|
May bagong career na raw si Mylene Dizon kapag na-lift na ang ECQ. Ito ay ang maging barbera!
Bukod sa pagtatanim, natuto na raw si Mylene maggupit ng buhok at ang unang naging customers niya ay ang boyfriend na si Jason Webb.
Dahil nga sa lockdown, sarado ang mga barbershop at walang choice ang ibang kalalakihan kundi ang pakiusapan ang kanilang partners na bigyan sila ng trim para sa kumakapal nilang buhok.
Mylene and partner Jason Webb |
Sa in-uplod na video ni Mylene sa Instagram, naging masterpiece daw niya ang paggupit sa buhok ni Jason.
Dahil success si Mylene sa ginawa niya, sunod daw papasadahan niya ng gupit ay ang buhok ng kanyang dalawang boys na sina Tomas at Lucas.
*****
Hindi nakauwi sa Las Vegas si Asia's Nightingale Lani Misalucha dahil dito na siya inabutan ng lockdown sa Pilipinas.
Kaya habang wala pa itong trabaho, ang condo na tinitirhan nila ng kanyang mister ang siyang naging project ni Lani. Puwede na raw siyang tawagin na Home Repair Diva.
“Dahil nasa loob lang tayo ng bahay, siyempre, maghahanap ka ng puwede mong magawa, 'di ba? So sa kakakalikot namin dito, may mga nakikita kaming puwedeng ayusin tulad ng aircon. Imbes na magtawag kami ng repairman, kami na lang dito ang nag-ayos at naglinis ng aircon. Ngayon mas okey na ang takbo niya.
“Marami pa kaming ginawa rito na repairs na ikinatutuwa namin dahil nagiging bonding moments namin iyon," sey pa ni Lani.
Lani Misalucha |
Isa namang expert na gawin ni Lani ay ang magluto at araw-araw na raw niyang nagagawa ito hindi tulad noon na sobra siyang busy.
“Marunong naman tayong magluto at kahit noong nasa Amerika tayo, ako ang namamalengke at nagluluto roon para sa mister ko, sa mga anak ko, at sa mga apo ko. Kapag nasa Pilipinas lang ako napapahinga magluto dahil puwede namang mag-order kahit saan.
“Pero sa panahon ngayon, it's better na ikaw na ang magluto dahil mas makakasiguro ka na kinakain mo. Though puwede pa rin namang magpa-deliver, pero mas okey pa rin 'yung ikaw na ang humaharap sa kusina," diin pa niya.
Nagiging abala lang ni Lani ay ang paghandog ng kanyang pag-awit sa ilang live stream shows. Looking forward din siya sa 3rd season ng The Clash na nagsimula na ang online audition noong nakaraang April 4.
*****
Extended ulit ang ECQ (enhanced community quarantine) sa NCR hanggang May 15 kaya para mawala ang pagkabagot, naghanda ang GMA Network ng mga bagong panonoorin sa April 26.
Sa Kapuso Movie Festival, palabas ang animated action-adventure comedy movie Open Season, tungkol sa grizzly bear named Boog na na-stranded in the woods during Open Season.
Palabas din ang Mission: Impossible (Rogue Nation) ni Tom Cruise bilang si Ethan Hunt.
Sa GMA Blockbusters palabas ang romantic-comedy film ni Aga Muhlach and Regine Velasquez na Of All the Things. Kuwento ito ni Umboy, isang notary public attorney at ang raketerang si Berns.
Palabas ang horror flick na Malikmata ni Rica Peralejo sa Sunday Night Box Office (SNBO).
No comments: