Will the live-action movie "Mulan" soar like its animated version in the worldwide box-office?
Usap-usapan sa Hollywood these days ang bold move ng Walt Disney Productions na nag-invest ng US$200 million para sa nasabing pelikulang ito na ipapalabas na ito sa buong mundo sa March 27.
Ka-abang-abang din ito dahil all-Asians din ang mga kasama sa nasabing pelikula na pinangungunahan ng Chinese superstar na si Liu Yifei. Ilan pang mga bigating Chinese stars sa bagong "Mulan" ay sila Gong Li at Jet Li.
Mabango ang mga Asian movies ngayon dala na rin sa kapa-panalo pa lamang ng "Parasite" mula sa South Korea bilang Best Picture sa prestihiyosong 2020 Oscar awards.
Ang original na "Mulan" na ginawa noong 1998 ay napakalapit sa puso ng mga Pinoy dahil sa singing voice ni Broadway star Lea Salonga na umawit ng theme song nito na pinamagatang "Reflections."
Para sa bagong version ng "Mulan," si Liu Yifei ay napili sa mga higit na 1,000 na nag-audition sa buong mundo para sa role ni Hua Mulan, na nagkunwaring lalaki para lumaban sa Imperial Army.
Nagsimula ang audition para sa movie noon pang October 2016. Talagang hinalughog ng casting team ang buong mundo para makahanap ng artista na babagay sa naturang pelikula. Ang mga nakapasa sa audition ay dinala sa Los Angeles, California kung saan sila ay sinala.
Si Liu Yifei ay galing sa Wuhan, China. Yes! Galing siya sa Chinese province kung saan nagmula ang covid-19 na halos kumakalat na ngayon sa buong mundo.
Ang animation na "Mulan" ay ginawa sa budget na US$90 million at kumita ng US$475 million sa worldwide box-office. Pero halos doble ang budget ngayon para sa remake ng pelikula. Sa ngayon, ang new version ng "Mulan" ang pinaka-mahal na live-action movie na ginawa ng Walt Disney.
Sa laki ng investment ng remake ng "Mulan," masyado raw risky ang ginawa ng Walt Disney para sa pelikulang ito, ayon sa ilang movie executives.
Pero kung maganda naman ang pagka-gawa ng movie, then there's a chance na malampasan nito ang original version ng "Mulan," 'di ba?
Ang problema lang talaga sa ngayon, dahil na nga sa kumakalat na covid-19, malamang na hindi muna ito maipalabas sa China sa mga darating na buwan.
Ilang bigating Hollywood movies tulad ng 1917, Dolittle at Jojo Rabbit na dapat sana ay ipapalabas na sa China ng February, ay hindi na muna itinuloy dahil sa lumalalang virus.
Noong November 2018 pa dapat ipapalabas ang bagong "Mulan" subali't nag-decision ang Walt Disney na ipagpaliban muna ito para lalong mapaganda pa.
No comments: