Theme images by kelvinjay. Powered by Blogger.

Slider

Story of the Day

Next Picture

CenterStage

All K

Go Where?

Health & Beauty Plus

Eat

Fresh

Instagram Post

" });
» » » » » » » » Liza, Mystica, McCoy, rumesbak sa mga pasaway


Liza Soberano, Mystica and McCoy de Leon



 Let us start this column with a heart-tugging quote from Lori Deschene: “Maybe when social distancing is a thing of the past, we’ll hug a little harder, hold on a little longer, and remember that nothing matters more than the time we spend with the people we love.”

What a beautiful way to start today’s Divalicious, right? Now that it is about two days before we are in general community quarantine, if we want to experience once more the hugging and make it tighter than tight, holding another person’s hand and not minding that is sweaty and remembering the special scent of someone dear as your body is pressed against him or her, let us be a more disciplined and mindful of our actions so that the number of people being afflicted of the pisting veerus will no longer escalate knowing the fact that a possible vaccine for it remains to be an elusive dream. Kaya, bawal maging pasaway at ang walang kadahilanang pagrampa here, there and everywhere, huwag gawin. Hindi masama ang tumigil sa bahay kung hindi naman kinakailangang lumabas. Mas mainam magpaka-ermitanyo o mongha ang drama hanggat ang ang panganib ay pangmalakasan pa.

Kaya, pagtuunan na lang natin ang mga pinagkaka-abalahan ng mga artistang na somehow, they moved me to make them pansin.


Liza
Ang panawagan ni Liza Soberano na magkaisa ang lahat ngayong patuloy pa rin silang nakikipaglaban para sa network renewal nila. Siguro, kung ni-revive ni Soberano ang “Magkaisa” ni Virna Lisa, baka mas matuwa pa ako sa panawagan niya. Wala naman kasing gravitas ang basta panawagan na lamang dahil ang dami na namang hindi lang ganiyan ang ginagawa, pagsusumamo pa at may kasamang matinding panalangin. Hindi ko alam kung hanggang saan aabutin at kung paano matatapos ang moro-moro na silang mga taga-Mother Ignacia ang siyang major, major players.

May naka-ambang 8 counts of counter demanda si Mystica laban kay Arnell Ignacio na siyang unang nag-demanda sa kanya. Ay! Exciting ito! Magkaka-alaman kung sino ang tunay na kabogera at kung sino ang dakila at tunay na baliw sa giyera-giyerahan ang mga mga nag-aaktingan ay isang bakla at babaing ang pag-uugali ay pambakla.

Sige, pahabaan kayo ng mga pisi at magpagalingan ng mga abogado para magkaalaman na kung may merito at saysay nga ba ang inyong mga ikinakaso sa isa’t-isa. Ang hindi ko talaga maunawaan sa tunggaliang ito, pareho namang la ocean deep at super trying hard na magpaka-relevant ang matatandang ire, bakit pa natin papatulan ang tripping nila? Ay! Nasa demokrasya nga pala tayo kaya may karapatan silang gawin ang gusto nila.



Eh ano naman ang maikukuda ko ba fake news na attributed sa super cutey na si McCoy de Leon? Kung ako sa binate, inangkin ko na ang alegasyon lalo na nga’t talaga namang the way the gobiyerno nacional is handling this pandemya, hindi mo talaga maunawaan kung the best and the brightest nga ba silang lahat o sadyang ginagawa nilang laro ang pagpapatakbo sa bayan?

Hindi ba naman kung kailan mas spaghetting pataas ang may pisting veerus affliction saka tayo ilalagay lahat under the GCQ? Parang ginigisa tayong lahat sa sarili nating mantika. Kaya sayang talaga na hindi inangkin at inari ni Mc Coy ang Law of CR na paandar.

Kung sabagay, ang bantot nga naman kung sa walang kwenta at gawa-gawa lang na balita niya ikakabit ang kanyang pangalan lalo na nga’t kahit paano, kilala na siya, may kakarampot na following at marunong naman umarte from time to time. Ang savage! Hahahaha!

Ngayong under GCQ na tayo, ano pa nga ba blooming ang dapat sabihin kundi good luck, good health and God bless us all!

«
Next
Newer Post
»
Previous
Older Post

No comments:

Leave a Reply