|
We survived the enhanced community quarantine (ECQ). When the modified ECQ was declared, most of us did not feel the difference and continued with our daily routines, followed our quarantine schedules and we all lived to see another day. And now, the general CQ is just four days before us, are we ready to embrace this new phase?
Whatever good we have earned and learned during the longest quarantine season in this side of the planet, let us take it to heart and continue to do it since all our very lives depend on being disciplined and mindful of our actions and reactions. Huwag naman agad-agad magpakasasa sa kaligayahan at kalandian lalo na ngat wala pa ring vaccine para sa pisting veerus.
Ai Ai at Zsa Zsa may word war? |
Ai Ai at Zsa Zsa may word war?
At dahil mindful tayo sa mga kaganapan sa showbizlandia, amused na amused ako sa palitan ng kuro-kuro nina Comedy Queen AiAi delas Alas at Divine Diva Zsa-Zsa Padilla tungkol sa isang Korean drama na marami ang watchers. Huwag na nating banggitin pa kung ano ang title nito dahil nakakakuha lang ng libreng publicity sa Pilipinas nating mahal ang show na ang bida ang universal oppa, si Lee Min Ho. Deadma na ako sa leading lady niya dahil sa true lang, hindi naman ito kagandahan. Commoner na commoner ang look of this Koreana na walang facial pores, huh! Hindi nagustuhan ni AiAi ang show. Inisa-isa niya ang kanyang valid points. Ang nanay naman ni Karylle, bet na bet ang show at may pasintabi na nga ito na ang pagkaka-gust niya sa K-drama does not mean na nakikipag-tarayan siya sa Kapuso comedienne. Papatol pa ba tayo sa giyera pataning ito? Huwag na. Pareho namang hindi experts in South Korean culture sina Martina at ZsaZhing at second hand information lang naman ang alam nila talaga, just like the most of us, on what makes a compelling drama na pasa sa Korean at international viewers standards lalo na nga’t isang pangmalakasang worldwide channel rin ineere ang palabas ni Min Ho.
Kesa magbangayan pa sina AiAi at ZsaZsa, maglambing na lang sila sa mga pinagtratrabahuhan nila na baka naman gusto na nilang baliin at ibaon sa limot ang kanilang formulaic at melodramatic dramas para naman ang international viewing audiences eh maging mausisa kung ano ba talaga ang ispesyal at katangi-tangi sa Filipino movies at television shows.
Hindi ko rin kinaya ang drama na si James Reid, may bagong official title, Ambassador ng Food Security para sa Department of Agriculture (feeling pro-magsasaka si Pogi ?-Ed)
Ang plastic container ni James. Bow! |
Hindi ko ma-konek kung ano ang magagawa at kayang gawin ni Reid para maiparating sa lahat na may sapat na pagkain at kakainin ang more than a hundred million Filipinos. Ni baka hindi nga alam ni James kantahin ang Bahay Kubo at baka ni hindi niya kilala ang mga gulay sa folk song? Sure ako na ang baboy, manok at baka, tiger prawns, lobsters at squid alam niya. Pero ang bisugo, sapsap, hiwas at talakitok, has he even tasted din? Will we see him planting palay with the farmers or making the tubo into asukal?
Enchong, may planong tablahin ang BIR? |
And ang emote ni Enchong Dee, na bilang berdaderong middle class who pays the gobiyerno nacional a stupendous amount of taxes, na super nagdadalawang isip if he wants to settle his tax obligations on time lalo na nga’t tila wala namang malasakit at simpatiya ang mga nasa kinauukulan na just like the rest of us, ang middle class, also need gabay, pagkalinga at pagmamahal.
Happy GCQ sa ating lahat at dapat na mas lalong maging disiplinado at maingat, my dear beloved Blahbers, okay?
No comments: