Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » CENTERSTAGE: Miss Philippines-Earth 2020, tuloy na tuloy

Miss Philippines-Earth Janelle Lazo Te




Walang mga pageant fans na maghihiyawan at walang bonggang stage!


Ito ang magiging scenario sa pagtatanghal ng grand coronation ng Miss Philippines-Earth 2020 beauty pageant sa kanilang virtual reality show na tentative na gagawin sa May 24.

Ibig sabihin ay mapapanood lamang ang finals ng Miss Philippines-Earth 2020 sa social media platform ng MPE pero ipapalabas din ito sa ABS-CBN.

"We are now preparing for a virtual presentation of MPE 2020 that will be aired on ABS CBN and in our social media account. Our tentative date is May 24, 2020," ayon kay Lorraine Schuck, Executive Vice President ng Carousel Productions, organizer ng taunang Miss Philippines-Earth at Miss Earth contests.
Miss Philippines Earth 2019 winners

Kung matutuloy, ito ang kauna-unahang national beauty contest na gagawing virtual reality na ayon na rin sa pagtupad sa mga rules and regulations para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 virus.

Sinabi rin ni Schuck na ihahayag daw nila ang iba pang details ng show para sa grand finals sa mga darating na araw.

Inamin ni Schuck na talagang naapektuhan ang preparation nila para sa Miss Philippines-Earth 2020. December 2019 pa lamang ay nag-announce na kaagad ang MPE na tumatanggap na sila ng mga applicants para sa official candidates ng naturang beauty pageant.


"COVID19 prevented our preparations for below the line events and a pageantry, an elaborate presentation for the coronation night the normal way, but it did not stop Miss Earth from promoting its main cause — awareness on environmental issues," sinabi ni Schuck.

Lorraine Schuck with her queens
Naniniwala rin ang MPE official na mukhang tatagal pa ang COVID-19 krisis hanggang sa 2021 kaya may possibility na maging virtual reality pa rin ang mga susunod nilang pageant.

Ang mananalo sa Miss Philippines-Earth 2020 ay magiging representative ng Pilipinas sa Miss Earth contest. Ang TV host na si Janelle Lazo Tee ang reigning Miss Philippines-Earth.

Pero sabi ni Schuck na hindi pa raw nila napapag-usapan ang tungkol sa Miss Earth pageant.

Kahit nagkaroon ng health crisis, never raw inisip ni Schuck na ihinto ang Miss Philippines-Earth pageant ngayong 2020.

Nagpapasalamat siya sa mga media na patuloy na tumatangkilik sa Miss Philippines-Earth pageant na ngayon ay 20 years old na.

Para makatulong sa krisis, nagsagawa ng health forum ang Miss Philippines-Earth para maging aware ang mga tao sa environmental issues na related sa pagsugpo ng coronavirus.


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply