na hindi kailangan masyado ng physical comedy para magpatawa sa Bubble Gang, masasabing si Paolo Contis ang posibleng maging in demand sa 2021 and beyond bilang isang indie film lead with roles out of his comfort zone.

*****
Bagaman may pandemic ay di nito mapipigilan ang pageants kasi nga beauty is everywhere.

Most likely ay tuloy na tuloy pa rin sa August 30 ang Queen of Hearts pageant ni Ms. Mitzie Go Gil. May physical presence dito talaga like a normal pageant final
night as long as pumayag ang hotel.

Mitzi Go Gil
"Sa akin naman kasi ay tinuloy ko 'cuz I want to help my people para tuloy-tuloy pa rin sila and then kahit nagkaroon ng pandemic is we're here, the Queens, to help our kababayans," pahayag niya.

A few days ago lang ay busy ang grand same ng Queen of Hearts foundation sa outreach program nila.

Upcoming events ng pageant ang online national costume and long gown competition which will be held on separate days.

Alden Richards Adik sa ML

Alden Richard




 Kapag narinig mo ang name na Alden Richards, Maine Mendoza at Kathryn Bernardo usually ang next proper nouns na unang maiisip mo? Kapag Mobile Legends  ML naman isa sa common nouns 'o most searched words na kasunod nito ay "lag", o ang pagiging slow ng game leading to kawalan ng kontrol dahil sa problematic internet connection.

Kilala si Alden na kalmadong tao at good boy ang image. All of his projects aside from 1 film ay mabait ang role niya.
 
Larong ML na addict si Tisoy

For anyone na into the games, medyo common na kapag may nakakainis na nangyari sa laro like may kakampi kang di team player o "lag" ka kaya di mo mamaximize ang skills ng hero mo, pwedeng umabot sa extremes like magmura ka o maibalibag mo ang mga bagay sa paligid mo tulad nung sa isang unboxing video.

But, not Alden Richards. Ang maganda sa gaming streamers o yung mga nag-livestream ng games na ginagawa na ni Tisoy ngayon under his own brand, AR Gaming, ay hindi mo mapepeke ang reaction mo unless siguro sociopath levels ka na sa galing mo mameke ng emosyon.

For me, you can tell so much more about a celebrity na nag-livestream ng games kaysa sa isang interview, ambush man ito. After all, may usual questions and celebrities with handlers, like Alden, are trained to answer them.

Noong una ay ayaw imention ni Alden ang internet service provider nila although two or three times na niyang nabanggit na "red ping" siya o problemado sa internet signal. Eventually, still in a classy manner, he mentioned it at tiim-bagang na binanggit na nagbabayad siya ng maayos so dapat ayusin nila ito. He didn't shout. He was just firm about it. "Grabe, wag naman tayong lag ngayon PLDT," he said.

May nagupload ng snippets ng PLDT hanash niya so better check this out: https://youtu.be/Jo0aCI4vKd0
 

Nag-level up na sa kanyang gaming hobby


Almost 4 hours ang livestream na I think lumagpas sa target niya na three hours so yung mga pa-raffle niyang gadgets imbes na live ay sa Eat Bulaga kinabukasan na lang dinraw. Yes, ganyan siya kaseryosong gamer.

Natalia ang ginamit ni Alden. Sa five main roles kasi sa ML na marksman, mage, fighter, assassin, and tank, eh assassin class ang minaster niyan. Assassin si Natalia and so is Gusion, ang main hero niya dati about 6 months ago when I interviewed him for 'The Hows of Us".

First time ko manood ng stream niya ng buong game at di yung tipong pasilip-silip lang ng a minute or two. I can say he is funny, gets alongs well with a team, and most importantly, sobrang galing maglaro.

Gaano kagaling? Well, imagine lag siya 5-1-8 and KDA niya sa isang portion ng laro na kunot-noo siya because of the inconvenience. Ang ibig sabihin, 5 kills, 1 death, and 8 assists siya during that time.

So, Choox TV, at AkosiDogie, humanda na kayo!

*****
Bukod sa pagiging rising COVID-19 hotspot sa Asia ng bansa, rising hotspot din tayo ng BL series na bigla na lang nagsulputan na parang mga kabute.

A few days ago lang ay nag-trending ang 'Sakristan' ni Darryl Yap sa Twitter dahil sa emotional na episode 6 nito.

My Extra Ordinary, another Pinoy BL showing very soon
Isa sa pinakaabangan ng marami kasabay ng rebranding ng TV5 as One TV ay ang pagstart ng 'My Extra Ordinary', isang Pinoy BL series coming this 2020. Main cast members dito sina Darwin Yu (Shake), Enzo Santiago (Ken), and Karissa Toliongco.

Handog ng Asterisk Digital Entertainment, shooting will start on July 12 under the direction of Jolo Atienza.

 
The story revolves around the amnesia of Shake and how he meets Ken na tutulungan siya marecover ang memory niya.








CENTERSTAGE: Hello Stranger

 
Tony Labusca and JC Alcantara



 Hello Stranger! ay isang Pinoy BL series produced by ABS-CBN Films and Black Sheep Productions. Bida sina Tony Labrusca as Xavier, a varsity player who often fails his classes, at si JC Alcantara as Mico, member ng Team Padawans, at isang top student. The first episode is titled 'Hello Enemy!'.

Ang context ng filming ay interesting  because it is obvious that this was done even before nagshift sa GCQ ang bansa  since all of the cast members' scenes were done in their respective rooms. Hopefully, since pwede na ulit magshooting, we will be able to see scenes in outside places like coffee shops, since that is where students hang out.

Tony and C brings kilig to BL serye viewers
My first impression of Tony as Xav is that though he has the usual pride of a varsity player, he can be sweet like the type who cooks for his partner. JC as Mico is the type of person who is an open book, his nervousness, his awkwardness, it is all obvious on his face.

Aside from the two main guys, we have thr Team Padawans comprised of Vivoreei Esclito as Kookai, Patrick Quiroz as Seph, and Miguel Almendras as Junjun. Xavier currently has a girlfriend named Crystal, played by Gillian Villavicencio.

A new Pinoy BL Loveteam
Episode 1 is how Xavier and Mico meet each other and size each other up. The scenes that stood out for me are as follows:

1. When Xav enters the virtual room of the Team Padawans having a quiz night and calls it baduy, giving that douche vibe instantly.

2. Meann Espinosa as Panitikan 1 teacher Kristine Moran convincing Mico to team up with Xavier. Her voice sounds like Ruffa Gutierrez so before her face is even 

shown onscreen, people who watched her past shows would be able to recognize her.

3. Xavier eating a huge bowl of tinola by himself. Yep, it is so huge that I think it can feed up to five people.


Kilig much ang tambalan ng dalawa online

4. Mico saying I need you and it is just episode 1.

The first episode ends in a cute cliffhanger as Xavier asks Mico an intriguing question.

What think that could be improved is the acting of Patrick Quiroz since it feels as if he is just in a first time cast reading. The chemistry of the whole Team Padawans also need to improve as well as the world-


building of Hello Stranger, since the logic is still not 100% convincing as to why freshie and a senior student would have to work in the same subject as well as why Mico is not aware that he is a top student in the first place.

Since this is marketed as BL and it has international fans, I think the reach of the show is big because of the good decision to have English subtitles available right away.

The show is available via the youtube channel of Black Sheep as well as the iWant app.

Angel Locsin: Hindi takot tawaging terorista

Angel Locsin




 Kapag pinagdikit mo ang mga salitang "artista" at "charity", dalawa malamang ang top names at the back of your mind: Angel Locsin and Willie Revillame.

However, though si Kuya Wil ay namimigay ng sandamakmak na pera for decades now, a large portion nito ay galing sa sponsors niya. Si Angel ay mistulang anghel sa lupa dahil napakahands-on niya tumulong to the point na pumupunta siya sa delikadong lugar like nung kakasabog lang ng Taal. Ang pangdonate niya ay usually nanggagaling talaga sa bulsa niya and during some occasions ay nagoorganize siya ng fundraising campaigns for bigger projects kagaya nitong sa pandemic na kinakaharap natin now.

Naglilingkod na si Angel sa mga kababayan bago ang COVID-19

Kahit na may banta ng anti-terror bill ay napakavocal ng pag-oppose ni Angel Locsin dito, which goes to show na mapasa man ito ay di mawawala ang passion niya for helping others kahit na branded na leftist itong mga ito, matawag man siyang terorista.

Isa sa nag-viral recently ay ang ginawa niya kay Tatay Elmer na 72 years old from Piston 6 na nakulong. Tinulungan nila ito ni Bea Alonzo by sending him alcohol, face masks, and vitamins while in detention. Secret lang ito dapat but Tatay Elmer revealed it kasi gusto talaga silang pasalamatan.

Hindi na nakapagtataka na ngayon ay maghohost naman siya ng 'Iba Yan', a docu-reality show na nagstart airing ng June 14 sa Kapamilya Channel 6:15pm ng gabi at henceforth regularly mawawatch every Sunday night. 

Terorista/
Sa kabila ng kabutihan niya ay marami pa ring bashers, gaya na lang ng isa sa Twitter who implied na ipokrita siya because quiet daw siya nung may mga casualties dahil sa terrorists pero maingay sa pagoppose sa anti-terror bill.

Mahinahon na niremind ni Angel ang public na vocal rin siya noong issue ng SAF 44 at Marawi Siege. Sinupport din niya raw ang 


AFP at PNP sa ibang campaigns nila during this pandemic.

Sobrang active ni Angel sa pagmonitor ng kanyang account because even yung pag-like ni Sen. Tito Sotto sa post ng isang basher accusing her of being pro-NPA dati pa ay sinagot niya.

"Hi Sen @sotto_tito, saw that you liked this tweet. I will never support terrorists, nor will I ever support any kind of violence. You have the right to like any tweet. And we have the right to voice out our opinions. I hope we don’t get tagged as terrorist for doing so. Thank you," said Angel.

Gandang pro-NPA
Under sa bill, kapag napasa Ito at naging Anti-Terrorism Act of 2020, possibling maaccuse ang anyone in the country like Angel Locsin na very vocal about sa mga puna niya sa government kasi even ang speech or acts which could incite terrorism, na hindi well-defined, ay pwede kang madetain for 24 days.

Ang tanong, given the situation, handa kaya in the near future si Angel na mag-next level sa kanyang activism? Si Janine Gutierrez ay umattend sa "mananita" Independence Day event sa UP Diliman last June 12. Ang A-list artista ba gaya ni Angel ay kayang physical na makibaka para sa ipinaglalaban niya?


Wish Bus, hindi kailangan si Kim Chiu

Kim Chiu




 In 10 hours ay naka-1.2 million views agad ang Wishclusive Wish Bus performance ni Kim Chiu, na tinawag na quarantine pop star ng ilan. Record-breaking ang 'Bawal Lumabas' given the timeframe although hindi na bago para sa isang Wish Bus performance ang magkaroon ng millions of views within a week of uploading.

"Bawal Lumabas" is super trending is pak na pak
Isa pang record ang binreak nito sa pagiging most disliked video sa Pilipinas at almost 350k views as of writing. 337k dislikes lang kasi ang video ng episode ni Raffy Tulfo at ng guro na gusto niya sanang matanggal ang lisensya dati, pero lamang na lamang ang ratio ng dislikes ni Kim kasi 7.3 million views itong isa.

Kahit si Xander Ford na isa sa most-disliked personalities sa bansa ay wala sa kalingkingan ng dislikes ni Kim. "Hold my classroom," as the joke goes.

Unang-una, I have to agree with the negative commenters na sintunado siya. Kaya kasi sumikat ang Wish Bus ay dahil sa standard nila pagdating sa mga pinagpeperform nila dito na mostly ay up-and-coming OPM artists, yung full of talent pero hindi mainstream. Para sa akin, hindi pasok sa standard ng Wish Bus si Kim Chiu so I do not know what she is doing there.

Kim's Wish guesting inabot ng sandamakmak na  bashing
I don't wanna conclude na because 5 digits lang ang views ng karamihan ng videos na inupload nila this month instead of 6 digits kaya naisipan nilang sumakay sa trend for once. Pwede naman nilang inimbita na lang ulit ang banda ni Cong TV na COLN, si Skusta Clee, o si Emman Nimedez na may wish sa kanyang Twitter account na makakanta sa Wish 107.5. Isa nga sa naging basehan sa dislikes ng mga tao ay the fact na Emman, who makes decent music and can sing well, ay di pa iniinvite sa Wish Bus, pero si Kim na obviously kailangan pa ng voice lessons got there first.

Ang isang palaisipan ay why hindi nakacredit si DJ Squammy, who turned the viral video into a song with his beats in the first place. Dahil ba hindi siya kilala? Did Kim Chiu buy him out para di na niya habulin ang proper credit? Ano ba ang naging deal kaya nila ng Star Music?

Yes, I am aware na full mention si Kim sa vlog niya kay DJ Squammy but sana maaalala nila na if he didn't do the parody, the full song ay hindi mag-eexist in the first place.

Give credit where credit is due. Hindi lang yan para Kay DJ Squammy, but sana mas bigyan ng venue ang better OPM songs and artists.

Hindi kailangan ng Wish Bus makipagsabayan sa trending kasi sila mismo ang may kaya magpatrending.

Proof? Ilan sa above 10M views nila na videos ay from artists na hindi mainstream like Chocolate Factory, Allmo$t, Magnus Haven, Kiyo and Allison, and Michael Dutchi.


FRESH: Miko Gallardo is your Bidaman

Miko Gallardo



 Almost one year na since naging grand finalist ng Bidaman ang 21-year-old na si Miko Gallardo, but he still managed to stay in the limelight via the upcoming BL series "My Day", a joint venture ng PEPPS ni Carlo Morris Galang at ng Oxin Films ni Xion Lim.

Born in May 30, 1998 at isang Gemini, this Palaweno moved to Dubai when he was 11 years old and stayed there for 7 to 8 years.


Miko will star in a 'gay themed' series soon
"I joined showbiz because I’ve always wanted to experience the feeling being on set as a kid and the thrill of doing different characters in projects and being able to give people entertainment because it’s what I like to do," sey niya. Idol niya as actors sina Lee Min Ho at Jericho Rosales.

He plays a young determined culinary intern named Sky na sakto sa kanya because he loves to cook and his signature dishes are beef caldereta, chicken pesto, buttered shrimp, and garlic shrimp.

Umamin siya na may few confessions mula sa kapwa niya lalaki na may crush sa kanya but despite this ay di niya sila jinudge at friends pa rin sila.


Miko plays Sky in his first lead role
Para sa upkeep ng kanyang kamachohan he does exercises like bench presses, weights, push-ups, and sit-ups.

I"play the guitar, sing a bit and I love dancing. I’ve been learning how to dance since last year," kwento niya about sa mga kaya pa niyang gawin besides acting.

So paano ba ini-ispend ng isang Miko Gallardo ang kanyang 'My Day'? "Workout, eat a lot. In some days I like to be extroverted so I talk to a lot of friends and family and times when I feel like being alone I just play video games."

Sa BL series ay he will set out to win the heart of his wicked boss which will be played by Inaki Torres. July to August 2020 ang target release date nito and it can be viewed via www.youtube.com/oxinfilms.




Coco: Patuloy pa rin iniintriga

Coco Martin




 Ito ang limang shocking and controversial news na involved si Coco Martin, Ang actor-director ng longest running Pinoy TV series of the decade na 'Ang Probinsyano'.

Una na rito ay bading siya at pumapatol siya sa bading, dahil matindi ang man-to-man scenes sa first big role niya sa indie films. Breakout role niya ang 'Masahista' (2005) which made him win the Best Actor Awards sa Young Critics' Circle in 2006. Nasundan ito ng roles na may torrid scenes with fellow men sa 'Serbis' at 'Daybreak'.


Coco's 'Masahista" international post
Minsan din siyang na tismis na diumano may issue tungkol backer niya na bading kaya dumami ang kanyang projects. Nadawit si John 'Sweet' Lapus kasi sinabi niya dati na gusto niyang mainterview si Coco for Showbiz Central. 

Two, the questions na gusto niyang itanong dati kay Coco ay kung pumatol na ito sa bading at kung willing ito pumatol.

Isa sa lalong nagpa-curious sa mga tao sa gender ni Coco ay ang role niya sa MMK in 2009 sa episode titled 'Boarding House' where he started opposite Derek Ramsay.

Second issue of course, na very recent lang,yung ay yung pambubuhos ng tubig sa crew issue na inopen-up ni Robin Padilla pero kinlarify ng mga katrabaho ni Coco like Arjo Atayde na biruan lamang sa set kasi nga 

sobrang close nila. Isang crew member from sa 'Juan Dela Cruz' ang nag-testify ng good working relationship with him despite nabuhusan ng tubig.

Ang pangatlo ay ang issue ng suntukan niya niya with Matteo Guidicelli sa after-party ng Star Magic Ball 2011 dahil kay Maja Salvador. Hindi ito dineny ni Maja at inamin niya ang relationship nila ni Matteo noong time na yun. Ayon sa isang source ay nagstart ang tension because Coco kissed Maja on the lips but dineny yun ni Maja. 'Minsan Lang Kita Iibigin' pa lang daw ay si jealous na si Matteo kay Coco dahil ipinartner ito kay Maja sa teleserye na yun. Si Matteo daw ang nag-umpisa ng suntukan ayon sa witness.

Pang-apat ay ang video rant niya na social media where he spoke out against those who issued a cease and desist order laban sa Kapamilya network.

Of course, ang pang-lima sa list na siya ring ating Top 1 ay ang issue na nabuntis niya diumano si Julia Montes. Ito ay lumabas when Julia decided to take a long break with her biological father sa Germany.

Coco-Julia, may iililihim pa rin

May nagcirculate pa nga na photo si Coco kasama si Julia pagkapanganak nito at looking so happy kaya inisip ng netizens na matibay yung evidence pero todo deny si Coco.

Para sa writer na ito eh sa lahat ng napanood niyang interviews ni Coco ay matipid ito palagi sumagot o may agam-agam sa mga maiinit na issue na ibinato sa sa kanya. The only time na I remember na siya'y nagkwento talaga ay tungkol sa rivalry issue nila ni Vice at naging tampuhan after Best and the Bestie, which was not that major of an issue.

At present ay nali-link si Coco Martin ay Yassi Pressman at strong na strong pa rin ang CocoYass fandom na nabuo dahil sa chemistry ng two sa 'Ang Probinsyano'.

Speaking of buntisan, halos kabuwanan na nina Bangs Garcia at Iya Villania so may incoming "Covid-19 babies" ang showbizlandia.


*****

Ang first comedy show put together via Zoom ay ang 'Tawa Tawa Together', led by Showtime writer and stand-up comedian Alex Calleja.

Inamin niya na kahit may nagsusulputang viral comedy stars ay di siya threatened kasi nga need nila i-sustain yung ikinasikat nila. Inexample niya si Dante Gulapa na nag-eagle dance hanggang magsawa ang mga tao.


Alex Calleja, magpapatawa online
Based sa media day held a few days ago ay sina Sophia Reola, Chunsa Jung, at DJ Rex Ricamara ang inaabangan ng mga tao.

Isa sa mga nabanggit in connection sa Pinoy humor ay kung how people just laugh off the delayed ayuda and the social distancing na uso ngayon.

It doesn't mean na di natin sinseryoso but that is just the way Pinoys make light of difficult situations.

Mapapanood ito for free via iWant ng ABS-CBN.

Karla, inatake ng mga trolls

Karla Estrada




 May 14 ng gabi ay nagpost ang controversial DDS microblogger ng banat sa mga matatapang na statements ng Kathniel. Ikinagalit ito siyempre ng solid fandom nila who organized a major effort para i-block at i-mute si Banat By sa social media, using the #WeBlockasOne hashtag sa Twitter para mareport siya.


Karla defenfs son Daniel
Natuwa ang mother dear ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa pagtatanggol ng fans at binack-up-an niya ito sa pamamagitan ng pagpopost sa kanyang Instagram account ng Twitter post ng KN Social Media Moderators para sa 2nd round of Twitter party against this microblogger na mukhang ang tanging kaligayahan sa buhay ay banatan ang mga taong may achievements sa buhay na nakakaattract ng hundreds of thousands of views sa kanyang videos.

"Kung ayaw n'yo hong masira ang pagkatao n'yo,ang araw, eh huwag na ho kayong mag-social media," banat niya ke Karla.

Isa sa highlights ng video ni DJ ay ang pakiusap niya sa NTC na ang desisyon sana nila ay para Kala defentssa interes ng nakararami at di lang iilan. "Ang batas ho ay wala namang pinipiling emosyon. Ang batas walang pinipili yan," reply ni BB, kahit na May 14 ay matunog pa ang issue ng pulis na may party during ECQ na binansagang Mananita at di naman siya nakasuhan.


Walang makapaghihiwalay
Si Kath naman na ang main argument ay kung saan na makakakuha ng impormasyon ang mga tao ay binara niya at sinabing pwede naman sa radyo dahil ang AM even though you are in a cave, may reception, unless your goal is actually makilala at sumikat.

Umabot sa 150k+ tweets ang concentrated effort ng Kathniel fandom but up to now ay di pa rin nakablock sa FB ang streams ni Banat By.

Samantala, di na muling humirit pa sa IG so Karla at instead ay pinromote niya ang new batch ng ABS-CBN shows na OKS --- Online Kapamilya Shows. Isa dito ang 'Confessioms with the Momshies',kung  saan kasama niya niya ang kanyang 'Magandang Buhay' co-hosts na sina Jolina Magdangal and Melai Cantiveros, which can be viewed sa Facebook and ABS-CBN accounts soon.


*****


Nagstart nang magstream sa iWant, the video streaming service of ABS-CBN, ang 'Love Lockdown' last May 15. 


Arjo and  Angelica in "Love Lockdown"

Ensemble film ito in the vein of 'Closer' or 'Ocean's Eleven' na sexy-suspense ang theme starring Angelica Panganiban (Leslie), JM De Guzman (Allan), Kylie Versoza (Karen), Jake Cuenca (Jacob), Sue Ramirez (Abby), Tony Labrusca (Darren) and Arjo Atayde (Fred).

Ang actors mismo ang nagshoot sa kani-kanilang scenes. The story revolves around a couple na magugulo ang buhay dahil sa isang third party at ang isa sa kanila ay magbe-break-away at madadamay ang iba sa kanyang situation.

Three-part ang format ng interwoven stories nito ang produced by Dreamscape Entertainment.