Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » » » Wish Bus, hindi kailangan si Kim Chiu

Kim Chiu




 In 10 hours ay naka-1.2 million views agad ang Wishclusive Wish Bus performance ni Kim Chiu, na tinawag na quarantine pop star ng ilan. Record-breaking ang 'Bawal Lumabas' given the timeframe although hindi na bago para sa isang Wish Bus performance ang magkaroon ng millions of views within a week of uploading.

"Bawal Lumabas" is super trending is pak na pak
Isa pang record ang binreak nito sa pagiging most disliked video sa Pilipinas at almost 350k views as of writing. 337k dislikes lang kasi ang video ng episode ni Raffy Tulfo at ng guro na gusto niya sanang matanggal ang lisensya dati, pero lamang na lamang ang ratio ng dislikes ni Kim kasi 7.3 million views itong isa.

Kahit si Xander Ford na isa sa most-disliked personalities sa bansa ay wala sa kalingkingan ng dislikes ni Kim. "Hold my classroom," as the joke goes.

Unang-una, I have to agree with the negative commenters na sintunado siya. Kaya kasi sumikat ang Wish Bus ay dahil sa standard nila pagdating sa mga pinagpeperform nila dito na mostly ay up-and-coming OPM artists, yung full of talent pero hindi mainstream. Para sa akin, hindi pasok sa standard ng Wish Bus si Kim Chiu so I do not know what she is doing there.

Kim's Wish guesting inabot ng sandamakmak na  bashing
I don't wanna conclude na because 5 digits lang ang views ng karamihan ng videos na inupload nila this month instead of 6 digits kaya naisipan nilang sumakay sa trend for once. Pwede naman nilang inimbita na lang ulit ang banda ni Cong TV na COLN, si Skusta Clee, o si Emman Nimedez na may wish sa kanyang Twitter account na makakanta sa Wish 107.5. Isa nga sa naging basehan sa dislikes ng mga tao ay the fact na Emman, who makes decent music and can sing well, ay di pa iniinvite sa Wish Bus, pero si Kim na obviously kailangan pa ng voice lessons got there first.

Ang isang palaisipan ay why hindi nakacredit si DJ Squammy, who turned the viral video into a song with his beats in the first place. Dahil ba hindi siya kilala? Did Kim Chiu buy him out para di na niya habulin ang proper credit? Ano ba ang naging deal kaya nila ng Star Music?

Yes, I am aware na full mention si Kim sa vlog niya kay DJ Squammy but sana maaalala nila na if he didn't do the parody, the full song ay hindi mag-eexist in the first place.

Give credit where credit is due. Hindi lang yan para Kay DJ Squammy, but sana mas bigyan ng venue ang better OPM songs and artists.

Hindi kailangan ng Wish Bus makipagsabayan sa trending kasi sila mismo ang may kaya magpatrending.

Proof? Ilan sa above 10M views nila na videos ay from artists na hindi mainstream like Chocolate Factory, Allmo$t, Magnus Haven, Kiyo and Allison, and Michael Dutchi.


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply