Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » » » » CENTERSTAGE: Kim and his "Zero"


Kim of the  Rider Inc. Pinas






 Araw-araw ay laman ng balita ang pandemic na ito at even though about 3 weeks mahigit pa lang ang enhanced community quarantine ay malaki ang naging impact nito sa life ng lahat.

Ang "Zero" ay creation as well as pinroduce ng R.I.P. o Rider Inc. Pinas na ang official description ay "virtual band that exists in a virtual universe." Mostly rock, dance, hip-hop, and tribal music ang genres na balak nila i-fuse together. Bago lang ang music producer na ito officially although the main brain behind this na pamysterious ay may decades of experience as a singer-co poser.

Umpisa pa lang ay mapapaisip ka kung bigla bang lilitaw si Camila Cabello sa very Latin intro nito na segue sa Gloc-9 vibes ng featured rapper na si Kim. Namention ko si Gloc-9 kasi social realism ang theme ng lyrics at first person storytelling ng isang kahig isang tuka ng taong tinamaan ng COVID-19.

Clear ang pagkakaenunciate ng lyrics bagaman mabilis ito dahil rap nga subalit possible makaencounter ng difficulty learning the rap stanzas nang mabilis kasi although moderate ang bilis nito hindi common ang phrasing ng lyrics.

Kung gaano kachallenging ang rap parts ay siya namang idinali ng chorus nito pati bridge part na kinanta ng isa sa mga taga-R.I.P. Ito yung type of song na isang pasada lang eh 90% na makabisado mo talaga yung chorus kasi nakaka-LSS talaga. Marami ding ways para i-iinterpret ang ang chorus kumpara sa rap parts na diretsahan ang mensahe.

Kaliwa kung kanan
Ikot sa upuan
Aatras abante
Walang makapagsabe
Kung saan, kailan, ano ang dahilan
Basta't OK lang yan...

Yung "kaliwa kung kanan" ay pwedeng mainterpret sa hindi basta pagiging basta blind followers ng ilan and pagiging aware na may dapat mabago sa system para hindi maging chaotic ang kapaligiran. Pwede rin itong mainterpret as an analysis kung paano nag-iiba ang instructions ng pangulo in connection with the enhanced community quarantine pagdating na sa local government units o LGUs.



Kim's Zero will be available in Spotify soon
Yung second to third lines eh maiaapply mo sa lahat dahil kahit superpowers na China at US ay mistulang nawalang ng compass at hard hit ang economy. Ang fourth and fifth lines ay siyempre ang COVID-19 na hanggang ngayon ay walang known cure at even though evidence points strongly to Wuhan na origin daw ay hindi mo rin masabi na 100% ay dun galing.

Napakaimportante ng final line kasi it is very hopeful. Even the tone and the way ng ng pag-sing ng chorus ay gentle and soothing lalo na bridge part. After the final rap part it's as if the song ay nag-ibang anyo tho andun pa rin ang Latin feels.

Kung ang rap parts ay inaarmalite ka ng problems nung narrator, ang chorus ay dinadala ka sa isang lugar na punung-puno ng pag-asa. Magandang choice ang Latin touch kasi closely related ang Latin America at Spain. Ang Spanish flu ang deadliest pandemic in history at over 50M ang namatay because of this.

Basta't okay lang yan. Ito ang main mensahe ng song na magandang i-carry natin within ourselves as we heal as one.

Mapapakinggan ang "Zero" na second song sa debut album ng Rider Inc. Pinas featuring the rapper Kim sa kanilang YouTube channel na "Rider PH Studios". Lalabas din ito sa Spotify within April.

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply