Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » Angel Locsin: Hindi takot tawaging terorista

Angel Locsin




 Kapag pinagdikit mo ang mga salitang "artista" at "charity", dalawa malamang ang top names at the back of your mind: Angel Locsin and Willie Revillame.

However, though si Kuya Wil ay namimigay ng sandamakmak na pera for decades now, a large portion nito ay galing sa sponsors niya. Si Angel ay mistulang anghel sa lupa dahil napakahands-on niya tumulong to the point na pumupunta siya sa delikadong lugar like nung kakasabog lang ng Taal. Ang pangdonate niya ay usually nanggagaling talaga sa bulsa niya and during some occasions ay nagoorganize siya ng fundraising campaigns for bigger projects kagaya nitong sa pandemic na kinakaharap natin now.

Naglilingkod na si Angel sa mga kababayan bago ang COVID-19

Kahit na may banta ng anti-terror bill ay napakavocal ng pag-oppose ni Angel Locsin dito, which goes to show na mapasa man ito ay di mawawala ang passion niya for helping others kahit na branded na leftist itong mga ito, matawag man siyang terorista.

Isa sa nag-viral recently ay ang ginawa niya kay Tatay Elmer na 72 years old from Piston 6 na nakulong. Tinulungan nila ito ni Bea Alonzo by sending him alcohol, face masks, and vitamins while in detention. Secret lang ito dapat but Tatay Elmer revealed it kasi gusto talaga silang pasalamatan.

Hindi na nakapagtataka na ngayon ay maghohost naman siya ng 'Iba Yan', a docu-reality show na nagstart airing ng June 14 sa Kapamilya Channel 6:15pm ng gabi at henceforth regularly mawawatch every Sunday night. 

Terorista/
Sa kabila ng kabutihan niya ay marami pa ring bashers, gaya na lang ng isa sa Twitter who implied na ipokrita siya because quiet daw siya nung may mga casualties dahil sa terrorists pero maingay sa pagoppose sa anti-terror bill.

Mahinahon na niremind ni Angel ang public na vocal rin siya noong issue ng SAF 44 at Marawi Siege. Sinupport din niya raw ang 


AFP at PNP sa ibang campaigns nila during this pandemic.

Sobrang active ni Angel sa pagmonitor ng kanyang account because even yung pag-like ni Sen. Tito Sotto sa post ng isang basher accusing her of being pro-NPA dati pa ay sinagot niya.

"Hi Sen @sotto_tito, saw that you liked this tweet. I will never support terrorists, nor will I ever support any kind of violence. You have the right to like any tweet. And we have the right to voice out our opinions. I hope we don’t get tagged as terrorist for doing so. Thank you," said Angel.

Gandang pro-NPA
Under sa bill, kapag napasa Ito at naging Anti-Terrorism Act of 2020, possibling maaccuse ang anyone in the country like Angel Locsin na very vocal about sa mga puna niya sa government kasi even ang speech or acts which could incite terrorism, na hindi well-defined, ay pwede kang madetain for 24 days.

Ang tanong, given the situation, handa kaya in the near future si Angel na mag-next level sa kanyang activism? Si Janine Gutierrez ay umattend sa "mananita" Independence Day event sa UP Diliman last June 12. Ang A-list artista ba gaya ni Angel ay kayang physical na makibaka para sa ipinaglalaban niya?


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply