Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » CENTERSTAGE: Heroes in The Hot Zone, Espesyal ng ABS-CBN DocuCentral





Yes, we need to brace ourselves now that the enhanced community quarantine has another extension. How we deal with this reality, it is up to all of us to make the most of it.

And how do we begin to embrace this new phase, by making it trend in Twitter with a dramatic hash tag, #ECQ Season 3, yes we are one in enduring and surviving this turn out.

Kaya nga nakakatuwang malaman na sa darating na Linggo, isang natatanging documentary film for television ang ipapalabas sa ABS CBN kung saan hindi lamang bibigyang mukha at tinig, kundi mapapanood natin ang mga natatatanging kwento ng sakripisyo ng ating COVID-19 frontlines.

Our Frontliners
Paano nga ba lumaban sa giyera nang hindi mo nakikita ang kalaban? Ano ang mga hirap na dinaranas ng mga nasa gitna ng panganib? Ilan ito sa mga nagbabagang katanungan na bibigyang diin at kasagutan sagot ng napapanahong dokumentaryo mula sa ABS-CBN DocuCentral, ang  “Heroes in the Hot Zone,” na ipapalabas sa Kapamilya Network ngayong Linggo (Abril 26) ng 9 pm.


Sa dokumentaryo, si Ginoong Raphael Bosano ang magbabahagi kung gaano katindi ang epekto sa buhay nating lahat ang COVID-19 virus at tatlong doktor ang ang magkwekwento ng kanilang mga karanasan.

Ang unang doctor, dadalhin tayo sa triage tent kung saan gingawa ang COVID-19 testing, hanggang sa kaguluhan sa emergency room, at nakapangingilabot na katahimikan sa mga kwarto kung saan mag-isang nilalabanan ng mga pasyente ang sakit.

Rafael Bosano of ABS-CBN DocuCentral
Makikilala rin sa dokyu ang isang magiting na doktor na pumanaw dahil sa coronavirus, matapos niyang isakripisyo ang kanyang oras para sa pamilya at kalusugan para magbigay serbisyo sa mga Pilipino. 

Ang panghuli, ang isang doktor na gumaling mula sa sakit para mas maintindihan pa ng mga manonood ang sakit na COVID-19 at kung paano niya ito natalo.

Dahil sa COVID-19, hindi maiiwasang isipin na tila nasa gitna ng digmaan ang buong mundo ngayon kung saan mga health worker ang nagsisilbing mga sundalo na taga-depensa ng tao sa kalaban. Sa bawat sabak nila sa panggagamot ay nalalagay din sa alanganin ang kanilang buhay, ngunit pinipili nilang lumaban para mas marami pang buhay ang mailigtas.

A doctor and survivor of the deadly COVID-19 tells his story
Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), umabot na sa 700 na health workers ang nagkasakit dahil sa coronavirus. Ang masaklap pa rito, kasama sa mga namamatay ang mismong mga doktor at nars na nangangalaga sana sa may sakit.

Tiyak na inspirasyon at pag-asa ang ating makukuha sa Heroes in The Hot Zone kaya huwag kaligtaang panoorin ang espesyal na dokumentaryo tungkol sa COVID-19 pandemic at bayani nating frontliners ngayong Linggo, 9pm sa ABS-CBN at iWant.


«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply